21

456 9 0
                                    

September 28 nakalagay tala sa notebook ang date nay an dahil birthday ni Zed at siyempre di ko makakalimutan ngayon 17 na siya. Nakakaexcite! Naalala ko pa ayaw niya ng gift na mahal hindi daw niya tatanggapin kaya talagang namoblema ako ng todo.

Buti nalang magaling si Ate Jocelyn sa paggawa ng mga accessories na gawa sa sinulit ng pang cross stich kaya kahit napakahirap na gawin ginawa ko ang lahat makabuo lang ng isa. Kahit medyo corney sana magustuhan niya. Sunday ngayon kaya mamamasyal kami sa mall dahil hindi naman kami pwedeng gumala kung saan saan dahil maaga pa ang pasok bukas.

Magkahawak kamay kaming naglalakad sa mall dahil mamimili din siya ng mga gamit niya. Nakaugalian na niya na pag birthday ay mamili ng gamit. Ganon daw kasi ang mommy niya mahilig silang ibili ng gamit.

"Bagay na bagay ho Sir." Sabi ng sales lady ng makita na bagay kay Zed ang polo.

"Oo Zeddy bagay sayo ang kulay." Ngiting sabi ko sa kanya.

"Ang sweet niyo namang magkapatid." Sabi ng saleslady na nakatingin kay Zed.

"Shes not my sister." Inis na sabi ni Zed.

"Ha eh magkahawig kayo Sir eh." takang ngiti ng saleslady na kinangiti ni Zed at namula naman ako.

"She's my girl." Biglang sabi ni Zed na pumasok na sa dressing room at nagpalit na.

"Ang swerte niyo naman Maam ang gwapo ng boyfriend niyo." Tila kilig na sabi ng saleslady pero nakataas ang isang kilay na kinaiiritahan ko sa kapal ng make up.

Paglabas ni Zed. "Baby lets go." Sabi sakin at umakbay pa. binayaran na niya ang mga pinamili gamit ang credit card niya. Isinakay na muna niya sa kotse saka kami bumalik uli sa mall.

"Baby come." Tawag ni Zed ng tumitingin ako sa mga bag.

"You like this dress?" Tanong niya na nakatingin sa isang black dress na may touch ng white.

"Hmm.maganda kaso di ata bagay sakin." Ngiting sabi ko sa kanya.

"Try it." Kinuha niya yong dress at agad akong hinila papuntang dressing room para maisukat. At voila sakto ang dress at ang ganda talaga.

"I want to see." Rinig ko si Zed na tila naiinip sa paglabas ko.

"Ito na. parang di bagay." Nahihiya kong sabi.

"Wow maam, ang elegante sayo. Kung ipapataas o kulot mo ang buhok kung pupunta kayo ng event saktong sakto yan tas stiletto na sandals. Meron po akong alam na shoes na babagay sa inyo." Ngiting sabi ng saleslady.

"Would you mind to get the shoes?" tanong ni Zed.

"Sure Sir, anong size?" tanong nito.

"Size 8." Ngiting sabi ni Zed at nagmadali ang sales lady sa pagkuha ng shoes. Wala pang 3 minuto tumatakbo na pabalik ang babae. Hindi sakin pinahubad ni Zed yong dress dahil titingnan niya kung bagay sakin. Inalalayan akong isuot ni Zed yong Stilleto na 3 inches ang taas at sakto nga sa dress black with transparent ang style ng stiletto.

"Wow. Bagay nga." Sabi ng saleslady.

"Perfect. Will take those." Sabi ni Zed na kinagulat ko. Agad naman akong nagbihis at binayaran ni Zed ang mga nakuha uli. Nahihiya ako pero nginingitian lang nya ako pag nagrereklamo ako. Wala naman akong laban sa kanya. Lalo na nagpromise ako sa kanya na susundin ko lahat ng gusto niya.

Pagkatapos na mall pumunta naman kami sa isang restaurant. Kahit nahihiya ako.

"Zeddy. Happy Birthday." Saka ko pinakita yong bracelet na pinaghirapan kong gawin. Napangiti siya ng makita yon.

"I like it." Saka niya finorward ang wrist niya at sinuot ko sa kanya. Black and blue ang combination ng kulay. "Thank you baby. I love you."

"Buti nagustuhan mo. I love you Zeddy." Ngiting sabi ko at hinawakan niya ang kamay ko.

"This is my happiest birthday." Ngiting sabi niya. "Baby sa sembreak hindi na tayo pupunta sa manila. Uuwi dito sila Mom. Be ready ipapakilala kita." Masayang sabi niya na kinakalabog ng dibdib ko.

"Magustuhan kaya nila ako? Kinakabahan ako."

"Relax. Kilala ka naman nila. They know na mas matanda ka sakin. They will like you especially mom." Ngiting sabi niya. "And wear the dress I bought for you."

"Kaya naman pala." Natatawa kong sabi.

b26Xv&p

The Four Years GapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon