Kabanata 05

47 8 10
                                    

KABANATA 05 ☕︎

Ilang araw pa ang lumipas. Madami ang nangyare sa buong linggo. Ang dami naming hands-on at naging abala rin kami lalo na sa research paper. Halos mangatal kaming buong section nang malaman namin may title defense pa. Kahit pa qualitative iyong klase ng research ay kailangan naming maging maingat sa pagpili ng topic. Hindi kasi dapat iyon maging broad dahil mahihirapan kami. Hindi rin kami magkagrupo ni Lia, sinadya ng teacher namin napaghiwalayin kami.

"Nakakapagod pala maging senior high." asik ni Julia habang isinusubsob ang mukha sa arm-desk.

"Pakiramdam ko sasabog na 'yong ulo ko sa daming iniisip na gawain, Lia." sabi noong isa naming kaklase na panay lagay ng kolorete, nangangapal na nga iyong blush on niya sa sobrang retouch.

Tumaas ang magkabilang kilay ni Julia habang inaabot ng tingin si Angel. "Oo, Ange. Mukha kanang sumabog sa pula ng pisngi mo."

Pigil na pigil iyong tawa ko habang nakatingin sa dalawa. Kahit kailan talaga ay walang preno ang bibig nito. Iyon ang isang rason kung bakit naging kaibigan ko siya dahil kahit papaano ay siya iyong nagsasabi ng totoo sa akin sa tuwing nakakarinig ako ng mga pangit na salita sa mga ibang section.

***

Kasalukuyan kaming nasa canteen, vacant time kaya napagdesisyunan naming tumambay muna dito. Habang abala kami sa pagku-kwentuhan, bigla nalang may naglapag ng tray ng pagkain sa harap namin. Sandali kaming nagkatitigan ni Julia bago tignan iyong umupo sa harap namin.

Napangiwi ako nang makita sina Dion iyon kasama si Andrei at Sean. Napansin ko rin nagtilian 'yong kasama namin sa table dahil feeling pogi 'tong tatlong asungot.

"Asim niyo namang tatlo." buyo ni Julia kaya sumama ang tingin ni Dion at Andrei sa kaniya, samantalang si Sean naman ay nasa kabilang table iyong tingin.

Napalingon ako sa kabilang table. Hindi ako nagkamali nang hinala dahil nasa kabilang table iyong babae nakikipagngitian siya noong nakaraan sa may building namin.

Napansin nitong nakatingin si Sean sa kaniya naman nahihiya itong ngumiti dito. Napairap na lang ako dahil tinginan palang nila alam ko nang may something sa dalawa.

"Alam mo, puwede ka namang doon nalang sa kabila kaysa ganiyan kayo. Ang cringe!" biglang sita ni Julia.

Napalingon si Sean sa sinabi nito kaya naman humagikhik sa tawa si Dion na mukhang alam niya ang ibig sabihin.

"P-Puwede ba? Kasi sabi ni Dion sainyo daw kami sasabay, e."

"Puwede naman, pero ewan ko dito kay Melissa kung okay lang sa kaniya." nilingon niya ako saka siniko ang braso ko.

Napailag ako. "Bakit ako? Pakialam ko sa lalaki na 'yan. 'Di ko naman hawak buhay niya."

Napahampas si Dion sa kaniyang dibdib. "Ouch, savage!"

Nagtawanan silang lahat. Ako at si Sean naman ay nakatitig lang sa isa't isa. Tinaasan ko siya nang kilay habang nakaangat lang ang isang sulok nang labi niya.

Gaya nang inaasahan namin, binitbit ni Sean iyong tray nang pagkain niya saka ito lumipat sa kabilang table. Hindi ko na ito sinundan nang tingin dahil nakakaasiwa silang tignan.

Natapos kaming kumain. Nauna kami ni Julia na lumabas sa canteen. Samantalang ang iba naming kaklase ay naiwanan sa table abala sa pakikipagkwentuhan kayna Dion.

While we were walking towards the building, Lia poked my side and gave me a mischievous look.

"Nagselos ka kanina 'no?"

I scoffed at what she said. "Ako?" tinuro ko iyong sarili ko. "Kanino? Doon sa babaeng pinopormahan ni Sean? Mahiya ka nga, wala naman akong gusto kay Sean."

Taste of Melody (Strand Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon