13

488 13 0
                                    

SULLI

Tila ang panahon ay hinahatak at napakabilis. Si Zed walang humpay na panliligaw sa pamilya ko at kahit wala ako doon pumupunta siya para makipagkwentuhan kila daddy. Honestly Im lucky to have him. He's a great man. Handa na ako sa pwedeng mangyari at sa paligid ko.

Minsan hindi kami masyadong nagkikita dahil busy narin siya sa studies niya. Syempre may usapan sila ni Daddy na pag siya nag ka trabaho na at kaya na niya pwede na daw kami ikasal. Grabe sila talaga ni daddy ang nagpaplano at alam naman samin na kami na. si daddy malaki ang tiwala kay Zed at kapag ang tiwala na yon ay nawala naku hindi na maibabalik pa yon. Sobra din ang takot at respeto ko sa daddy ko kaya hindi ko siya sasaktan.

Duty ko ngayon sa Operating room sa Provincial Hospital na Affliated ng school namin Schedule ko 3pm to 11pm. Malapit lang naman ang hospital samin kaya walang problema ang schedule at may kasabay naman ako. Noong break katext ko ang makulit kong bf.

From: Zeddy<3

Baby. What time uwi mo? Madami inooperahan?

Natatawa talaga ako doon lagi inaalam sched ko.

To: Zeddy<3

Maya pa Zeddy. 11pm. O sige bye bye na ha. balik na ako sa OR.

Tinago ko na ang cellphone ko at nagpalit na ng pang OR na uniform. Nakakatamad minsan pero okay naman. Minsan nakatunganga lang kami kapag hindi pa naming turn sa pag hahandle. Nag oobserve at gumagawa ng mga requirements. 11:45pm na ng sakton kaming pinauwi.

"Sulli! Sabay tayo!" sigaw ni Jasper na kabarangay lang naming.

"Tara. San na sila Sabrina?"

"Uy Sulli icecream muna tayo." Yaya ni Sue.

"Tara!" lumabas na kami papuntang labasan ng hospital at nakita ko si Zed na nakasandal sa kotse at naghihintay. Kumalabog naman ang puso ko ng makita siya. Sakto napalingon siya sa amin at papalapit.

"Tawid na tayo para makapag icecream." Sabi ni Sue.

"Libre mo ako Sue." Sabi ni Sabrina.

"Si Sue nagyaya kaya libre niya." Sabi naman ni Jasper.

Natahimik sila bigla ng lumapit na samin si Zed at hinalikan ako sa pisngi para silang tulala sa nangyari at nagtataka.

"Kelan pa?" takang tanong ni Sabrina.

"Sulli sabi mo 11pm uwi mo anong oras na oh!" inis na sabi ni Zed.

"Sorry Zeddy. Napatagal opera kanina eh." agad kong sagot.

"Sulli! Sino siya?" takang tanong ni Sab at Sue.

"Dba siya yong freshman na kilala sa school?" tanong ni Jasper.

"Ay ano. Sue, Sab. Jasper.. Si Zed nga pala..boyfriend ko. Zed mga kaibigan ko Si Sue Sab at Jasper." Pakilala ko.

"OMG Sulli as in BF? Since when damn you hindi ka na NBSB! As in kelan pa? bakit siya? Pano?" excited na tanong ni Sue. Si Zed naman ay tila naiirita.

"Saka na natin pag usapan. Mahabang storya basta siya yong nagbigay sakin ng bookmark. Pano ba yan. Mauuna na ako sa inyo. Malayo kasi bahay ni Zed papauwiin ko na agad." Agad kong paalam at inakbayan pa ako ni Zed habang pasakay sa kotse niya at natanaw ko pang parang kinikilig ang dalawang baliw kong kaibigan.

"Baby. Magsabi ka pag ganitong oras uwi mo. Baka mapano ka." Inis niyang sabi.

"Zed! Malapit lng hospital sa bahay oh. Ikaw ang layo ng bahay mo. Baka mapahamak ka pa sa daan niyan di mo naman ako kailangang sunduin."

The Four Years GapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon