KAHAPON ay lumipat na si Aura sa guest room sa itaas. Nang magising siya ay tila naninibago pa sa kanyang nabungaran. Akala niya ay nananaginip lang siya nang pagdilat ng mga mata niya ay nasa magandang silid siya at malambot ang kama ng kinaroroonan. Alam niyang masaya para sa kanya si Olga at alam din niyang nagtataka si Manang Cora at Charing sa atensiyong ipinapakita sa kanya ni Carlo.
Napabalikwas siya ng tayo nang marinig ang marahang katok sa pinto. Medyo tanghali na pala at napasarap ang tulog niya sa bagong silid na naka-aircon pa. Baka hinahanap na siya ni Manang Cora sa kusina, tiyak na sisimangutan na naman siya nito.
Nakangiting mukha ni Carlo ang nasilayan niya pagbukas ng pinto. Gusto niyang makadama ng hiya dahil alam niyang dapat ay gising na siya sa ganoong oras. Na-conscious pa siya sa hitsura, naka-duster lang siya at magulo pa ang buhok.
Sir, m-may iuutos ka ba sa akin?‛ tanong niya.
Wala naman. Sasabihin ko lang na maghanda ka mamaya. Isasama kita sa party.‛
P-party?‛
Pumunta ka na lang sa shop ni Alva at bahala na siya sa 'yo. Doon na lang kita dadaanan sa hapon.‛
Mabuti na lang at Linggo, wala siyang pasok sa school.
I'd better go. See you this afternoon,‛ anito na tumalikod na ngunit humarap muli sa kanya.
Nasabi ko na rin pala kay Manang Cora na hindi ka na tutulong sa kusina mula ngayon.‛ At umalis na ito. Tila namamalikmata na naman siya na sinundan ito ng tingin. Napakaguwapo nito sa suot nitong long-sleeved na gray shirt at super-bango pa ito. Napakaganda naman ng gising niya dahil ito kaagad ang nabungaran niya. May ngiti sa mga labi ng pumasok muli siya sa silid at tila nangangarap na napaupo sa malambot na kama. Niyakap niya ang unan na tila si Carlo iyon.
Isang itim na long gown ang ipinasuot sa kanya ni Alva. Backless iyon at may slit sa kaliwang bahagi ng hita. Humahakab sa kanyang katawan ang tela ng gown kaya naman defined na defined ang magandang hubog ng katawan niya. Bagama't morena ay bumagay sakanya ang kulay at yari ng gown.
Hindi kaya ako sipunin dito?‛ biro niya na naaalangan dahil tingin niya ay may pagka-daring ang gown.
Natawa si Alva at lumapit sa kanya. ‚Here, you can use this,‛ anito na inilagay sa balikat niya ang isang itim na manipis na tela na lalong nagpaelegante sa kanyang kasuotan.
You're sexy and I'm sure makakatawag ka ng pansin,‛ anitong tinitigan siya.
Muli niyang tiningnan ang sarili sa salamin. Hindi siya makapaniwala na makakapagsuot siya ng ganoong klaseng damit na dati rati'y nakikita lang niyang isinusuot ni Mitchi. Hindi niya alam kung nagsisinungaling ang salamin ngunit sa nakikita niya ay bumagay sa kanya ang buong kaayusan. Makinis at pantay ang morena niyang kutis.
H-hindi kaya madapa ako rito sa suot kong sandals?‛ nag-aalalang tanong niya.
Don't worry, makapal ang sole ng sandals mo. Basta tandaan mo lang ang itinuro ko sa 'yong paglakad, okay?‛ ani Alva na tila siyang-siya na nakatingin pa rin sa kanya.
Nang dumating si Carlo ay nakabihis na rin ito at napansin niya na halos lahat yata ng babae sa shop ay napatingin dito.
What can you say, Carlo?‛ ani Alva nang iharap siya sa binata. ‚Did I do my homework well?‛ pagbibiro nito.
Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa. At para siyang itinulos sa pagkakatayo sa harapan nito, idinadasal na sana ay magustuhan nito ang ayos niya.
She's gorgeous,‛ anito na sumilay ang ngiti sa mga mata habang nakatitig pa rin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Handang Magtiis Ang Puso Ko - Jennie Roxas
RomanceMagkaibang mundo ang kinagisnan nina Aura at Carlo. Si Aura ay lumaking sanay sa hirap at kayang tisin ang lahat mapansin lamang siya ni Carlo. Bagama't kilala siya ni Carlo bilang alalay ni Mitchi na kasintahan nito, hindi man lang nito alam ang pa...