Epilogue

484 16 1
                                    

"THREE years ago, I kissed a very pretty lady. It was a dawn of enchantment. After the kiss, sinampal niya ako bilang pasasalamat," pagbabalik-tanaw ni Vernon.

Noon ay magkatabi sina Moira at Vernon sa duyang yari sa yantok na ipinalagay nito sa veranda ng bahay nila sa Cavite. Kasalukuyan silang nasa honeymoon stage at pinili nilang manatili na lang sa bansa at gugulin ang kanilang pulot-gata sa bahay na iyon.

"Ano'ng nangyari sa babaeng iyon?" Nakisakay na rin si Moira sa pagre-reminisce ng kanyang asawa.

"Pumunta ako sa States para mag-aral ng masteral. Wala na akong naging balita sa kanya," patuloy nito.

"Bakit hindi ka nagtanong sa pinsan niya?" natatawang tanong niya. Para silang mga sirang plaka dahil pareho na nilang alam ang pangyayaring iyon.

"I did. Pagdating na pagdating ko galing ng Amerika ay pinuntahan ko siya sa dating bahay nila, pero wala na siya roon. Nalaman kong lumipat na siya at nagsolong mamuhay. Simpleng pagtatanong sa pinsan niya dahil ayokong mabuking na head over heels in love ako sa babaeng iyon. Baka lumaki ang ulo.

"Inayos ko muna ang ilang problema sa negosyo dahil ayokong may iba pa akong iisipin kapag sinimulan ko na ang panliligaw sa kanya. I had the biggest surprise in my life when I saw her again." Bakas ang katuwaan sa boses ni Vernon.

"Water droplets all over her body. And to top it all, nakatapis lang siya ng tuwalya. Like a goddess who stepped down from Mount Olympus."

"Pagkatapos..."

"Para akong tinarakan ng patalim sa dibdib dahil ang babaeng pinaplano kong ligawan ay ikakasal na pala sa isang kaibigan."

"Pagkatapos..."

"I had my chance noong umalis si Mark. Na lalo pang nadagdagan noong mailigtas ko siya sa kamay ng isang obsessed na kaibigan niya. I offered her my house."

"Pagkatapos..."

"Para siyang pagkain na nakahain, ngunit hindi ko naman matikman. So close and yet, so far." Hinalikan nito ang buhok niya.

"Pagkatapos..."

"Iniiwasan ko siya for our own good. Kahit na para akong pinapatay na hindi siya mapasaakin. Then nalaman ko from a friend na ang lalaking nag-alok ng kasal sa kanya ay nagpatali na sa iba, ipinagpalit siya sa isang pangarap. Iyon na ang pinakamagandang balitang natanggap ko sa buong buhay ko. Nangangahulugan iyon na pareho na kaming malaya. Siya, malaya na mula sa isang kasunduan. At ako naman ay malaya nang ipagtapat sa kanya ang nararamdaman ko."

"Pagkatapos..." Pinagapang ni Moira ang daliri sa hubad nitong dibdib. Sinimulang tuksuhin ang kanyang asawa.

"Dahil sa isang kontrabida'y umalis siya nang walang paalam. I followed her though." Hinuli ni Vernon ang kamay niya at hinalikan iyon.

"Pagkatapos..." Ang mga labi naman niya ang nanunukso sa balat nito.

"I married that lady of three years ago," pagtatapos nito sa sinimulang kuwento. Siniil siya ng halik sa mga labi at binuhat papasok sa kuwarto.

"Pagkatapos—" panunukso pa rin niya rito.

Buong paghanga nitong pinagsasawa ang mga mata sa katawan niya pagkatapos hubarin ang suot niyang manipis na nightgown.

"Kasalukuyan kaming nagha-honeymoon ngayon," sagot ni Vernon when he joined her in bed. Sa pagkakataong iyon ay wala na itong suot kahit na ano.

Hinagkan nito ang noo niya, ang tungki ng kanyang ilong, ang magkabilang pisngi niya.

"Pagkatapos..." maagap niyang sabi bago dumapo ang halik nito sa mga labi niya. Ang bawat dantay ng kamay nito'y nag-iiwan ng mumunting apoy sa kanyang katawan.

Siniil muna siya nito ng maalab na halik sa mga labi bago sumagot. "Sshh," saway nito sa kanya.

"Paano natin matatapos gawin ang baby natin kung hindi ka titigil sa pagtatanong?" sabi ni Vernon in a desperate tone.

Nag-echo sa buong paligid ang tawa ni Moira. Pagkatapos ay puro ungol at daing ang humalili. Kung kanino galing ang mga iyon ay pareho nilang hindi alam. They where only mindful of their bodies joining together in a rhythmic movement.


Wakas

🎉 Tapos mo nang basahin ang Karugtong Ng Isang Kahapon - Sharmaine Galvez 🎉
Karugtong Ng Isang Kahapon - Sharmaine GalvezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon