KABANATA 04 ☕︎︎
Wala kaming magawa ni Julia kung hindi ay magkwentuhan tungkol sa major subjects namin. Naghihintay kami sa teacher namin sa Philosophy dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ito.
"Guys! Announcement, please go back to your seats now."
Pumalakpak pa si Nathalie na kasalukuyang nasa harapan. Lahat kami ay nagsitikom ang bibig at naghihintay nang sasabihin nito.
"Dali na, sabihin mo na. Naiihi na ko." Biglang sabat ng isa naming kaklase na nasa bandang likuran.
"Okay, fine! Nagkaroon kasi ng general assembly ang faculty ngayon. So, ibigsabihin...wala na tayong klase buong maghapon."
Natigilan kaming pare-pareho sa sinabi nito hanggang isa-isa nang nagsitayuan ang karamihan, ang iba naman ay nagtilian sa tuwa.
Madali kaming nagsukbit ni Julia nang bag. Ang buong akala ko ay dederetso kami sa boarding house, pero mali ako. Hinila niya ang braso ko, wala pa man alam ko na agad kung saan niya ako dadalhin.
"Hindi pa ba tayo uuwi, Lia?"
She gazed at me. "Obvious naman, Melissa 'di ba? Let's go, dali!"
Hindi na ko nakasagot dahil muli niyang hinablot ang braso ko at patakbo kaming pumasok sa gym. Para akong tuta na ginuguyod sa kanaiya habang hinihila niya. Hinayaan ko lang siyang hilahin ako hanggang makaupo kami sa may bench. Pumwesto kami nito sa may bandang unahan. Hindi naman masyadong madaming estudyante kaya naman malayang-malaya siya sa pagpili ng mauupuan.
"Ano bang ginagawa natin dito?"
"Basta, just go with the flow." She winked.
Tinaasan ko siya ng kilay bago ako tuluyang tumingin sa may stage kung saan dumako ng tingin si Julia. Napaawang ang labi ko nang makita ko si Sean at ibang member ng school band.
Sean momentarily stared at our direction with Julia, he smiled at us when he noticed we were looking at them.
Naramdaman kong niyugyog ni Julia ang braso ko pero hindi ko na iyon ininda dahil napako nalang bigla ang tingin namin ni Sean sa isa't isa.
Bigla ko tuloy naalala iyong nakita ko sa pagitan ng magulang niya noong nakaraan. Pero gayumpaman, kahit magulang niya pa ang maging hadlang sa gusto niya ay hindi niya iyon iniinda. Mukhang mahal na mahal niya iyong pagkanta.
Naputol lang iyon tingin namin nang biglang kalabitin ni Giro iyong guitara. Sa sobra kong titig kay Sean, hindi ko na namalayang dumami na pala ang tao ngayon dito sa gym.
"Kamusta iyong titigan niyo? Lagkit 'beh!" Bigla niyang sinundot iyong tagiliran ko.
Ang buong akala ko kay sina Sean ang papanoorin namin kaya todo asa akong maririnig ko silang kakanta pero bigla nalang nagtilian ang mga estudyante na katabi namin, maging si Julia ay kaisa na sa kanila nang maglabasan iyong varsity ng basketball.
Nalaglag ang panga ko habang sinusundan ng tingin ang mg players.
Kinurot ko ang braso nito. "Siraulo ka! Dinala mo ko dito para manood ng ganito, eh wala nga kong hilig manood ng ganito!"
"Aray!" inalis niya iyong daliri ko sa braso niya. "Napaka-killjoy mo kahit kailan, Melissa."
"Oh, bakit? Puwede ka namang manood nang ganito na hindi ako kasama, ah!" I rolled my eyes.
BINABASA MO ANG
Taste of Melody (Strand Series #4)
Teen FictionStrand Series #4 Melissa Irish had always found solace in the kitchen. Her passion for cooking led her to choose the Technical-Vocational Livelihood (TVL) Track major in Cookery at Westville High as a Senior High student. Sean Enzo, on the other han...