"Jade anjan na yung pogi mo na manliligaw, may pa flowers na naman sayo at chocolates.." saad ni mama lou sa dalaga.
"Masisira na ipin ko neto sa kaka chocolate nyang si leo ehhh. Tsaka mama lou, di ko pa sya pinapayagan manligaw no, magagalit si lloyd!" -Jade
"At ginawa mo pa talagang dahilan si lloyd hahaha. Alamo anak kung gusto mo ang tao, push lang. Minsan kailangan din natin ng inspirasyon sa buhay" pangungulit na wika nito kay jade. Napabuntong hininga na lang si jade.
"I can live on my own mama, tsaka di ko na kailangan ng ganyan ganyan. Wala pa sa isip ko yan. Gusto ko lang ngayon ay magtrabaho para makapagtapos ako ng pag aaral"- Ruby
Pero biglang sumagi sa isipan ni jade na masarap kaya ang may inspirasyon sa buhay? Lumaki kase sya na walang pagmamahal na nakuha sa pamilya nya. Sa sarili nyang ama at ina. Kaya madamot si jade magtiwala sa tao. Wala syang ibang pinagkakatiwalaan kundi si mama lou at si lloyd. Dumarating din naman ang gabi na nalulungkot si jade at para bang gusto din nya ang may makasama sa buhay. Uuwi syang pagod, at ni wala man lamang mag asikaso sa kanya. Uuwi sya na sa halip ay magpahinga na lamang ay itutuon pa nito ang natitirang oras upang maglaba at maglinis ng bahay. Ni hindi na nga sya halos nakakatikim ng mga lutong bahay at puro order na lang sa restaurant ang ginagawa nya. Everyday routine na ni jade ang umuwi sa condo nya magpahinga ng 3 oras pumasok sa med school, umuwi para magpahinga ng dalawa hanggang tatlong oras upang pumasok ulit sa trabaho. Nasanay na si jade sa paikot ikot na routine sa buhay nya.
"Umakyat kana dun kanina pa syang naghihintay"- mama lou
Leo's pov!
May dalwampung minuto ng naghihintay si leo sa vip table. Di na nya naabutan ang show ni jade. Dahil sa pagtatalo nila ni tanya. Medyo masakit pa ang likod ng binata sa mga kalmot sa kanya ni tanya mula sa kanilang pag niniig. Habang nakaupo sya at umiinom ng beer. Ay biglang humalimuyak ang isang amoy strawberry na pabango. Hudyat ito ng pagdating ni jade. Natulala na naman si leo ng masilayan nya si jade. Nakasuot ito ng puting dress at red na heels, nakakulot ang buhok nito. Talaga nga naman napakaganda ni jade, walang ibang gaganda pa sa paningin ni leo kundi si jade lang.
"Oh baka naman mapasukan ng langaw yang bibig mo, isara mo naman yan" patawang wika ni ruby kay leo. Na halos maging bato na sa pagkakaupo. Biglang para bang nanghina ang tuhod ni leo pag nakikita nya ang dalaga. Natotorpe ito at nauutal.
"Ha?? Ay bulaklak nga pala para sayo. Tsaka syempre chocolates" matipid na saad ni leo kay jade. Titig na titig padin si leo kay jade kahit madilim ang paligid at tanging ilaw lang ng disco lights ang meron.
"Thankyou ang consistent mo naman sa flowers and chocolates hahaha baka masira naman na ipin ko nito ahhh."
"Jade pwede ka bang maayang magdate bukas? Kahit sa lunch sana or kung kelan ka free?" Biglang sambit ni leo na ikinagulat naman ni jade. Kabadong kabado si leo habang naghihintay ng sagot ni jade. Tila pinagpawisan din sya bigla.
"Date? Hahahaha seryoso kaba talaga jan sa sinasabi mo leo?" -jade
"Oo seryoso ko sayo jade, tanggap kita. Jade gustong gusto kita at malinis ang intensyon ko sayo"- leo
Napatawa si jade sa narinig nya. Kaya ininom nya ang isang shot ng tequila. Pagkakagat sa lemon ay agad na binagsak nya ang baso sa harapan ni leo.
"Sige uminom ka muna, mamaya ko na sasagutin yang tanong mo sakin. Gusto ko malasing ka, kase pag lasing daw ang isang tao dun lumalabas ang totoong saloobin nito" jade
Walang nagawa si leo kundi ang uminom na lang. Lumipas ang kalahating oras at kung ano ano na ang napagusapan ng dalawa.
"Mama's boy ka pala? Hahaha. Binata kana dinadalhan kapa ng lunch ng mama mo sa school?" Patawang sambit ni jade kay leo."Oo, as in. Varsity kase ako ng basketball nun, bigla na lang sya sumulpot sa school nun tapos may dala syang lunch sa buong team ko. Tapos pinupunasan pa ni mommy yung pawis ko. Nung una nahihiya ako, pero proud ako na mama's boy ako, kase mas close kami ni mommy kesa kay dad.."
"Bakit? Diba dapat pag lalaking anak at only son close sa tatay?"- jade
Nagsimula ng magkwento ng buhay nya si leo.. "i was 7 or 8 years old that time. Sobrang idol ko si dad, lalo na sa mga drawings nya. Sa pagiging car collector nya. At pagiging sweet kay mom. But that morning, isa syang bangungot sakin. My mom si sick that time because of ulcer, nasa hospital sya nun. At naiwan ako sa bahay with my yaya's yung older sister ko nasa school at si dad ang bantay kay mommy. Pero that morning at 6am i woke up and pumunta ako sa kitchen. I caught my dad and our yaya. Finufuck ni dad si yaya sa ibabaw ng sink. As in i saw it. Wala pa kong alam nun sa s*x"
"Totoo ba? O imbento lang yan?" Wika ni jade. Sabay taas ng kilay kay leo. "Nilalasing mo ko tapos nung nagkukwento ako di mo ako paniniwalaan"-Leo
"Napakatampuhin mo naman" sabay kurot sa tagiliran ni leo. Hinawakan ni leo bigla ang kamay ni jade. Habang nakatitig sya sa dalaga. Kinabahan si jade, at napatitig ito kay leo. Di namalayan ni jade na hinolding hands na sya ng binata. Nakaramdam ng init sa mukha si jade. Firstime sa buhay nya sa club ang i holding hands sya ng ka vip table nya. Una dahil ayon sa rules nya, di sya nagpapahawak sa mga lalaking nakakatable nya. Padalawa, ay sensitive sya sa ganun na galawan. Namula si jade at napansin ito ni leo.
"Lalo kang gumaganda pag kinikilig ka"
Biglaang inalis ni jade ang kamay nya sa pakikipagholding hands kay leo. At inayos ang sarili. "Huh sinasabi mo jan, imbento ka naman. Ohh anong oras na ba? Alas dos na. Time is up" nakangiting wika nito kay leo
"Teka anong sagot mo sa tanong ko kanina?"-Leo
"I'm sorry may importante akong lakad bukas ehh. So i need to go na" akmang tatayo na sana si jade pero hinawakan sya sa kamay ni leo
"Hatid na kita.."- leo
"Huh? Ano ka sinuwerte malalaman mo kung san ako nakatira. Its a NO!!"
Sabay tayo ni jade, bigla naman inalalayan ni leo si jade sa pagbaba nito sa hagdan..
"Dahan dahan lang, nakainom ka. Baka magkamali ka ng apak sa hagdan, madulas kapa.. sayang naman ang maganda mong kutis.."- Leo
Itinago ni jade ang pasimple nyang pag ngiti sa ginawa sa kanya ni leo. Di nya malaman kung bakit, pumapayag sya na hawakan sya ni leo sa bewang nya habang pababa sya ng hagdan. Kung ito ay sa ibang tao ay baka nasapak na nya ito. Bago sila mag hiwalay ng landas ni leo ay hinatak nito ang binata at bumulong.
"Kung gusto mo talaga akong ligawan, then itigil mo na ang pambababae mo. And prove yourself to me" -Jade
Parang naging isang istatwa si leo sa narinig nya kay jade. Hindi sya makapaniwala sa sinabi ng dalaga. Nakangiti naman na umalis si jade. "kung di mo kayang gawin, okay lang. Sabihin mo lang sakin..." pasigaw na wika ni jade kay leo.
"Kaya ko at patutunayan ko ang sarili ko sayo jade" pasigaw na sagot ni leo kay jade. Nagkatinginan naman si mama lou at ang waitress sa nasaksihan nila. At bago lumabas si leo ay dumaan ito sa counter
"Pang meryenda nyo" sabay bigay ng five thousand kay mama lou. Nagulat si mama lou. "Salamat leo, ingat ka. Kami na bahala kay jade"
BINABASA MO ANG
JADE💎GEMS
RomansaIto ay pawang kathang isip lamang. Ang mga lugar, pangalan at karakter na mababanggit dito ay isang pantasya lang. Si Leo ay isang Piloto, Matangkad, matipuno ang pangangatawan at nag iisang anak ng isang kilalang pamilya sa cebu. Si Jade ay isang...