AZIEL's POV
Isang araw na nakalipas simula nung nautal-utal siya. Hindi ko pa rin alam dahilan non, pero matino naman siyang kausap kahapon. Nasa flight school ako from 10:00 AM - 4:00 PM. Pag uwi ko naman nasa condo na siya, may niluto na rin siya. Casual lang naman usapan namin.
Saturday na ngayon, may game kami sa MOA Arena against DLSU mamaya 2:00 PM. Ang dami kong inaasahan na manonood sa'kin, first game ko ba naman as College.
Dream come true talaga eh.
9:00 AM na ngayon, at need ko na mag prepare para sa game. Paglabas ko ng kwarto, gising na pala siya. Nagluluto.
"Oh, buti gising kana? 2:00 PM, game niyo mamaya diba?"
Tanong niya.
"Oo, and thanks for cooking breakfast."
Sagot ko. Ngumiti naman siya sa'kin.
-- SKIPTIME
Nagluto siya ng Beef with broccoli. Nagpasalamat ako, tapos ako na rin naghugas ng plato. Brunch na namin yun, bawal din kasi maglaro ng sobrang busog. Pagkatapos ko mag prepare 12:30 pa lang bumyahe na kami ni Ishaia. Yep, sumabay na siya sa'kin. Dun nalang daw sila magkikita nila Callie.
Walang nagsasalita sa byahe, nag commute lang pala kami jeep, train repeat. Tapos lakad-lakad nalang.
Nakarating na kami sa MOA Arena, nagpaalam na rin ako sakanya kasi di-diretso na ako sa dugout.
"Ishaia, mauna na ako ah. Need na mag prepare sa dugout eh. Ingat ka, hanapin mo na sila Callie.'
Sabi ko. Ngumiti at tumango naman siya sa'kin. Tapos....
ANO YUN?!?!?!??! NIYAKAP NIYA AKO, HINDI NA AKO NAKAGALAW SA GINAWA NIYA... MAY MAS MALALA PA TEH!
'Di na ako nakailag sa ginawa niya kasi ginusto ko rin naman, nagulat nalang ako sa labi ko na dumiretso labi niya.
"Goodluck!"
BEH ANO YON?!?! 'DI MANLANG AKO HINAYAAN MAKASAGOT, UMALIS NALANG TALAGA SIYA OH.
Pinilit kong hindi isipin yung ginawa niya, kasi ayoko mawala sa focus. First game ko pa naman. Nauna pala sila Aki at Sam sa dugout, kaya sumunod nalang ako.
"Oh ayan na pala si lover girl eh!"
Inuumpisahan na naman ako ni Aki,,
"Magbihis kana teh, dalian mo para makapag stretching kana."
"Oo na capt. BYE!"
Pumunta na ako sa likod para magbihis at mag-ayos, 'di ko maiwasan na hindi isipin yung ginawa ni Ishaia kanina. Nagulat talaga ako, bukod sa siya yung gumawa. Eh inulit niya na naman yung ginawa niya nung grade 6 intramurals. Volleyball championship match. Hinalikan ako sa pisngi, kasi ako nag last point. Tumakbo pa siya sa'kin non, tapos hinug ako binuhat ko na nga rin siya eh.
Tinawag na ako ni Coach Willie kasi i-interviewhin daw ako sa Pilipinas Live kasi Rookie setter ako eh. Ayun ang daming tinanong, pero nasagot ko naman lahat. After 1 hour and 18 minutes, tinawag na kami para palabasin sa dugout, para ipakilala ng announcer para rin makapag warm up na.
Ignore grammatical errors. (#)
BINABASA MO ANG
TGL
RomanceA wlw complicated situationship story, both freshman in College. • Course Masc Girl - Architecture, Bachelor of Science in Aviation Major in Flying (UST) España, Manila (Air Link International Aviation College) Domestic Rd, Pasay 5'10 18 Fem Girl...