KABANATA 13 ☕︎
"Melissa, ano bang nangyare sayo kanina? Bigla ka nalang umalis ng hindi nagpapaalam sa amin?! Tapos ngayon, maabutan lang kita dito?"
I felt disoriented, as if I wasn't fully present, my gaze drifting aimlessly around the room. I forced a laugh, trying to mask the emptiness I felt. I was standing in the very spot where Sean and the others were supposed to be performing, their voices and energy filling the stage except they weren't there.
"Ano na, Melissa? Problema mo?"
"Wala." matipid akong ngumiti. "Tapos na ba 'yong game? Uwi na tayo."
Sumama ang mukha niya sa sinabi ko. "Hala, 'te. Hindi pa nga ako nakakapag-enjoy dito."
Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko nang bigla nalang sumulpot sa harap namin sina Dion, Sean at Andrei.
"Meli, bakit nawala ka sa pwesto mo kanina?" Umupo sa harapan ko si Andrei.
Sandali ko siyang sinulyapan bago ako nag-angat ng tingin kay Sean. He's eyes seem to have so much to say, but I can't quite figure out what it is. Hirap niyang basahin.
Tumayo ako. Akmang hahawakan ni Andrei iyong balikat ko pero agad ko iyong iniwasan.
"Okay lang, kaya ko naman. Bigla lang akong nahilo sa dami ng tao kanina, okay?" Pinilit kong ayusin ang sarili ko.
Hindi na ako nagmatigas umuwi ng apartment. Wala rin naman akong choice lalo na't pag-umalis ako, paniguradong mag-aaway kami ni Julia. Ayaw ko naman na mangyare iyon nang dahil lang sa walang kwentang rason.
While we were walking together in the field. Tumabi sakin si Andrei habang si Sean naman ay nasa likod namin. Sina Dion at Julia naman ay nasa unahan namin na panay landian.
"Okay ka lang ba talaga?" Maya-mayang tanong ni Andrei nang makarating kami sa may field kung saan nakatayo ang mga booth and stall.
"Oo." Matipid akong ngumiti.
Narinig ko siyang napabuntong-hininga. I didn't say anything anymore. I just watched them all as they talked about the game that happened earlier.
"'Beh, alam mo ba? Magaling palang maglaro si Sean ng basketball, palaging tres!" ani Julia habang nilalaro ang hangin na bola animo nag-shoot.
"Oh, bakit si Sean lang?" ngumuso si Dion.
"Babe, easy! Given na yon saka syempre, ngayon ko lang nakita si Sean na naglaro 'no."
"Buti na lang talaga si Sean ang nag-sub kay Jasper, hindi tayo nahirapan. Galing mo kanina." ani Andrei saka nito siniko ang kaibigan.
Mukhang good mood ang mga loko. Panigurado kahit hindi nila sabihin ay sila ang nanalo sa HUMMS. Well, deserved. Paniguradong madaming aaligid sa tatlo na 'to.
Gaya ng inaasahan namin. Nang huminto kami sa may stall kung saan may nagbebenta ng couple bracelets. Halos tumalsik na iyong tutuli namin dahil sa hiyawan ng mga kababaihan sa tatlong kasama namin. Paano ba naman ay talagang agaw pansin ang tatlo dahil bagay na bagay sa kanila ang mag sibilyan. Akala mo K-Pop ang mga loko, k-po-pangit naman.
"Feeling rin nitong tatlo 'no?" Kinalabit ako ni Julia habang tinuturo iyong tatlo na animo mga walang pakialam sa mga nangyayare.
"Ito, bagay saiyo ito."
I turned to look at the woman sitting in front of the table, staring at me. She quickly reached for my hand, surprising everyone around me, especially when she suddenly put something on me. It was a yellow bracelet, and its pearls had an intricate design engraved on them that I couldn't quite make out.
BINABASA MO ANG
Taste of Melody (Strand Series #4)
Roman pour AdolescentsStrand Series #4 Melissa Irish had always found solace in the kitchen. Her passion for cooking led her to choose the Technical-Vocational Livelihood (TVL) Track major in Cookery at Westville High as a Senior High student. Sean Enzo, on the other han...