KABANATA 03 ☕︎︎
Kasalukuyan kaming naglalakad ni Julia sa hallway nang biglang may bumangga sa kaniya. Halos matumba ito dahil sa lakas ng pwersa noong babae. Mabuti nalang nakahawak siya sa braso ko.
"Aray!" She shouted.
"Deserve," sabi noong babae na bumangga sa kaniya. "Buti nga 'yan lang inabot mo, e."
Mabilis namin itong nilingon. Nagtataka ko itong tinignan. Taas kilay itong nakatingin kay Julia. Nagbaba ako ng tingin sa nametag niya. Bagay na bagay sa mukha at ugali iyong pangalan niya.
"Anong sabi mo? Siraulo ka ba?!" Inis na giit ni Julia kay Hellzel.
"Ako? Siraulo?!" Lumapit ito sa amin at parang naghahamon.
Hinila ko ang laylayan ng uniform ni Julia upang sabihin na tama na pero hindi siya nagpatinag, mukhang papatulan niya rin 'tong isa.
"Ikaw pa galit? Ikaw na nga 'tong nangbunggo."
"Sumasagot ka pa?" Aambahan niya sana si Julia nang biglang may humablot sa kamay nito.
Naguguluhan ako sa mga nangyayare kaya naman hinila ko siya. "'Wag muna kasi patulan, Lia!"
"Dion."
Julia and I suddenly stopped when we heard Hellzel say that Dion grabbed her hand. We glanced at each other briefly before turning our gaze towards them.
Hindi nagsalita si Dion. Tumingin siya sa gawi namin, kumindat ito kaya napanganga nalang ako habang pinagmamasdan silang dalawa.
Sumama ang mukha ko dahil mukhang nawala inis ng babaeng 'to. Hindi ko alam ang nangyayare pero iba 'yong kutob ko. Lalo na ngayong na parang ilang linggo na rin ang lumipas simula noong nakilala namin si Dion. Madalas ay nahuhuling umuwi si Julia sa may boarding house kaya ang nangyayare ako lagi ang mag-isa ang naglalakad pauwi.
"May hindi ka ba sinasabi sa akin?" Tanong ko dito nang makarating kami sa kitchen laboratory.
Nagtataka niya akong tinignan. "Huh?"
"Anong huh ka diyan? Akala mo ba wala akong napapansin sayo Julia? Meron kaya, huwag munang itanggi."
"Pinagsasabi mo? Praning ka lang." aniya saka niya ako tinalikuran.
Sinundan ko ito hanggang makarating kami sa may locker upang magpalit ng uniform namin na pang-lab.
"'Di ka talaga aamin sa akin, Julia Reese Castillo?" Pangungulit ko sa kaniya.
"Melissa naman, eh. Anong aaminin ko kung wala naman talaga!" Mukhang iritable na siya sa akin.
Haharang pa sana ako sa daraan niya nang bigla akong patirin noong isa naming kaklase. Mabuti nalang at may umupan sa harap ko kaya napahawak ako doon.
Haharapin ko sana ito pero saktong paglingon ko sa pumatid sa akin ay wala nang ni anino kung sino ang gumawa niyon. Napansin ko nalang ang iba kong kaklase na nagpipigil ng tawa sa nasaksihan nila.
"Hindi sana umalsa 'yong tinapay na gagawin nang pumatid sa akin." I muttered.
Pumunta ako sa designated area ko. Hindi kami magkatabi ni Julia dahil naka-alphabetical kami ngayon. Nasakabilang dulo siya samantalang ako nasa gitna. Hiyang-hiya ako dahil nasa likuran lang ako nang nasa harap at panigurado akong kitang-kita ni Ma'am 'yong bawat galaw ko.
Nagsimula nang magturo si Ma'am Cole. Nang matapos itong magsalita at magturo ay binigyan niya kami ng tag-iisang sheet upang doon isulat ang ingredients and procedures na gagawin namin dito sa tinapay.
BINABASA MO ANG
Taste of Melody (Strand Series #4)
Teen FictionStrand Series #4 Melissa Irish had always found solace in the kitchen. Her passion for cooking led her to choose the Technical-Vocational Livelihood (TVL) Track major in Cookery at Westville High as a Senior High student. Sean Enzo, on the other han...