ISANG dosenang pulang mga rosas ang natanggap niya nang umagang iyon, kasama ang isang kahon na may lamang gown na dark blue. Galing kay Carlo.
Red roses for you. Wear the gown tonight. I'll pick you up at around seven. We've got something important to talk about. Take care and I miss you.
G.C.
Napakagat-labi siya, matapos mabasa ang note na kasama ng mga ipinadala ni Carlo. Mag-uusap sila mamaya. Sasabihin na ba nito sa kanya ang tungkol sa pagpapakasal nito kay Mitchi?
Kung ako sa 'yo, umuwi na lang tayo sa inyo,‛ suhestiyon ni Olga nang sabihin niya rito ang gumugulo sa isipan niya. ‚Kung magpapakasal na pala sila ng Mitchi na 'yon, pabayaan mo na sila,‛ galit na sabi nito.
Olga, m-mahal ko pa rin si Carlo,‛ umiiyak na sagot niya.
Ano ang gusto mo, ipamukha pa niya sa 'yo na tapos na sa inyo ang lahat?‛ inis na sabi nito.
Aura, naman, sobrang sakit na ang nararamdaman mo, pero iyang pagmamahal mo pa rin kay Sir Carlo ang iniisip mo.‛
A-ayokong umalis na lang nang hindi kami nagka-kausap nang maayos ni Carlo... k-kung tatapusin na niya ang lahat sa amin, gusto kong sa kanya manggaling.‛
Napakamot sa ulo si Olga. ‚Masokista ka naman pala. Doon mo gusto sa kung saan mas higit na masasaktan ka.‛
Hindi sa gano'n... kahit paano ay umaasa ako na may puwang din ako sa puso niya, na mahal din niya 'ko,‛ aniya na tumingin sa mga rosas na padala ng binata.
Kung mahal ka niya, ikaw ang pakakasalan niya at hindi ang Mitchi na 'yon.‛
Hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Mitchi, mas gusto kong paniwalaan ang sinasabi ng puso ko,‛ tuluy-tuloy sa pag-agos ang luha niya sa mga mata.
Napahinga nang malalim si Olga at niyakap siya. ‚Sana nga ay magkatotoo ang sinasabi ng puso mo... sana mahal ka rin ni Sir Carlo,‛ may garalgal sa tinig na sabi nito.
KANINA pa siya nakabihis at nakaayos ngunit nakaupo lang siya sa harap ng tokador at nakatitig sa sariling repleksyon. Isinuot niya ang dark blue na velvet gown na padala ni Carlo. V-necked iyon at litaw ang makinis niyang leeg. Humahakab sa katawan ang gown at may mahabang slit sa magkabilang gilid.
Manipis na makeup at lipstick ang ipinahid niya sa mukha at mga labi kaya lalong lumabas ang kanyang ganda sa simpleng ayos niya. Gusto niyang isipin na ang mga pinagsaluhan nila ni Carlo ay panaginip lang lahat at sa gabing iyon ay kakailanganin na niyang gumising.
Pinigil niya ang pagtulo ng luha. Bahagyang namamaga na ang mga mata niya at ayaw niyang may mahalata si Carlo 'pag nakita siya nito.
Nandiyan na siya,‛ ani Olga nang sumilip sa kuwarto niya.
Tumango lang siya at nagwisik ng pabango bago lumabas.
May ngiti sa mga labing nakatitig sa kanya si Carlo nang madatnan niya itong naghihintay sa sala. Lumapit ito sa kanya at hinalikan kaagad siya sa labi.
I have a gift for you,‛ anito. ‚Tomorrow is your birthday, right?‛
Napatingin siya rito. ‚Paano mo nalaman na kaarawan ko bukas?‛ gulat niyang tanong.
Itinanong ko kay Olga.‛ At may dinukot ito sa bulsa. ‚For you.‛ Binuksan nito ang pahabang kahita. Isang gold necklace na may palawit na puso.
N-nag-abala ka pa,‛ aniya na gusto nang maiyak.
Hindi mo ba nagustuhan?‛ tanong nito na nawala ang ngiti sa mga labi.
Pinilit niyang ngumiti kahit nangingilid na ang mga luha sa mata niya. ‚O-of course, I like it.‛
BINABASA MO ANG
Handang Magtiis Ang Puso Ko - Jennie Roxas
RomanceMagkaibang mundo ang kinagisnan nina Aura at Carlo. Si Aura ay lumaking sanay sa hirap at kayang tisin ang lahat mapansin lamang siya ni Carlo. Bagama't kilala siya ni Carlo bilang alalay ni Mitchi na kasintahan nito, hindi man lang nito alam ang pa...