14

484 13 0
                                    

SULLI

Thursday na at ito Klase nanaman. Maaga ang first subject naming na nagsisimula ng 6am at himala wala kaming Intructor dahil ayon absent kaya ito kami ngayon tambay sa room.

"Sulli." Makahulugang tawag ni Sue.

"Ikaw ha. Di ka nagsasabi may bf ka nap ala at si Zed Gabriel Montemayor na freshman na pinagkakaguluhan ng mga estudyante mapabata, mapababae o bakla man." Ngising sabi ni Sue.

"At kailan pa naging kayo?" dugtong ni Sabrina. Tila naman na hotseat ako sa dalawang to na talagang di ako tantanan.

"Mahabang story kasi eh." nahihiya kong sabi.

"Grabe ka talaga inunahan mo pa kami. Graduate ka na sa NBSB." Natatawang sabi ni Sue.

"Hoy anong chismiss niyo diyan?" gulat ko ng sabihin ni Rina na siyang kalalapit lang samin kasama si Ark. "Punta tayo ng canteen!" yaya ni Rina.

"Tara kain muna tayo saka dadaan ako sa coach ng basketball may try out na pala ngayon makikiusap ako na bukas nalang ako. O kung kaya ng time baka mag try out ako ngayon." Sabi ni Ark. Magaling to sa basketball pero hindi siya kinukuha sa Intrams.

Lumakad na kami at tila ang mga estudyante ay nagkakagulo sa gym.

"Ang gwapo ng mga freshmen!" kilig na sabi ng mga nandoon.

"Kakainlove sila Sht!"

Halos nabibingi ako sa tindi ng sigawan ng mga babae yong iba Highschool yong iba nasa HRM department na mga babae na puro make up.

"Bakit ang gulo gulo dito sa gym." Inis na sabi ko.

"Kasali pala sila. Rina, Sulli wait lang lapit lang ako kay coach." Sabi ni Ark at tumakbo papunta sa coach.

Halos malaglag ang panga ko sa nakita ko. Hindi ko akalain sasali si Zed sa basketball at marunong pala siya. Damn! Bakit ang gwapo niya. Nakaupo pa siya sa may gilid na nanonood lang. PE nga pala nila dahil naka PE uniform siya.

"Zed! Akin ka na lang please!" Sigaw ng mga babae.

"I love you ZED!!!" sigaw ng mga highschool.

Naiinis ako pakiramdam ko nanlalamig ang kamay ko. Nagseselos ako sa mga yon? Natawa nalang ako sa sarili ko. Sumenyas naman si Ark na pinapalapit si Rina sa kanya at itong si Rina hinawakan ang kamay ko para sumama. Sumunod naman sila Sab at Sue.

"Sulli bakit anlamig ng kamay mo?" tanong ni Rina.

"Nagseselos yan." Ngising sabi ni Sue.

"Selos san?" takang tanong ni Rina.

Nakakainis ang lakas ng lagabog ng puso ko. Hindi pa ako nakikita ni Zed ayaw ko naman magmukhang selosa ako sa walang kabagay bagay.

"Ate Sulli!" Sigaw ng isang pamilyar na boses at yon ay si Carl napalingon ako at nakita ko siyang papalapit kasama si Zed. Lalong kumalabog ang puso ko.

"Shit kinikilig ako Sab. Am gonna die!" kilig na sabi ni Sue

"May namumulang kamatis." Dugtong ni Sue.

"Teka ano bang nangyayari?" takang tanong ni Rina na nakataas na ang isang kilay.

"Watch mo nalang Rina!" kilig na sabi ni Sue.

Hindi ko alam parang di ako makapagsalita. Hindi ko alam gagawin ko. Ganito ba talaga ng feeling ng may bf?

"Ate Sulli. Goodmorning." Ngiting bati ni Carl.

"G-Goodmorning." Bati ko sa kanila at si Rina lalong napataas ang kilay at takang taka ng biglang iabot sakin ni Zed ang cellphone niya.

"A-ano to?" tanong ko kay Zed pero inabot ko naman ang cp niya.

The Four Years GapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon