KABANATA 12 ☕︎
Nang matapos iyong opening remarks na ginanap sa gymnasium. Mabilis akong hinila ni Julia papunta sa may field. Isa-isa nang nagbubukas iyong mga booth at stall na naroon.
"Gusto mo bang i-register kita sa marriage booth?" siniko ako nito habang tinuturo iyong booth ng taga STEM.
"Kung ipakulong kita doon sa jail booth para tumahimik iyong buong linggo ko?" paghahamon ko sa kaniya.
Nakarating kami sa stall namin. Binati agad kami ni Pres at kinuha ni Joshua iyong hawak naming paper bag ni Julia.
"Mukhang maagang ma-sold itong cookies natin, ah?" biro nito habang nilalabas ang mga cookies.
"W-Wow. May pa standee pa talaga, Pres. Mukhang malaki iyong budget natin ngayon ah."
"Thanks to Melissa, na-approved iyong budget proposal." kinindatan niya ako.
Tinulungan namin sila mag ayos don sa stall namin. Dumating na rin iyong ibang na officer na magbabantay dito. Panay lang kami kulitan habang naghihintay ng oras para official na mag bukas na itong lahat ng stall at booth dito sa may field.
"Be, manood ka ba ng basketball? Laban ng ABM at STEM." rinig kong tanong ni Frena kay Julia.
Kunwaring nag-isip si Julia. "Depende kay Melissa."
Napalingon ako sa kanila saka gulat akong tinuro iyong sarili ko. "Bakit ako? Alam mong wala akong—" she cut me off. "Blah, blah." tumawa ito at muling humarap kay Frena. "Second game iyong HUMMS at TVL 'di ba?"
Halata sa boses niyang diniin nito ang TVL na salita para bang ipinagduduldulan niya talaga sa pagmumukha ko. Napairap na lang ako habang napahalukipkip na nakamasid sa usapan nila.
Ilang minuto pa, nag-umipisa na ang hinihintay namin. Official na nag bukas ang mga booth at stall dito sa field. Malawak ang field pero ngayon ay halos mapuno na ng mga estudyante. Pinagmamasdan namin iyong mga estudyanteng nagtutulakan para lang magpapansin sa mga crush nila.
"Sige na, Melissa and Julia. Iwanan niyo na sa amin iyan, kami na bahala dito sa stall." sabi ni Pres at kinuha sa amin iyong maliit na tray na may laman na cookies. "Reserve your energy, alam naming ma sold-out agad 'to."
Hindi na ako nakasagot. Tinanggal na namin iyong apron na suot namin. Kahit pa kasi sinabihan na kami nila Pres kanina na kahit huwag na kaming tumulong sa pagbenta ay tumulong pa din kami. Wala pa rin kasi kaming naiisip gawin ni Julia kaya dito muna kami tumambay.
Habang naglilibot kamu dito sa field. Samu't saring usapan iyong mga naririnig namin. Napahinto kami ni Julia sa tapat ng jail booth nang marinig iyong usapan ng mga estudyanteng nagbabantay doon.
"Nabalitaan mo ba? Cancel daw iyong performance ng band." sabi nung isang bakla na medyo mataba.
"Weh? Saan mo naman nakuha iyang chismiss na 'yan?"
"Sa HUMMS. Doon sa jowa ni Gio. Kaya na cancel dahil kinuha sa basket si Sean kapalit ni Jasper, na injured daw kasi."
Nagkatitigan kami Julia. Lumapad iyong ngiti niya sa narinig. "May talent pala sa basketball ang loko na 'yon?" napahalukipkip ito. "Kaya pala maagang nagpaschool." Tumango-tango pa ito.
Sa sinabi niyang iyon. Biglang sumagi sa isip ko iyong chat niya kaninang umaga. Iyon pala ang dahilan kung bakit hindi niya kami na daanan kanina sa apartment. Pero pakialam ko naman? Bahala siya sa buhay niya.
Bigla kaming natigilan ni Julia nang biglang may lumapit sa amin. May mga estudyante may hawak na panyo. Nagkatitigan pa kami dahil mukhang hindi maganda 'to.
BINABASA MO ANG
Taste of Melody (Strand Series #4)
Novela JuvenilStrand Series #4 Melissa Irish had always found solace in the kitchen. Her passion for cooking led her to choose the Technical-Vocational Livelihood (TVL) Track major in Cookery at Westville High as a Senior High student. Sean Enzo, on the other han...