SULLI
Lunch break na kaya andito kami sa carenderia at kasama ko si Zed. Nakakainis lang na pinagtitinginan kami. Hindi ako sanay sa ganito. Masyado bang sikat tong batang kaharap ko.
"Sulli, about your promise?" biglang sabi ni Zed.
"Ano?"
"Sa Manila. Sumama ka." Tila naman nabilaukan ako sa sinabi niyang yon.
"Seryoso?"
"Oo."
"Bakit?" taka kong sabi.
"Si daddy. Di makakauwi busy daw. Gusto ako makita. Sabi ko isasama kita."
"Eh, baka di ako payagan ni Mama saka wala akong pera." Nahihiya kong sabi.
"Money is not a problem. Ako na magpapaalam para sayo." Ngiting sabi nito. "Five Days lang naman Sulli. Alam ko naman mahirap ang enrollment na course niyo."
Hindi na ako umimik bahala na siya. Mahaba pa naman ang oras. Ang kinakatakutan ko lang makikilala ko na parents niya nakakakaba talaga yon dahil alam kong mayayaman sila.
"Sulli.." ngiting tawag nila Sue.
"Oh." Tipid kong sabi.
"Mapapatay ka na ng mga babae." Natatawang sabi nito na kinatawa ko nalang. Si Zed ayon nakatahimik lang. kasama naming ngayon mga kaibigan ko dahil 1:30pm may class na kami sa minor subjects.
"Sulli, mag 1pm na. papasok na ako." Paalam ni Zed.
"Sige." Ngiti kong sabi at inabot ang phone niya. Nagulat nalang ako ng ikiss niya ako sa malapit sa labi pero parang sa pisngi lang yon. Pakiramdam ko namumula ako at di makapagsalita na umalis si Zed. Nakita ko pa ang mapang asar niyang ngiti.
"Sht! PDA!" asar ni Sabrina.
"Kinikilig ako sa inyo." Sabi ni naman ni Rina pero ako tila tulala parang di pa nag sysync in sa utak ko ang nangyari.
"Maghihiwalay din kayo." Natatawang sabi ni Garrette.
"Bata naman ng binoyfriend mo Sulli." Biro naman ni Marie.
"Pero promise di ko talaga akalain bf mo yon. Daming patay na patay sa batang yon." Natatawang sabi naman ni Divine. Hindi nalang ako umimik. Sa totoo lang yon ang dahilan kung bakit ayaw kong malaman na kami ni Zed dahil sa sang katutak na side comments. Alam ko hindi ako kagandahan, ni hindi ako sexy at may katabaan ako. Pero ako ang nagustuhan niya.
"Sulli ihanda mo na ang sarili mong masaktan. Welcome sa buhay pag ibig." Natatawang sabi ni Marie. Maganda siya maputi at half blooded siya. Kaso malas siya sa lovelife dahil iniwan siya ng bf nya. Mabait naman si Marie kaso talagang ako lang ang tipo ng tao na ayaw kasama dahil daw sa maarte ako, matampuhin, madamdamin, nag wawalk out, at sensitive. Sabi pa nga eh. pangit na nag iinarte pa.
"Pero Sulli pano naging kayo" biglang tanong ni Divine.
"Matagal ko na siyang kilala since Grade 6 ako. Lagi siya sa amin. Tas ayon nagkita kami uli ngayong year na to." yon lang sinabi ko.
"Lagyan mong helmet, baka mauntog." Tawang sabi ni Garette.
"Sobra na Garette ha. ano pa bang gusto mong sabihin?" ngiting sabi ko sa kanya.
"Ito naman sensitive masyado." Ngisi ni Garette sakin.
"Sobra narin kasi sinasabi mo Garette eh. below the belt ka na." pagtatanggol ni Rina sakin.
"Grabe ha. Di na mabiro." Mataray na sabi nito.
"Yaan mo na Rina. Okay lang yan." Sabi ko nalang dito at umalis na kami para pumasok sa next subject.
BINABASA MO ANG
The Four Years Gap
General FictionMasarap talaga mag mahal minsan nararanasan pang sumugal para sa pag ibig. Maraming klase ng pag ibig. Minsan nga tinatawag na stages of love. Puppy love? Childhood sweetheart? First love? True love? Fling? Crush? At kung ano ano pa. minsan nakakatu...