GOOD FRIENDS [5]

10 4 0
                                    

ISHAIA's POV

2 weeks na kaming di nag-aabot sa condo ni Aziel. Pero okay lang, naiintindihan ko naman schedules niya. Hindi ko alam kung gusto pa rin niya ako? Kasi lagi siya nag-iiwan ng 'friendly notes' pero wala namang nakalagay na "i love you" or "i like you". Kahit naman nap-pogian ako sakanya, si Jace pa rin talaga. If di niyo kilala, siya greatest love ko. Mula elem hanggang College siya pa rin talaga.

Narinig ko na parang may nagluluto, kaya lumabas ako. Si Azi pala, nakatalikod siya kaya di niya ako nakita. Maliligo muna ako. After ko maligo, nakita niya na pala ako. Kaya binati ko siya ng..

"Good morning, buti nag abot tayo ngayon ah"

Sabi ko.

"Good morning. Oo nga eh, 8 na pala. Papasok ka na ba? Eat first. Breakfast is the most important meal of the day."

Natahimik naman ako sa sinabi niya, nagpipigil ako ng kilig, ewan ko ba? Kasi naman to pa english-english pa.

"Aa-ahh s-sige, t-thank you dito ah"

Ano ba nangyayari sa'kin, ba't ako nau-utal. Arghh

"Beh okay ka lang beh?"

Tanong niya sa'kin. Di ako sumagot, at sumubo nalang. Napatango naman ako, kasi ang sarap nung luto niya. Nagda-dalawang isip naman ako kung itatanong ko pa ba? Kasi baka naalala niya pa, or baka hindi na rin? Dahil nga 'di ako sumasagot, nagtanong uli siya...

"Huy teh, okay ka lang? Masarap ba? Anong lasa? 'Di ka na sumagot. Don't worry, walang garlic yang fried rice. Alam ko na allergic ka dun."

Omggg! Naalala niya pa, huhu how sweet of her naman. Sumagot nalang ako ng..

"Oo, masarap! Thank you dito ah, tyaka thank you rin naalala mo hehe. Nagda-dalawang isip kasi ako kung itatanong ko eh."

Nginitian niya lang naman ako, tyaka siya sumagot..

"Ahh, wala yun 'no! Ano ka ba hahaha, aalis kana? Dalhin mo na 'to!"

Nilagay ko na sa lababo yung plato ko, tyaka ako nag-ayos ng buhok. Pati ng sarili ko. Nagulat naman ako may pa packed lunch pa siya? Ayoko na guys,,,

"T-thank you! B-bye!"

Sagot ko sakanya nang pasigaw habang palabas ako. Kainis talaga pag kinikilig ako eh. Nauutal.

-- SKIPTIME

Nakarating na ako sa classroom namin, ang ingay na naman nila mga kapamilya. Sinalubong ako nila Callie at Kade. Tapos chika agad ang hiningi nila sa'kin. Natapos na ang tatlong class namin at lunch time na.

"Aia!! Tara sa cafeteria!"

Aya sa'kin ni Callie

"Sige, pero may baon ako guys"

Nagulat naman silang dalawa.

"Wow may baon siya, sinipag ka magluto?"

Grabe 'to si Callie, alam na alam na tamad ako eh.

"Hindi, luto 'to ni Azi"

"Ayan ayan, wala na 'raw' feelings"

Sabat ni Kade. Baliw wala naman na kasi talaga.

"Baliw, good friends na nga lang kami. Si kuya Jace talaga gusto ko"

"Pake namin, kung ako sa'yo si Azi nalang grabe character development, at glow up niya. Green flag pa rin si ate. Ikaw lang 'tong sa iba pa hinahanap yung mga yon ih."

Tama naman si Callie, pero more on guys talaga ako. Na po-pogandahan lang ako sa ibang girls.

Nakita ko naman may note na nakalagay sa taas ng tupperware, hindi ko 'to napansin kanina ah?

TGLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon