Chapter 1

1.6K 19 3
                                    

"AURA!‛ Hindi niya malaman kung ano ang unang dadamputin nang marinig ang malakas at iritadong boses ng pinsang si Mitchi. Natataranta siya kapag nagkakasunud-sunod ang utos nito.

Ate, ano nga po iyong kukunin ko?‛ alanganing tanong niya nang pumasok sa silid nito. Taas ang kilay at nakasimangot ang magandang mukha nito.

‚Ano ka ba naman, Aura?‛ gigil na sabi nito. ‚Eh...‛ Napakamot siya ng ulo. Inis itong napabuntong-hininga. Ang sabi ko, ihanda mo na iyong kulay-peach kong bestida at iyon na lang ang isusuot ko.‛

Peach na bestida,‛ ulit niya na inaalala sa isip ang damit na ipinahahanda nito.

Bilisan mo at baka ma-late ako sa pictorial,‛ anito na humarap na sa salamin at nag-make up. Walang kibong lumabas na siya ng silid upanghanapin ang naturang bestida.

Peach na bestida...‛ aniya habang iniisa-isa ang mga damit na naka-hanger. Nang bigla siyang may maalala. Mabilis siyang pumasok sa sariling silid.

Gusto niyang mapapikit nang makita ang peach na bestida. Nakapatong iyon sa plantsahan. Kagabi ay inasikaso niya ang mga damit ng pinsan at dahil antok na antok na ay hindi niya sinasadyang masunog ng plantsa ang bestida. Kinuha niya ang bestida. Sunog ang gawing likuran niyon. Paano niya sasabihin dito na nasunog niya ang damit? Napaupo siya sa kama habang nag-iisip ng maidadahilan dito, ngunit kaagad din siyang napatayo nang marinig ang malakas na boses nito.

Nasaan na?‛ inis na tanong nito habang nakapamaywang. ‚I'll be late.‛

K-kasi...‛ Muli siyang napakamot sa ulo habang ang isang kamay ay nasa likod at hawak ang bestidang nasunog.

What?‛

Hindi niya malaman kung paano sasabihin dito ang nagawang kapalpakan.

Manapa ay nakangiwing ipinakita niya rito ang sunog na bestida.

Aura!‛ Nanlalaki ang mga matang kinuha nito ang damit. ‚What did you do to my dress?‛

N-nasunog ng plantsa.‛

Oh, my—‛

H-hindi ko naman sinasadya,‛ paliwanag niya bagama't kinakabahan sa magiging reaksyon nito.

Alam mo ba kung gaano kamahal ang damit na 'to!‛ Galit na idinuldol nito sa mukha niya ang damit. ‚Estupida ka talaga! Kung hindi lang sa pakiusap ng nanay mo, nungkang kunin kitang alalay.‛

A-Ate, ka—‛

Ikuha mo na lang ako ng kahit na anong damit!‛ galit na utos nito. ‚Bilisan mo!‛

Mabilis siyang sumunod sa iniuutos nito. Gusto niyang maiyak sa panghahamak na natamo mula sa pinsan pero alam naman niyang wala siya sa posisyon para magreklamo.

May kalahating taon na rin siyang naninilbihan bilang personal na alalay nito. Isa itong commercial at ramp model. Pinsan ng nanay niya ang mommy nito. Bagama't magkamag-anak sila ay malaki ang pagkakaiba nilang dalawa.

May kaya ang pamilya nito sa Sta. Rosa. Negosyante ang daddy nito at siyang may-ari ng kiskisan ng bigas, bukod pa sa malaking ektarya ng lupang pag-aari din nito. Samantalang ang tatay niya ay isa lamang trabahador sa kiskisan. Matanda lang ito nang dalawang taon sa kanya at kahit halos sabay silang lumaki sa probinsiya ay hindisila magkapalagayang-loob. Iba ang mga kaibigan nito, iyong mga anak din ng mga maykaya sa lugar nila. Siya naman ay mas madalas sa bahay at tumutulong sa nanay niya sa pagbabantay ng kanilang tindahan.

Nang magdalaga ito ay lalong lumabas ang kagandahang taglay nito na namana sa side ng daddy nito, bukod pa sa sunod lahat ng luho sa katawan dahil nag-iisa lamang itong anak. Nang magkolehiyo ay sa Maynila ito nag-aral, samantalang siya ay hanggang high school lamang.

Handang Magtiis Ang Puso Ko - Jennie RoxasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon