10

168 11 0
                                    

10.

Gumising akong una kong binungad ang phone ko dahil parang walang bukas na ang tumutunog dito. Nakaabot ng 200 notifications ito galing sa GC naming tatlo nila Julianne at Aveline.

Julianne: Girl @Angeli Esquivel, nasaan ka na? Akala namin nakauwi ka na sa bahay mo pero nung pinatingnan ko kay Von wala ka raw do'n.

Aveline: Hoy, gago ka, Angeli! Nawala ka na lang sa paningin namin tapos ayon nawawala ka pala agad!

Aveline: Kapag nakita mo 'tong message ko, pinahanap ko na lang sa'yo si Von. Binigyan ko siya ng extra money para hanapin ka lang.

Julianne: Nakakahiya kay Von! Madaling araw pa yata 'yon nakauwi sa bahay niya, mahanap lang si Angeli! Ayoko naaa!

Bigla akong napaupo sa kama ko at lumaki talaga ang mata ko nung makita ko ang mga chats ng dalawa. Gago, oo nga pala! Yung nangyari kagabi!

Parang ayoko na lang magpakita kay Von ngayon dahil sa ginawa kong kabalustugan sa kaniya kagabi. Tang ina, Angeli, bakit mo pa hinalikan 'yon? Bading nga 'di ba?!

Letche, ayoko na! Mag-d-day off na lang ako sa sarili kong buhay. Mag-sta-stay na lang ako rito kaysa makita ko 'yon!

Hanggang sa nawalan ako ng choice at pumasok ako sa building na parang walang nangyari sa amin. Nakita ko siya sa sofa na nakaupo at mukhang maraming iniisip.

Napatayo siya roon sa sofa nang makita niya ako. Dumiretso ako sa opisina at sinundan niya naman ako. Pinilit ko sa isipan ko na maraming ma-occupied para hindi ko maalala ang nangyari.

Nung umupo na ako sa upuan ko ay binuklat ko bigla ang laptop ko. Nagkunwari pa akong may ginagawa o nagsusulat ng new chapter kahit sa totoo lang ay gusto ko na lang maging hotdog sa nangyayari ngayon.

Natayo pa rin si Von at dama ko ang titig niya na unti na lang tumagos sa kaluluwa ko. "Angeli, about sa nangyari-"

"I'm sorry, it's my fault. Pero kung na-u-uncomfy ka na o gusto mo na mag-quit ngayon dahil dito, puwede naman. Ibibigay ko naman sa'yo ang sweldo." Hindi ko tiningnan siya at nag-type na lang ako ng kung ano-ano sa laptop ko.

"Hindi naman po ako mag-re-resign. Gusto ko lang po maghingi ng favor, tutal ninakawan niyo po ako ng halik."

Doon na ako lumingon sa kaniya. Sheyt, kaya ayoko tinitingnan 'tong bading na 'to kasi nahuhulog pa rin ako sa mukha niya.

"Yes, anong favor 'yon?"

"Puwede po ba bigyan niyo po ako ng advance sweldo? Need ko po 'yon sa kapatid ko po."

Bawat aplikante ay nagpapa-background check ako na wala sa kanilang resumé para makasigurado akong wala ako sa peligro. Tiningnan ko rin ang kay Von pero nakita ko namang nasa ibang pamilya na ang kapatid niya.

Nakaalis na nga siya sa puder ng pamilya niya, kaya bakit kailangan niya pa ang pera para ibigay iyon sa kapatid niya? Weird.

"Sige." Tumingin ako sa ibaba ng lamesa ko at may binuksan sa maliit na cabinet ko. Kinuha ko ang maliit na sobre at binigay kay Von.

"Thank you po," aniya at umupo sa sofa.

Sinarado ko ang cabinet at nagpatuloy sa pag-type sa laptop ko. Bumaba naman ako at lumabas sa opisina ko nang sinabi ng isang employee ko na nasa building ko na ang mga bagong kliyente.

Nasa likod ko lang si Von at doon naman ay may dumugtong na babae na secretary ko. Nung makita ko na ang bagong kliyente ay may gulat sa aking mukha ngunit ang tanging nagawa ko na lang muna ay makipag-shake hands.

Nadama ko rin na nagulat din si Von nung nakita niya ang bagong client. Parehas kaming hindi makapaniwala dahil kilala naman matagal na ito. Si Jacob.

Si Jacob ang naging ex-crush ko rin nung high school, siya ang nauna kong naging crush bago kay Von. Kasama ni Jacob ang sarili niyang secretary.

"It's been a while, Angeli." Matapos naming mag-shake hands ay hindi niya napigilang yakapin ako.

Pilit akong magbigay ng ngiti kahit gulat ako roon sa ginawa niya. Niyakap ko rin siya. "Doon po tayo sa opisina ko mag-usap. Sundan niyo na lang po ako, Sir." Naglakad ang lahat at sumunod sa akin.

Nang nandoon na siya sa opisina ko ay umupo sa magkabilaang harap ko ang secretary niya at siya. Agad na ibinigay ng secretary niya ang tablet niya matapos niyang magkutkot doon.

Isa itong article na involve siya. Nabasa ko na itong article na ito kanina lang, sabi ko na nga ba ay ako ang hahanapin niyang Attorney. "Gusto po ng boss ko na ipa-take down po ito at makulong ang mga ibang kasama na nandiyan sa article."

Napailing ako nang maglahad ang secretary niya ng tseke. "Babayaran ka raw po niya sa kahit anong halaga." Bahagya akong tumingin sa tseke at ang nakalagay dito ay one fifty thousand dollars.

Bigla kong kinuha ang tseke at pinilit kong hindi ngumiti, "Okay, I accept this. Pero uunahan na kita, Jacob, ang sasabihin mo sa'kin ay pawang katotohanan lang sa nangyari."

Ngumiti si Jacob sa akin. "It's a deal."

My Gay WorkmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon