Kabanata 10

36 6 26
                                    

KABANATA 10 ☕︎

"Then, I don't care. They have no right to embarrass you inside the campus just because of their misconception."

Napaawang na lang iyong bibig ko sa kaniyang sinabi. Mabilis akong nag-iwas nang tingin sa kaniya dahil pakiramdam ko namumula iyong buong mukha ko.

"Dumaan ka muna sa apartment bago ka umuwi sainyo. Baka pagalitan pa ako ng magulang mo nang dalhin sa akin nagkabangas ka sa mukha." sabi ko saka ako nagumpisahang maglakad.

Nang makarating kami agad kong pinapasok ito. Napapadalas na rin kasi si Sean dito kaya nagiging komportable na akong nandito siya. Pinaupo ko siya sandali sa sofa saka ko inihanda iyong gagamitin pang gamot sa sugat niya.

"Oh, isuot mo muna." Binato ko sa kaniya iyong damit na inarbor ko kay Kuya Kendrick.

Sinalo na iyon. Mabilis akong napatalikod nang bigla itong naghubad.

Napapaypay nalang ako habang kinukuha ko iyong ointment sa kit. Nangunguot iyong noo ko dahil hindi ko maiwasang hindi mapaisip sa sinabi ni Sean kanina. Misconception? Hindi ko maintindihan iyong ibig niyang sabihin.

"Ouch," daing nito nang ilapat ko sa sugat niya iyong ointment.

Magtatangka sana itong ilayo iyong mukha nang mabilis kong nahawakan iyong batok niya.

"Ngayon, para kang maamong tuta samantalang kanina ay para kang leon na gustong manlapa." napairap ako sa kaniya saka ko pinatuloy iyong pag gamot sa sugat niya.

Hindi ko namalayan iyong naging posisyon namin sa mga oras na iyon. Napatikhim nalang si Sean kaya napahinto ako.

"Bakit?" Tanong ko dito. Nang mag-angat ako nang tingin sa kaniya doon ko lang napansin na sobrang lapit na pala ng mukha ko sa mukha niya.

I stared at his face, focusing on his lips. It's the first time I've looked at his face this closely. His skin is so smooth, as if he's using some kind of skincare product, while his lips, sobrang ganda ng hugis at parang ang sarap halikan.

"Mukhang malapit mo nang makabisado iyong detalye ng mukha ko sa sobrang titig mo, ah."

Kinunutan ko ito ng noo saka ko nilayo iyong mukha ko sa kaniya. Muli akong kumuha ng bagong bulak na may ointment at saka ko muling pinatuloy iyong paggamot sa sugat nito.

"Bakit mo ba kasi pinatulan pa si Ryan? Hindi ka pa rin ba tapos sa issue niyo ni Camielle?"

Nangunot ang noo niya sa tanong ko. "May issue ako?"

"Oo. Hindi ba't kailan lang nang malaman mo iyong tu—" he cut me off. "Sinapak ko siya because he deserves it."

"Melissa!"

Mabilis kong naitulak iyong mukha ni Sean nang marinig ko iyong boses ni Julia. Inayos ko iyong sarili ko saka ako tumayo sa kinauupuan ko at humarap dito. Nangungunot na lang ang noo ko nang makita kong kasama nito sina Andrei at Dion na mukhang gulat na gulat din sa nasaksihan.

"Sean, Melissa." si Andrei.

Tumakbo sa akin si Julia. Hinawakan niya iyong baba ko at saka sinuro ng mabuti iyong mukha ko. "Hindi ka naman bang gasgas?"

Umawang ang bibig ko habang nakatingin sa kaniya. Inalis ko iyong kamay niya na nakahawak sa baba ko. "W-Wala."

"Wala talagang pinipiling lugar iyong gagong iyon." Galit pero kalmado iyong boses ni Andrei.

"Tangina, pre! Mapapagalitan ka na naman niyan nang dahil sa bangas mo na iyan."

Pare-pareho kaming napalingon sa sinabing iyon ni Dion. Hindi ko man maintindihan ang ibig niyang sabihin doon pero isa lang ang pumasok sa isip ko. Iyong araw na pinapagalitan si Sean ng kaniyang magulang.

Taste of Melody (Strand Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon