"Sigurado kaba na magaganda ang babae jan sa club na yan, baka naman magaganda pa yung mga side chick ko jan ahhaaha" patawang wika ni leo sa kaibigan nyang si Vince. "Pare i assure you, isa ka din sa mahuhumaling sa main dancer nila. Grabe katawan pa lang panalo na, ang kinis ang puti. Lalo na yung cat eye nya, mawawala ka sa sarili pag nakita mo sya" pagyayabang ni vince sa kaibigan..
"Alam mo vince lahat naman ng babae sayo maganda eh, walang pangit sayo basta may suso at pwet" seryosong sambit ni leo sa kaibigan.
"Naku leo, pag nakita mo si jade. Makakalimutan mo kung sino ka" - Bruce
"Sige pag ako di naakit jan sa jade na yan, bigyan nyo ko tig 10k. Ano g?" At nag apir sina bruce at vince sabay sambit ng "G kami jan"
Lumipas ang oras at nadating na nila ang club ni mama lou. Winelcome sila ng guard at hiningian ng id for verification para malaman na nasa tamang edad na sila. Pagkatapos ay inilalayan na sila paloob ng isang waitress. "Miss repeat customer nako dito, dun kami sa vip table with jade"- Vince
"Naku sir di po available ang vip table with jade nakareserve po sya for one week ehh"- waitress
"One week? Grabe naman yun, nakailang balik na ko dito lagi na lang di available si jade"- Vince
"Sorry sir, mahaba po talaga ang pila para ma i table si miss jade eh. Gusto nyo po ipila ko na lang po kayo sa kanya?"- Waitress
Umupo na sa regular table sina Leo, Vince at Bruce. Umorder na sila ng mga inumin. At ilang sandali pa lang ay nagsimula na ang final show, ang hinihintay ng lahat si jade. Nagsimula ng tumugtog ang music. Namatay ang ilaw at tangin spotlight lang sa entablado ang may liwanag, tahimik ang lahat walang ni isang nagsasalita lahat ng atensyon ay nasa stage. Unti unting pumasok sa stage ang isang babaeng nakasuot ng pulang lingerie, kitang kita ang hubog ng katawan nito. Ang bilugan na pwetan at di gaanong kalakihang dibdib, nakabagsak ang buhok nito na malapit ng umabot sa kanyang pwetan ang haba. Unti unting humarap si jade, pulang pula ang kanyang labi at serious look ang ibinigay nito sa mga tao.
BINABASA MO ANG
JADE💎GEMS
RomansaIto ay pawang kathang isip lamang. Ang mga lugar, pangalan at karakter na mababanggit dito ay isang pantasya lang. Si Leo ay isang Piloto, Matangkad, matipuno ang pangangatawan at nag iisang anak ng isang kilalang pamilya sa cebu. Si Jade ay isang...