Chapter 3

259 2 0
                                    

PINAHID ni Moira ang mga luhang naglandas sa magkabila niyang pisngi. Naramdaman niya ang marahang pisil sa kanyang balikat.

"It's been three years, Luisa. Pero parang hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon," sabi niya sa garalgal na tinig.

"I understand. Sino ba naman ang mag-­‐‑aakalang babawian ng buhay ang mga magulang mo just because of a reckless driver?" nakikisimpatyang sabi nito.

Aksidente ang ikinamatay ng mga magulang niya. Hindi niya iyon matanggap dahil maingat na magmaneho ang kanyang ama. Lasing ang driver ng ten-­‐‑wheeler truck na bumangga sa kotseng sinasakyan ng mga ito. Dead on the spot ang kanyang ama, samantalang dead on arrival naman ang kanyang ina.

"At the age of twenty-­‐‑two, ulilang-­‐‑lubos na ako." Lagi siyang ganoon tuwing dadalaw sa puntod ng mga magulang niya. Third death anniversary ng mga ito.

"You have me and Daniel," paalala ni Luisa. "Not to mention ang boyfriend mong si Mark." Pilit siyang ngumiti.

"Halika na, Moira. Nagdidilim na at baka abutan tayo ng ulan dito." Tumingin si Luisa sa langit. Nagbabadya ang ulan.

Bago umalis ay nagdasal siyang muli para sa mga yumaong magulang.

"GUESS what, Moira?" Abot-­‐‑tainga ang ngiti ni Mark. Ni hindi nito napansin ang malungkot niyang mukha.

"Galing ako sa embassy kanina," excited na sabi nito. Saka pa lang napuna ni Mark na wala siya sa mood makinig. "Hey, something wrong?"

Hinawakan nito ang kamay niyang nakapatong sa mesa.

"Sabi mo kahapo'y sasamahan mo ako sa puntod ng parents ko." Ayaw niyang manumbat ngunit hindi niya napigilan.

Natampal nito ang noo. "I'm sorry, Moira. Pag-­‐‑uwi ko kasi sa bahay ay nakita ko ang notice for interview galing sa US embassy."

Ni hindi mo man lang sinabi sa akin, sa loob-­‐‑loob niya.

"I'm so sorry, babes," sinserong sabi nito.

"Pero sigurado akong matutuwa ka sa balitang dala ko."

"A-­‐‑ano ba iyon?" Ang totoo'y nahuhulaan na ni Moira kung ano ang ibabalita nito.

"Nakapasa na ako. Makakapunta na ako sa Amerika, babes." Tatlong beses na itong bumagsak sa interview.

Pinilit niyang ngumiti. Gusto man niyang makisaya sa kasintahan ay hindi niya kayang gawin dahil sa pagdadalamhati.

"Matagal ko nang pangarap makarating doon. And don't you worry, pagdating na pagdating ko roon ay aasikasuhin ko agad ang mga papeles mo." Nangislap ang mga mata ni Mark.

Kumunot ang noo niya. "And how will you do that?"

"You're my fiancée. Iyon ang ilalagay ko sa papeles mo."

Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ito. Apat na buwan pa lang silang magkasintahan.

Sinagot niya ito dahil ito ang pinakagusto niya sa maraming nanliligaw sa kanya. Disente, gentleman, at responsable.

Inilabas ni Mark ang isang kahita mula sa bulsa ng pantalon at iniabot iyon sa kanya.

Binuksan niya iyon at tumambad sa kanya ang isang singsing. May diyamanteng katamtaman ang laki. Kumikislap iyon sa tama ng liwanag ng ilaw sa restaurant.

"Will you marry me, Moira?"

Pilit niyang kinapa sa sarili ang madalas na sinasabi ng isang babae na labis ang kaligayahan kapag inaalok ng kasal ng lalaking minamahal.

Pero nabigo siyang maramdaman iyon.

"Moira.. "

"W-­‐‑what can I say?" Isiniksik pa rin niya sa isip na nagtatampo siya rito kaya ganoon ang naging reaksyon niya sa proposal nito.

Karugtong Ng Isang Kahapon - Sharmaine GalvezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon