10

584 18 0
                                    

SULLI

"My first kiss." Bulong ko sa sarili habang nasa banyo. Hanggang ngayon ang lakas parin ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko pati tuhod ko nanlalambot.

"Why that kisses has that impact eversince then." Napabuntong hininga nalang ako at pinapakalma ang sarili habang ang index at middle finger ko nasa may labi ko.

"Do I love him?" nasampal ko ang sarili ko sa tanong na yon sa isip ko. "Sulli relax kaya mo yan. Hinga malalim." Sa totoo lang di ko alam gagawin ko at itong puso ko ang bilis tumakbo gustong kumawala sa dibdib ko. Maya maya bumalik na ako sa sala at ng papalapit na ako ay lumapit si Zed. Lalong bumilis tibok ng puso ko at hindi ko alam gagawin.

"Sulli. Im sorry. I just cant stop myself." Mahina niyang sabi at tila nahihiya

"I should have court you first before I kiss you. I just miss you so much and that kiss.." nang marinig ko yon ay parang may kakaibang kuryente akong naramdaman. Kinikilig ba ako?

"Its okay Zeddy." Yon lang nasabi ko at nginitian siya. After noon din a kami nag usap nagkakailangan ata kami dahil sa kiss. Kita ko rin pamumula niya. Ginawa nalang naming yong presentation pero tahimik parin kaming dalawa yong tatlo ang iingay nila. Pakiramdam ko nahihiya ako sa sarili ko dahil mga bata ang kasama ko. Damn that four years gap! Si Zed tila ayon nakatunganga at di masyadong tumutulong. Parang ang lalim ng iniisip. Hindi ko na pinansin ginawa ko nalang ang summary ng presentation. Maya maya umalis na si Zed. Napatingin nalang ako.

"Ate Sulli hayaan mo na yon si sungit." Natatawang sabi ni Carl. "Ganon talaga yon, wala lang sa mood yon." Nginitian ko lang siya.

"Lunch na tayo!" aya ni Dwayne. Haggang sa pagkain di parin umiimik si Zed at tila naiinis na ata ako. Pagkatapos mag lunch inayos ko na ang kabuuhan ng summary. Nakaupos sa may sahig malapit sa lamesa at nang mapagod ako sumandal muna ako sa upuan na hindi ko alam doon pala nakahiga si Zed. Bigla siyang bumangon.

"Sit here." Sabi niya na pinapagpag pa ang upuan.

"Okay lang ako dito."

"I told you sit here." Napilitan na akong maupo doon bago ako umupo ay inirapan ko siya kung makautos wagas. Ganyan ba ang panliligaw? Nang makaupo ako nakagulat nalang ako ng iunan niya ang ulo niya sa lap ko. Pakiramdam ko nanigas nanaman ang katawan ko.

Nakatingin siya sa akin. At napangiti.

"Remember this? I always wanted to rest in your lap. Naalala mo pa ba dati pag andoon ako sa bahay niyo pag matutulog ako lagi ako umuunan sa lap mo." Nagulat ako sa sarili ko ng himasin ko ang ulo niya at nakita ko naman ang pagngiti niya. Bilis nanaman ng tibok ng puso ko.

"Yeah. I remember. Napakabata mo pa noon pero grabe memory mo." Natatawa kong sabi.

"Because my memory is you." Damn this heart! Still beating so damn fast!

"Daming langgam nu Alex, Dwayne!" ngisi nong Carl.

"Oo nga Carl eh. grabe ang tamis talaga dito. Ano bang nakain natin kanina?" natatawang sabi nito.

"Baby Dwayne lika dito! Higa ka sa lap ko haplusin ko buhok mo." Bakla baklaang sabi ni carl.

"Shit pare kadiri ka! Tantanan mo ako!" inis na sabi nito. Biglang nalang silang binato ni Zed ng malakas at sinipa pa si Alex na sa may paanan niya.

"Magsitigil kayo pagsasapakin ko kayo!" galit na sigaw sa mga kaibigan niya na nagtawanan lang. nahiga uli siya sa lap ko at tila natulog na.

"Tss. Daya natulog." Ngisi ni Alex.

"Ate okay na summary yong ilalagay sa presentation?" tanong ni Carl.

"Yeah. Tapos na yon lahat. Pati yong sa mga chapters. Ilalagay nalang yong design ng presentation."

The Four Years GapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon