MULA nang gabing iyon ay malaki ang ipinagbago ni Carlo. Nakita ni Aura kung gaano ito ka-sweet at maalalahanin, na lalong nakadagdag sa pagmamahal niya rito. Wala silang pormal na napag-uusapan tungkol sa kanila ngunit wari'y nagkakaintindihan na sila. Madalas ay lumalabas sila at naipagpapasalamat niyang hindi nagtatagpo ang landas nila ni Mitchi. Kapag wala itong meeting, hatid-sundo siya nito sa school.
Hindi niya alam kung nananaginip lang siya pero kung sakali man ay ayaw na niyang magising. Sapat na sa kanya ang ganoon. Ang makapiling lang ito ay sobra-sobrang kaligayahan na para sa kanya.
Masarap ba?‛ tanong niya nang tikman nito ang niluto niyang kare-kare. Halos pigil-hininga siya habang nilalasahan nito ang ulam.
Napakunot-noo ito.
Bakit?‛ tanong kaagad niya.
Ano ba 'to? Pochero?‛ tanong nito na tumingin sa kanya.
Kare-kare 'yan. Iba ba ang lasa?‛ nag-aalalang tanong niya na kumuha ng kutsara at tinikman ang niluto.
Ang yabang mo talaga,‛ naiinis na sabi niya nang matikman ang ulam. ‚Hindi naman lasang pochero.‛
Natawa ito nang malakas na halatang niloloko lang siya. Napipikong kinurot niya ito sa tagiliran na tuloy pa rin sa pagtawa.
Hindi ka na mabiro? Of course, masarap and I think this is the best kare-kare I've ever tasted,‛ anito na lumapit sa kanya. At ikinulong siya sa mga bisig nito.
Bolahin pa 'ko,‛ nakangiting sabi niya na lumingon dito. ‚Anyway, pinaghirapan ko yata ang pagluluto dahil alam kong dito ka magdi-dinner.‛
Sa halip na sumagot ay iniharap siya nito at hinagkan sa mga labi. Hindi niya iyon tinutulan; sa halip ay nagpaubaya pa siya. Mabuti na lang at sila na lang ang nasa kusina.
Teka, lalamig itong kare-kare. Kumain na tayo,‛ aniya na itinulak ito nang bahagya.
Mamaya na lang,‛ reklamo nito na akmang muli siyang kakabigin ngunit umiwas siya. Hinubad niya ang suot na apron at hinila na ito sa kamay.
Nagugutom na 'ko,‛ aniya habang palabas sila ng kusina. Nakasalubong pa nila si Charing na tahimik lang na nakatingin sa kanila. Hindi na niya pinansin ang pag-ingos nito sa kanya.
Kahit wala siyang kasiguruhan sa relasyon nila ng binata ay kontento na siya. Tutal ay gusto naman siya nito at alam niya na isang araw ay mamahalin din siya nito. Kaya naman naipangako niya sa sariling mag-aaral nang mabuti para kahit paano ay hindi siya maging alangan dito.
"ANG SWEET n'yo naman," kinikilig na sabi ni Olga habang nakatingin sa bagong bestida na bigay sa kanya ni Carlo. "Kayo na ba ni Sir?" interesadong tanong nito.
Nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Hindi ko alam."
Napatingin sa kanya si Olga. "Ano'ng hindi mo alam? 'Day, halata namang special ang pagtingin sa iyo ni Sir, at hindi ba sabi mo nahalikan ka na niya?"
Tumango siya. "Pero wala naman siyang nililinaw. Hindi ko alam kung kami na o parte pa rin ito ng pagkukunwari namin."
"Hay, naku, kung parte pa rin iyon ng palabas ninyo, eh, bakit napaka-sweet niya sa 'yo kahit dito lang sa bahay? At saka 'di ba sabi mo, sinabihan ka niya na gusto ka niya—" Nanlalaki ang mga mata nagsabi sa kanya ni Olga. "—iyon na yun. Alam mo naman ang mayayaman at guwapong tulad ni Sir, hindi iyan marunong manligaw."
Napangiti siya sa sinabi nito. Marahil ay tama ito pero kahit paano ay nakadama siya ng takot sa isang bahagi ng isip niya.
"DITO ka pala nakatira sa bahay ni Carlo," mataray na sabi ni Mitchi nang pagbaba niya ay nasa sala ito ng malaking bahay.
BINABASA MO ANG
Handang Magtiis Ang Puso Ko - Jennie Roxas
Roman d'amourMagkaibang mundo ang kinagisnan nina Aura at Carlo. Si Aura ay lumaking sanay sa hirap at kayang tisin ang lahat mapansin lamang siya ni Carlo. Bagama't kilala siya ni Carlo bilang alalay ni Mitchi na kasintahan nito, hindi man lang nito alam ang pa...