23

448 7 0
                                    

Maaga akong nagising at nakita kong nakatitig sakin si Zed.

"Morning baby!" masaya niyang bati.

"Good morning. Bakit ganyan ka makatingin?" natatawa kong tanong.

"I always wish to wake up everymorning seeing you right beside me." Nakangiti niyang sabi at kumalabog ang puso ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko at nagising naman si Ciello.

"Good Morning!" masigla niyang sabi.

Napatayo naman si Zed na muntik na akong mahalikan kung hindi nagising si Ciello.

"Kuya, why are red?" tanong nito pero si Zed pumasok na sa banyo.

"Ate Sulli, you know what I always want to have a big sister! Finally my dream has cometrue!" sabi ni Ciello na yumakap pa sakin.

"You are so sweet." Tugon ko dito at niyakap din siya.

"Are you going to live with us? Are you coming with us in the States?" tanong niya. Hindi ko naman alam ang isasagot ko sa kanya. "I always miss kuya Zed, even though he is just look likes kuya Chance. He is different. I hope my family will be complete with you ate Sulli."

Nasasaktan ako para kay Ciello. Gusto niya kompleto sila pero ng dahil sakin andito si Zed? Mali na mahiwalay siya sa pamilya niya nakakalungkot isipin. Pero hindi naman siguro ako lang ang dahilan. Naalala ko pa na sabi ni Zed gusto niyang maging independent. Pero parang natatakot parin ako.

"Ay wait ate Sulli. I will get my ipad. I have lots of pictures." Agad siyang tumakbo at bumalik after 2 minutes.

"Look ate Sulli, this you and kuya Zed." Ang dami niyang kinuhang picture kagabi.

"Wow! Ang galing mo. Future photographer ka ba?" natatawa kong tanong.

"Yes Ate. And look this pictures are iin the States. This is kuya Zed look he is so masungit." Hagikgik niya. Si Zed sa mga picture nya ay may pagkaseryoso. Marami din siyang stolen shot pero ang gwapo pa rin niya. Sa isang pic may nakita akong magandang babae na nakapulupot kay Zed para naman akong nagselos.

"Who is she?" tanong ko.

"Ah that's ate Venice!" masaya niyang sabi.

"Ciello baby. Time for bath." Tawag ng mommy niya. "Oh, Goodmorning Sulli. Close na close talaga kayo ni Ciello.

"Good morning din po. Napakabait po talaga ni Ciello."

"Laters ate Sulli. I will just take a bath. When I come back you and kuya should talk okay. Dapat bati na kayo. Hindi pa kayo nag uusap." Nakangiting sabi nito at tumakbo na sa mommy niya. Lumabas naman si Zed na topless na ang gwapo gwapo sa wetlook niya. Ito nanaman ang puso kong dumadagundong.

Sinusuklay niya ng kamay ang buhok niya at napatingin sakin. Hindi ako agad nakaiwas at pakiramdam ko namula naman ako. Ngumisi siya.

"I could melt Baby." Natatawa niyang sabi,

"Baliw."

"Masasanay ka rin kapag kasal na tayo. Maligo ka na." nakangisi niyang sabi.

"Ah-okay." Agad kong kinuha ang bag ko at pumasok sa banyo para maligo. Damn bakit ba ang bata niya palang pero ganon na ang katawan niya. He is such an ideal guy with an ideal family. Lahat na ata ng biyaya sinalo nila.

After maligo. Sinuot ko ang usual na damit ko. Hindi ako tulad ng iba na kailangan pang mag shopping mapa impress lang ang ibang tao. Masaya ako bilang ako at gusto ko tatanggapin ako bilang ako. Nagpantalon ako na maong with blouse na checked na may spaghetti tube sa loob. Itinali ko na rin ang buhok ko dahil nasanay na akong ganon.

Paglabas ko ng banyo bihis narin si Zed at hinihintay ako. Siya namang dumating si Ciello.

"Ate Sulli! Im back!" masayang sabi nito she is so cute in her yello dress and pigtails.

"Ciello!" naiinis na sabi ni Zed.

"Kuya. I know you want to be alone with ate Sulli, don't be selfish. I will kidnap her okay." Natawa naman ako sa sinabi ni Ciello agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako. Nagulat naman ako ng hawakan ni Zed ang kabilang kamay ko. Napakunot noo si Ciello.

"Kuya let her go!" naiinis na sabi ni Ciello at ako naman natatawa na sa kanila.

"No, shes mine." Pang aasar na ni Zed.

"Kuya!" naiiyak na sabi ni Ciello.

"No Ciello." Lalo pang inasar ni Zed.

"Zed iiyak na ang bata." Natatawa kong sabi.

"Kuya please. I love ate Sulli to. Don't just have it for yourself." Bago pa maiyak si Ciello binitawan na ako ni Zed.

"You are so childish Ciello." Nakangiting sabi ni Zed at inabot ang kabilang kamay ni Ciello. Tatlo na kaming bumaba at masayang masaya naman si Ciello.

"Hoy Sali ako!" sigaw ni Zed.

"Hold Kuya Zeds hands kuya Chance!" patiling sabi ni Ciello.

"No way!" sabi ni Zed.

"Edi wag kay ate Sulli nalang!" ngising sabi nito.

"Subukan mo!" galit na sabi ni Zed at tumawa papaalis si Chance.

5jc9�

The Four Years GapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon