ISHAIA's POV
Isang araw na simula nung nautal-utal ako sa harapan niya. Nag act akong okay kahapon, para 'di siya makahalata. Casual lang naman usapan namin, may game siya mamaya kaya nagluto na ako ng Beef with Broccoli. Brunch na namin 'to.
Napagkasunduan pala namin na dun nalang kami sa Arena magkikita nila Callie, kaya magc-commute nalang kami ni Azi ngayon. Speaking of, ayan na gising na siya. Act normal self.
"Oh, buti gising kana? 2:00 PM, game niyo mamaya diba?"
Tanong ko sakanya.
"Oo, and thanks for cooking breakfast."
Nginitian ko lang naman siya.
Kumakain na kami, tapos pag tapos namin kumain biglang sabi niya..
"Drop it, ako na maghuhugas. Ikaw na nagluto diba? Ako magw-wash ng dishes."
Pinipigilan niya ako kasi pupunta na sana ako sa lababo para hugasan 'tong mga 'to. Pero pumayag na rin ako para fair, kainis ang pagka conyo niya. Nakaka ewan ko ba.
Ayun na nga, siya na naghugas ng lahat. Tapos after non naligo at nag prepare na kami (MAGKAHIWALAY WAG KAYONG ANO DIYAN!) para maka-alis kami ng maaga.
-- SKIPTIME
Tapos na kami maligo at mag-ayos. 12:30 nakaalis na rin kami sa condo. Nag jeep, at train lang kami repeat. Tapos lakad-lakad. Ante walang nagsasalita sa byahe, as in. Pero inaalalayan niya naman ako sa jeep, tapos hinahawakan kamay ko pag maraming tao. Tapos sa train? Pag isa nalang vacant seat siya na tatayo, pero wala naman siyang sinasabi.
Nakarating na kami sa Arena, tapos pag pasok namin sa pasukan ng mga players, sabi niya bigla...
"Ishaia, mauna na ako ah. Need na mag prepare sa dugout eh. Ingat ka, hanapin mo na sila Callie.'
Sabi niya. Ngumiti at tumango naman ako sakanya. Tapos may bigla akong naisip..
ANO YUN?!?!?!??! NIYAKAP KO SIYA, PUTEK NANALO INTRUSIVE THOUGHTS KO.. DAPAT YAKAP LANG PERO NADALA NG EMOTION..
'Di na siya nakailag sa ginawa ko, nagulat nalang din ako sa ginagawa ko, kasi yung labi ko dumiretso sa labi niya.
"Goodluck!"
'Yun nalang ang tanging sinabi ko sakanya. SHOCKS KINAKAIN AKO NG KAHIHIYAN. BAKIT KO BA KASI GINAWA YON?
Umalis nalang ako, at hinanap sila Callie. 'Di ko rin siya hinayaang makasagot. Kasi nakakahiya na talaga.
-- SKIPTIME
Nahanap ko na sila Callie at Kade. Tapos nag chikahan lang kami, Patron A nga pala yung binigay ni Azi na ticket samin, kaya ang lapit namin.
"Teh, kanina kapa tulala diyan. Ano ba kasi nangyari?"
Natauhan naman ako nang marinig ko ang boses ni Callie.
"Oo nga, ang lalim niyan ha. Baka malunod ka."
Kade,,,
"Di nakakatuwa teh, tyaka wala akong iniisip. At walang nangyari"
Sasabat sana si Callie, pero biglang nag 🖐🏻 ganito si Kade sign na manahimik siya at siya ang sasagot.
"Anong walang nangyari-walang nangyari? Utot mo! Meron yan, ayaw mo lang i-kwento. Tyaka ba't ang kalat ng lepstek mo?"
"It's lipstick"
Bahala kayo diyan,,
SHOCKS, YUNG LIPSTICK KO 'DI KO NAAYOS KANINA NUNG HINALIKAN KO SIYA.
"Uh guys, Callie samahan mo'ko sa cr dali"
Hinatak ko siya agad, at hindi ko na hinayaan sumagot si Kade.
"Beh aray beh, tama na andito na tayo sa C.R. Ano ba kasi nangyari diyan sa lipstick mo, ba't kalat-kalat?"
Dahil sa pag p-panic ko ang dami ko na nakwento kay Callie na hindi naman dapat.
"Eh kasi naman tangina kanina, nakalimutan ko linisin. Nakakahiya kasi kay Aziel nahalikan ko siya sa labi out of nowhere, magdamag ko inisip yung kahihiyan kaya nakalimutan ko na magpuna-"
"HINALIKAN MO SI AZI!?!?"
"AT SA LIPS PA HA?!?!"Dagdag pa niya.
"Shh ka lang, wag ka maingay kay Kade. OO TEH OKAY NA? KAYA NGA NAHIHIYA AKO SAKANYA EH. Oh ayan na okay na labi ko, bumalik na tayo don baka ano pa isipin ni Kade."
Hinatak ko siya agad..
"Okay.. aray-aray! Teka lang naman kasi!"
Hinayaan ko lang yun, at nakabalik na kami sa upuan namin. Sakto patapos na yung warm up nila.
-- SKIPTIME
Tapos na ang warm up nila. Pinakilala na rin sila. Natuwa naman ako kasi starter si Aziel.
"AND THEIR ROOKIE SETTER JERSEY NUMBER 26, DAIVEN SILVENTERA!"
Naghiyawan naman ang mga tao. Nagulat din ako kasi second name niya ang tinawag, pero bagay naman hehe. Pogi pa rin.
-- SKIPTIME
Panalo ang UST. 4 sets.
Muntik matalo sa set 4 pero buti nalang, nahabol ng mga service ace ni Azi. Ayun 3 straight service ace nakuha niya. Siya rin tumapos ng match. I'm so proud of her.Finally, na achieve na niya yung dreams niya. Makapaglaro sa UAAP, at sa Dream school niya. Dati teammate ko lang yan sa intramurals. Oo nagv-volleyball ako dati, pero hindi natuloy. Nag focus kasi ako sa acads.
Imbis na sila Clemence at Irene ang una niyang hanapin, at pasalamatan kasi yun naman talaga ang ka close niya ngayon. Sila yung mga kaklase ni Azi sa Maxwell. Kami pa talaga una niyang nilapitan.
"Thanks for the support guys! My teammates are also thanking y'all."
Cute niya, bagay talaga sakanya naka jersey. Nakaka curious jersey mumber niya ha. 😓
"Uyy! Wala yon, congrats ah! Thank you rin pa sa libreng ticket pre. Nag-enjoy kami. Nice game sa'yo, grabe ka first game mo ba talaga 'to? Player Of the Game agad eh."
Sagot ni Kade.
You read (red) it right, si Azi ang player of the game. 22 excellent sets, 17 excellent digs, 6 blocks, and 5 service aces.
"Oo nga, thank you talaga ah! Super enjoy kami, ah mauna na kami. Iuwi mo 'tong kaibigan namin. Galingan niyo, bye!"
SHUTEK TALAGA ANG ARAW NA 'TO WALA NA AWKWARD NA.
"Sira! Bye, ingat kayo ni Kade!"
"I'll get back with you, freshen up lang ako. Take care. : )"
Lambing naman amputek.
Tama na please, baka madala na naman ako ng emotion.
5 minutes later..
"Let's go?"
Tanong niya habang nakangiti.
Ano ba meron dito? Masaya lang ba 'to or what..."Tara"
HINAWAKAN KAMAY KO OMFG PUT-- OKAY KALMA, ACT FOOL. WALA WALA AKONG REACTION, SUMAMA NALANG AKO.
BINABASA MO ANG
TGL
RomanceA wlw complicated situationship story, both freshman in College. • Course Masc Girl - Architecture, Bachelor of Science in Aviation Major in Flying (UST) España, Manila (Air Link International Aviation College) Domestic Rd, Pasay 5'10 18 Fem Girl...