ISHAIA's POV
First Day of School namin ngayon, masaya ako kasi finally yung course na gusto ko, ay nakuha ko. Although first year pa lang kami pero masaya na ako. Tapos kasama ko pa sila Callie at Kade eh mga bff's ko 'to since elem. Naloka ako kasi need na pala i-suot ag ad yung uniform, buti na plantsa ko kagabi.
Maganda naman naging results nung first class namin, hanggang sa na dismiss na kami. Nagyaya si Callie na manood sa Gym may SHS volleyball daw tune-up game ng UST at N.U
Pagpasok namin sa Gym, nagw-warm up pa lang sila. Kaya sakto, umupo muna kami sa left bleachers. Mga ilang minutes ang nakalipas at inaayos na nila ang scoreboard at announcer kasi malapit na magsimula. May isang Tourism student, at Architecture student. Yung archi, parang pamilyar sa'kin pero hinayaan ko nalang. Ampoganda rin kasi kaya napapa-titig din ako eh, kainis. Opo, i'm bisexual.
2nd set na at nanalo ang N.U sa first set, sayang nga eh 2 points lang lamang. 'Di ko pa rin maiwasan mapatingin sa kabilang bleachers dahil dun sa archi student ampoganda so much, kaso mukhang serious si ate. Sabi naman sa'kin ni Callie, nakikita rin niya na tumitingin yung archi student sa'kin. Baka coincidence lang? Ewan. Nagyaya na ako umuwi kasi pupuntahan ko na yung nakausap ko sa twitter. Naghahanap ng housemate sa condo niya, archi student nga rin siya eh. Matanong nga mamaya baka kaklase niya si ateng poganda. Hehe joke lang.
6:00 PM ang usapan namin ni ate Silventera, hindi ko na nga natanong kung yun ba talaga ang name niya, para kasing surname niya yon. 5:30 pa lang umalis na kami sa Gym, hinatid lang ako ni Callie at Kade dun sa mismong condo unit nung magiging housemate ko, tapos umalis na rin sila.
Sabi saakin nung archi student, nasa tapat lang siya ng unit niya hinihintay ako. Kaya after magpaalam nila Callie, nakita ko naman siya agad. Uyy sabi niya girl siya, ba't ampogi ng haircut? Kamukha pa nung haircut ni ateng poganda sa Gym, diko mamukhaan kasi nakatalikod siya. Kaya nagsalita na ako.
"Hi! Miss Silventera?"
Tanong ko
"Oh hello, Ishaia."
LUH!?!?!?!? SI ATENG POGANDA OMG, pero pano niya nalaman name ko?
"How did you know my name po?"
Tanong ko uli
"Drop the po, it make feels so old Hahaha, anyways sa name plate mo. Ayan nakalagay 'Ishaia' "
Oo nga naman, kainis kasi 'tong UST
"Ahh oo nga po, ay este oo nga pala hehe may name plate ako. Required kasi agad isuot 'tong uniform kainis nga eh. Ay hehe masyado na akong madaldal"
Sabi ko, nakita ko namang natawa siya.
"That's fine, let's go inside? You wanna check it out?''
Wow, englishera si ate. Pero curious talaga ako sa alam niya na agad pronounciation ng name ko, eh yung iba nga nagrereklamo na sa pangalan ko. Bahala na.
"Ay taray, englishera. Pero wait serious question, pano mo na pronounce ng maayos yung name ko? Eh sila hirap na hirap eh."
Nagtanong na ako, nanalo curiousity ko pasensya. Pero para naman siyang natatawa? Nagtatanong ako ng maayos eh.
"Kasi kilala kita?"
Ano raw? Kilala niya ako, huh? Pano..?
"HA? Pano?"
Jusme, mamatay na talaga ako sa curiousity.
"Magkaklase tayo, kinder pa lang. You don't remember me? si A.D 'to."
BINABASA MO ANG
TGL
RomanceA wlw complicated situationship story, both freshman in College. • Course Masc Girl - Architecture, Bachelor of Science in Aviation Major in Flying (UST) España, Manila (Air Link International Aviation College) Domestic Rd, Pasay 5'10 18 Fem Girl...