"MOIRA, this is Albert del Mundo. Al, si Moira," pakilala ni Jenny na hindi napansin ang tila pag-aalinlangan niya.
Agad siyang nagmulat ng mga mata!
"Vernon" ang pangalan ng estrangherong humalik sa kanya kagabi.
"Hi, Moira," nakangiting bati ng lalaki.
Nakakunot ang noo nang tinitigan niya ito.
Maliban sa pagkakapareho ng mga mata nito sa lalaking gumulo sa isip niya ay hindi nga ito si Vernon.
"Madalas kang ikuwento sa akin ng pinsan mo. At hindi siya nagsisinungaling nang sabihin niyang mas maganda ka kaysa sa kanya," patuloy ng lalaki nang sandaling sumulyap sa kasintahan.
"T-Thank you." Saka lang siya parang natauhan. Kung hindi si Vernon ang fiancé ni Jenny, sino kung gayon ang lalaking iyon?
"Naihatid na ba ninyo si Vernon?" tanong ng kanina pa nakamasid na mama niya.
"Opo, Tita," sagot ni Jenny.
"S-Sino si Vernon?" Pinilit niyang maging kaswal ang tinig kahit na parang nagririgodon ang puso niya nang marinig ang pangalan ng lalaki.
"Kapatid ni Al. Kasama namin siya rito kagabi. Inihatid namin siya sa airport kanina," sagot ni Jenny. Humila ang pinsan niya ng upuan sa katabi nito. Tumabi rito si Al.
"E, di hindi makakadalo sa kasal ninyo ang kapatid mong iyon, Al," sabi ng kanyang mama.
"Hindi pa raw siya sigurado, Tita."
"Sayang at hindi kayo nagkakilala, Moira," ani Jenny na tinulungan siyang maghiwa ng gulay na ilalahok sa kare-kare.
"Hay naku, love. Mabuti na iyon. Alam mo naman si Kuya, mahilig sa maganda. Baka mabiktima pa ng charm niya ang pinsan mo."
Pinilit niyang ngumiti. Parang nanuyo ang lalamunan niya. Totoo si Vernon. Pero para din lang itong panaginip na dumaan sa buhay niya!
"MAY PROBLEMA ka ba, Moira?" tanong ni Daniel kay Moira. Kanina pa kasi nito napupuna si Moira na parang wala sa sarili.
"W-Wala. Napagod lang siguro ako dahil sa dami ng pasyente," pagkukunwari niya. Siya at si Luisa ang masasabi niyang ka-close sa ospital among her circle of friends.
Isang linggo nang nakakaalis sina Jenny at Al. Kasamang umalis ng mga ito ang pag-asang magkikita pa silang muli ni Vernon.
"Dadalaw ako sa inyo bukas. Off-duty naman natin," sabi ni Daniel.
Napatingin siya rito. Bakit kaya ganoon? Matagal nang nanliligaw sa kanya si Daniel pero ni minsan ay hindi nito ginulo ang isipan niya. Unlike Vernon na parang hangin lang na dumaan sa buhay niya ay naging sanhi na agad ng hindi niya pagkakatulog.
"Moira..."
"A-Ano nga uli ang sinasabi mo?" Bigla siyang naguilty sa nakitang hitsura nito.
"Puwede bang dumalaw sa bahay ninyo bukas?" ulit nito sa tanong kanina.
"Ikaw ang bahala," matabang niyang sagot.
"Sige, magra-rounds pa ako." Hindi na niya hinintay na sumagot si Daniel. Tumayo na siya at tinalikuran ito.
"BINASTED mo na naman si Daniel." Hindi iyon isang tanong kundi kompirmasyon.
Tumango si Moira.
"Ano pa ba naman ang ayaw mo kay Daniel? Bukod sa matagal mo na siyang kakilala ay mahal na mahal ka pa n'ong tao," pangungulit ni Luisa.
Ibinaba niya ang hawak na ball pen. "Matagal ko na siyang kakilala kaya ang tingin ko na lang sa kanya ay isang kapatid."
"That's a good start. You loved him as a brother and eventually, matututuhan mo rin siyang mahalin bilang boyfriend."
"No, I don't think so," sansala niya. "Kung mangyayari ang sinabi mo, sana'y noon pa. But up to this minute, he's still the same old friend for me."
"He's quite a good catch." Bakas ang panghihinayang sa boses ni Luisa. Pero may iba pa siyang na-detect sa boses nito.
Mataman niya itong tinitigan. Bigla'y bumalik sa isip niya ang sobrang concern nito pagdating kay Daniel. "Come to think of it, bakit hanggang ngayon, wala ka pang boyfriend?"
Nilingon siya ni Luisa. "W-Wala kasing magkamaling manligaw."
"O baka naman may iba kang napupusuan," panghuhuli niya rito. Inirapan lang siya nito.
"Tama ba ako, Luisa?"
"Ano ba'ng pinagsasasabi mo, Moira? Ikaw ang pinag-‐‑uusapan natin kanina, 'tapos ay ako ang isasalang mo sa hot seat," pag-‐‑iwas nito.
"Why do I have this feeling na may inililihim ka sa akin all these years?"
"You're imagining things." Tumayo si Luisa at kumuha ng isang chart ng pasyente.
"Alam mo, mas bagay kayo ni Daniel," deretsong sabi niya, inaabangan ang magiging reaksiyon nito.
"I-‐‑ikaw ang mahal niya," malungkot na sabi nito. "Diyan ka muna't magpapainom lang ako ng gamot."
Sinundan niya ito ng tingin. Kinumpirma lang ng malungkot nitong boses at pag-‐‑iwas ang hinala niyang may itinatago itong damdamin para kay Daniel.
Bakit ba hindi niya agad nahalata iyon?
BINABASA MO ANG
Karugtong Ng Isang Kahapon - Sharmaine Galvez
Storie d'amore"Three years ago, I kissed a pretty lady. It was a dawn of enchantment. After the kiss, sinampal niya ako bilang pasasalamat." Napatigil si Moira nang makita ang isang lalaking nakata-likod. From where she stood ay kitang-kita niya ang perfect behin...