Chapter 5

311 5 0
                                    

"Bakit naman kasi pumasok ka pa?" nag-aalalang sermon ni Luisa kay Moira.

"Akala ko kasi hindi matutuloy ang lagnat ko," sagot niya.

Sinalat nito ang noo niya. "Magpaalam ka na sa head nurse natin. Ako na ang bahala sa mga pasyente mo."

"Kaya ko pa naman," tanggi niya. Wala naman kasi siyang gagawin sa bahay niya.

"Ipahinga mo na iyan, kaysa naman lumala pa," kontra ni Luisa. Kinuha nito ang chart sa kamay niya. "Sige na, Moira. Umuwi ka na."

Pumunta siya sa office ng kanilang head nurse at nagpaalam. Pinayagan naman siya nito. Ini-endorse na lang niya ang mga pasyente niya kay Luisa.

Pagdating niya sa kanyang bahay ay nangangaligkig na siya sa ginaw. Masakit ang buong katawan niya. Tipikal na sintomas ng trangkaso. Ipinagpasalamat niyang sinunod niya ang suhestiyon ni Luisa na umuwi na. Nagpasya siyang mahiga muna. Mamaya na lang siya magpapalit ng uniporme. Hindi na niya binuksan ang aircon.

Ilang sandali pa lang niyang nailalapat ang katawan sa kama ay nakatulog na siya.

KUMUNOT ang noo ni Vernon nang madiskubreng bukas ang front door ng town house ni Moira. Kanina pa siya tumatawag ngunit walang sumasagot.

Pumasok na siya sa loob kahit alam niyang mali ang gagawin.

"Moira."

Nang wala pa ring sumagot ay naisip niyang baka may nangyari dito. Nagdesisyon siyang pumasok sa isang kuwartong ipinagpalagay niyang kuwarto nito.

Kakatok sana siya nang mapansing bahagyang nakaawang ang pinto. Marahan niya iyong itinulak. At hindi siya nagkamali.

Nakita niyang nakapamaluktot si Moira sa kama. Nag-aalalang nilapitan niya ang dalaga, at sinalat ang noo nito. Nalaman niyang nag-aapoy ito sa lagnat. Nang itagilid niya ito ay basambasa ng pawis ang likod nito.

"Oh, God! What am I going to do?" Iisa ang alam niyang dapat gawin sa isang taong nilalagnat— Ang dalhin ito sa ospital. Ngunit nanaig ang pag-aalalang baka mapulmonya ito dahil sa basang likod nito.

Hinagilap ng mga mata niya ang closet at kumuha ng damit na puwedeng ipampalit sa basang uniporme nito.

Napapikit siya nang simulang buksan ang zipper nito sa likod.

Pakiramdam niya ay siya ang nilalagnat nang tuluyan niya itong mahubaran.

"You're so beautiful," anas niya. Pinunasan niya ng tuyong tuwalya ang pawis nito sa buong katawan at sinuotan ng pantulog na nakuha niya sa closet nito.

Bumaba siya para kumuha ng palangganita at malamig na tubig. Pupunasan niya ito ng cold compress.

UMUNGOL si Moira. Naalimpungatan si Vernon kaya lumapit siya sa natutulog na dalaga.

He couldn't help admiring her beauty. Sa kabila ng lagnat nito at magulong buhok, ito pa rin ang pinakamagandang babaeng nakita niya. Her face was a cross between innocence and sensuality.

Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha nito. Nang kumibot ang mga labi nito ay dobleng pagpipigil ang kinailangan niya para huwag itong halikan.

Sa kakalikot ni Moira ay naalis ang kumot na itinakip niya sa katawan nito. Napalunok siya kasabay ng isang tahimik na pagmumura. Tila hinubog ang katawan nito na parang sa isang diyosa ng kagandahan.

Sa pagkakataong iyon ay hindi niya napigilan ang sariling hagurin ito ng tingin.

"How could you be so beautiful?" bulong niya. "So beautiful and yet not mine." Napadako ang tingin niya sa palasingsingan nito. Naroon ang engagement ring na nagpapaalalang pag-aari na ito ng iba. Mabilis niyang ibinalik sa puwesto ang nalilis na kumot.

Karugtong Ng Isang Kahapon - Sharmaine GalvezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon