"ANO'NG ginagawa mo rito?‛ kunot-noong tanong ni Aura nang mapagbuksan ng pinto si Mitchi.
Para kausapin ka,‛ deretsang sagot nito na tuluy-tuloy pumasok sa loob kahit hindi pa niya ito iniimbitahan.
Ano ba'ng dapat nating pag-usapan?‛ Sinundan niya ito sa loob nang maisara ang pinto. Wala si Olga, nag-grocery.
What else?‛ Nakataas ang kilay na humarap ito. ‚Anyway, I'm here to tell you na nagka-balikan na kami ni Carlo at naipakilala na rin niya ako sa parents niya. Soon we will be getting married at hindi naman yata ako makakapayag na nandiyan ka pa rin.‛
Huminga siya nang malalim. ‚Sa tingin mo, maniniwala ako sa 'yo?‛ lakas-loob na sagot niya.
Walang sinasabi sa akin si Carlo.‛ Sarkastikong ngumiti ito. ‚Ang lakas din naman ng loob mo. Ganyan ba ang paghahangad mo na makuha si Carlo?‛
Kung nagpunta ka rito para insultuhin na naman ako, mag-isip-isip ka muna.‛
Kaya pala hindi makawala sa 'yo si Carlo dahil ang kapal talaga ng mukha mo. Hindi ka pa ba nakakahalata? Itinatago ka na niya pero pina-ngangatawanan mo ang pagdikit sa kanya.‛
Wala akong panahon na makipag-usap sa 'yo. Marami akong mas importanteng bagay na dapat gawin,‛ aniya na humakbang patungo sa pinto at binuksan ito.
Napasimangot ang kanyang pinsan sa ginawa niya. ‚Kailan mo ba matatanggap na kailan man ay hindi ka namin magiging ka-level at titigilan ang pag-iilusyon na tototohanin ka ni Carlo?‛ Hindi siya kumibo.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa doorknob. ‚Ako ang mahal ni Carlo at ginamit ka lang niya. Magpapakasal na kami pero ayaw mo pa ring mag-give up.‛
Hindi ako nagpapabayad,‛ matigas na sagot niya.
Natawa ito. ‚Dahil mas malaki ang makukuha mo kung mapapasaiyo si Carlo, ganoon ba?‛
Makakaalis ka na.‛
Ikaw ang dapat umalis na rito.‛
Wala kang karapatan na paalisin ako rito. Hangga't hindi sinasabi sa akin ni Carlo, mananatili ako rito,‛ matapang na sagot niya kahit pinanghihinaan na ng loob.
Paano ka mapapaalis ni Carlo kung naaawa siya sa 'yo? Ikaw ang problema niya. Nakokonsiyensiya siya na basta ka na lang iwanan. Mabait si Carlo, hanggang maaari ay ayaw niyang nakakaagrabyado ng tao.‛
Puwede ka nang umalis,‛ tiim bagang na sagot niya rito.
Humakbang ito palabas. ‚Naaawa ako sa 'yo. Masyadong mataas ang pangarap mo. Wake up, Aura, o hihintayin mo pa na makasal kami ni Carlo at ako mismo ang magpapalayas sa'yo rito pabalik sa basurahang pinanggalingan mo.‛
Goodbye,‛ aniya at pinagsarhan na ito ng pinto.
Masakit ang mga sinabi nito at maaaring may katotohanan ang lahat. Hihintayin ba niyang sabihin pa mismo sa kanya ni Carlo na tapos na ang lahat sa kanila dahil magpapakasal na ito kay Mitchi? Kaya ba niya ang sandaling iyon?
Kailanman ay hindi niya pinangarap ang kayamanan ni Carlo, wala siyang pakialam kahit maging mahirap man ito. Mahal niya ito kaya siya nananatili roon at hindi dahil sa yaman nito. Ano ang dapat niyang gawin? Paniniwalaan ba niya si Mitchi o mananatili sa bahay na iyon, sa piling ni Carlo?
Paano nga kung naaawa na lang sa kanya si Carlo, kaya hindi nito masabi ang totoo sa kanya? Isang bahagi ng utak niya ay nagsasabing umalis na siya roon at kalimutan na lang ito ngunit tumututol ang puso niya. Mahal niya si Carlo. Ito ang buhay niya, at handa siyang ipakipagsapalaran ang pagmamahal niyang iyon... kahit masaktan siya.
NAPANSIN ni Aura na kanina pa nakatingin sa kanya si Olga, wari'y pinag-aaralan siya habang walang ganang kumakain.
May napapansin ako sa 'yo, Aura,‛ anito.
Napatingin siya sa kaibigan. ‚Nangangayayat ka, may dinaramdam ka ba?‛ may pag-aalalang sabi nito.
Umiling lang siya at binitawan na ang hawak na kutsara. Kahapon pa niya hinihintay ang pagdating o pagtawag man lang ni Carlo, pero wala. Gusto niyang makausap ito, gusto niyang sabihin dito na sa Linggo na ang birthday niya at kung maaari ay magkasama sila.
Palagi ka kasing nag-iisip—Aura, hindi kaya...‛
Hindi kaya?‛
Hindi kaya buntis ka?‛
Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi iyon pumasok sa isip niya kahit kailan. Wala silang ginagamit ni Carlo na pangkontrol at hindi naman nila napag-uusapan iyon. Sa dami ng mga iniisip niya ay nakaligtaan na niya na maaari nga pala siyang mabuntis. Paano kung buntis nga siya? Hindi siya sigurado, lalo at irregular ang menstruation niya.
H-hindi naman siguro.‛
Naisip ko lang naman,‛ anito na itinuloy na ang pagkain. ‚Kung sakali lang na buntis ka, ano'ng gagawin mo?‛
K-kung tungkol sa amin ni Carlo, hindi ko alam, pero kung tungkol sa bata, itutuloy ko kahit... kahit hindi ako pakasalan ni Carlo,‛ matatag na sagot niya. Ang isipin na maaari siyang mabuntis ay nakakasiya na sa kanya. Mahal niya si Carlo at ang magiging anak nila ay tanda kung gaano niya ito kamahal.
Sana nga ay buntis ako, naisaloob niya at wala sa loob na napahawak sa impis na tiyan. Gusto niyang isipin na buntis nga siya at dinadala niya ang anak nila ni Carlo. Kung sakali mang mawala na ito sa kanya, at least may isang bagay na maiiwan sa kanya. Ang anak nila, at siguro by that time ay matatanggap na niya na mawawala ito.
BINABASA MO ANG
Handang Magtiis Ang Puso Ko - Jennie Roxas
RomanceMagkaibang mundo ang kinagisnan nina Aura at Carlo. Si Aura ay lumaking sanay sa hirap at kayang tisin ang lahat mapansin lamang siya ni Carlo. Bagama't kilala siya ni Carlo bilang alalay ni Mitchi na kasintahan nito, hindi man lang nito alam ang pa...