NO MALICE [12]

7 3 0
                                    

ISHAIA's POV

!??!?! ANO NA NAMAN YUN?!

Alam niyo ba ginawa? Hinila damit ko kaya pareho kami natumba sa sofa. Tapos.. Hinalikan din noo ko. Sarap manapak, ang dami na naming kissing scene ngayon ate?? After nun nakatulog na siya sa kalasingan. Hinayaan ko na, inayos ko yung higa position niya, nilagyan ko na rin siya ng blanket.

Naisip ko na 'wag nalang mag bukas ng aircon sa kwarto, binuksan ko nalang yung pinto ko para pumasok yung lamig sa sala.

--- FASTFORWARD

AZIEL's POV

Linteek! Wala na akong maalala sa pinaggagawa ko kagabi. Last na naalala ko,,, hinalikan ko siya? WTH PANO KUNG MAY MALALA PA AKONG NAGAWA,, BYE.

Ang sakit ng ulo ko jusme, 10 na pala nagising ako sa ingay ni Akira dahil sa lintek na ipis na yan. Tyaka anong ginagawa ko rito sa sofa, eh nakapag palit pala ako kagabi, tapos lumabas ako uli? Arghh, wala na akong ibang maalala.

"Oh buti naman gising kana"

KANINA PA SIYA DON? Si Ishaia, nasa kitchen nagluluto.

"Ah, h-hi... g-good morning"

Naalala ko yung isang ginawa ko kagabi, lintek nakakahiya.

"Nyare sa'yo? HAHAHA utal-utal kana pala ngayon, o may hangover kapa?"

Uh.. ate,,

"Sira, wala na hahaha. Inaantok pa kasi ako onti, kaya medyo sabog pa"

"Ahh, eh mamaya kana uli matulog. Halika muna dito, nagluto akong sopas para mawala hangover mo. Alam ko namang meron pa yan. HAHA"

Uy? Parang nag crave nga ako dun ah..

"Sige wait"

Inayos ko lang yung kumot ko, at mga unan. Tapos pumunta na ako sa Bar Top.

"Thank you pala dito ah"

"Wala yun! Pang bawi ko na rin yan sa treat mo kagabi. Hehe."

Sarap naman netong pang bawi niya 😆

"Kamusta naman?"

Tanong niya sa sopas.

"Masarap!"

"Sino?"

Te, ano raw,,

"Ha?"

"Ay este, oo sinarapan ko talaga yang sopas."

😆

"Ahh"

Napa ganon nalang ako, kaloka ang kalat. Ang aga-aga. 🤦🏻‍♀️

"Ako na maghuhugas nito, tapos simba tayo?"

"Sino-sino kasama?"

Tanong niya.

"Tayo lang sana"

Para naman masolo ko, lagi nalang may epal eh. Joke hehe.

Sa 'Santísimo Rosario Parish Church' kami magsisimba, para malapit lang. Walking distance lang galing sa condo namin.

"Hmm, sige maliligo muna ako"

Ayown, pano ba yan Lord papakilala ko na po sainyo ah? Kimi lang po haha

"Okayy, hugasan ko lang 'to tapos maliligo na rin ako"

Tumango nalang siya at pumasok na sa C.R.

-- FF

Natapos na kami pareho maligo at mag-ayos, kaya sabi ko

"Let's go? Okay kana?"

"Mhm, ikaw?"

What's with the cold behavior?

"Yup, tara"

Lumabas na kami, at nilock niya naman ang pinto.

Naglalakad lang kami sa may sidewalk papunta sa church, tapos may naisip akong itanong.

"Uhmm, Ish."

"Oh?"

"May ano.. (nag-aalangan na sabi ko) May.. may ginawa ba ako kagabi?"

"Anong ginawa?"

"Like, ano.. uhm.."

Mukha namang nagets niya na yung tinutukoy ko.

"Hinalikan mo lang ako, that's it."

"Sorry"

"There's nothing to be sorry about. It's just a kiss, Aziel."

Malamig na sagot niya.

Kaya naman.. may naisip na naman akong kabaliwan.

Hinawakan ko lang naman yung kamay niya habang naglalakad. Tapos nag act fool lang ako.

Siya naman, walang reaction. Pero hinigpitan niya yung hawak niya. 😓

Nakaka bother ang mixed signals ha. Walang nagsasalita samin, naglalakad lang talaga kami. Tatawid na kami at hinila ko siya papunta sa side ko. Nagpalit kami, kasi sa side niya yung may kotse.

"Thanks"

Nginitian ko lang naman siya.

Ang lamig pa rin, isa pag ako umiyak ha

Hawak-hawak ko pa rin ang kamay niya habang papasok ng simbahan.



Ignore the grammatical errors. (#)

Hi puu! May 2 chapters pa kayo sa'kin later. 😚

TGLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon