19

155 6 0
                                    

19.

Pabor ako sa proposal ng boyfriend ni Julianne. Sadyang I know Julianne, alam ko na mas gusto niya na hindi gaano ka-bongga ang proposal. Gusto niya lang na simpleng propose lang.

"Ano bang nasa isip mo, Angeli?" Tanong ni Aveline.

"Its just that I know Julianne. Ngayon, ang gawin mo muna ay pasayahin siya nang sobra. Kailangan alahanin mo na walang sasagabal ngayong gabi sa plano mo. Then, kinabuksan sa umaga, propose to her. ."

I remember Julianne na sinabi niya ito sa akin. She never really liked the pasabog proposal, pero nasayahan siya sa effort ng lalaki. Sabi niya na kung bakit lang ayaw niya ng bongga dahil naiisip niyang mas napre-pressure lang siya na sagutin ito.

"Sa umaga, bigyan mo na masarap na breakfast tapos dala ka ng flowers then chocolates. Kapag natapos na siya kumain, doon ka na mag-propose. You will thank me later."

Nagpatuloy na lang akong kumain habang ang natulala naman sa mga sinabi ko ay sila Aveline. Nagpatuloy na lang na kumain kaming lahat at nagpanggap na parang walang nangyari nung bumalik na si Julianne.

Five months na kasi ngayon at mas lalong lumaki ang tiyan ko. Nasasayahan ako sa kaibigan ko na si Julianne na may balak nang lalaki na mag-propose sa kaniya at walang problema naman si Aveline sa relationship.

Nalulungkot lang ako sa parte na behind na yata ako sa mga love life na nangyayari ngayon. Feeling ko para akong tumatakbo pero hindi gumagalaw sa posisyon ko.

Gumising ako na ang bumungad sa akin ay mga message ni Julianne sa Group Chat namin nila Aveline. Ito namang si Julianne, akala mo mahahati na katawan sa mga messages niya.

Julianne: Good morning, y'all! Guess what kung sino ang bagong engaged na ngayon!

Julianne: It is me! HEHE!

Julianne: Ito talaga ang pinakahinihiling kong proposal, yung simple yet unique. Iba pala feeling ng na-engage na, sheyt!

Aveline: Gagu, baka may matamaan @Angeli Esquivel, baka magalit agad ang buntis.

Julianne: HSAHHHAHHA sorry beb @Angeli Esquivel

Ngumiti na lang ako at nag-reply using emojis. Ang tiningnan ko naman ay ang email ko dahil may nag-chat na isa kong empleyado. Agad na nag-fla-flash ang mata ko sa binasa kong email sa akin.

Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil nakatanggap na ako ng update kung nasaan si Von. Binuksan ko agad ang file ng mga in-attach sa akin.

Ang mga naka-attach na iyon ay mga pictures ni Von. Sabi ng empleyado ko ay nasa ibang bansa siya at nung time na iyan ay may kasama siyang lalaki. Mas mabilis pa sa flash ang kamay ko hanggang sa na-reach ko ang end of attachments.

Ang huli na sinend sa akin ng empleyado ko ay ang picture ni Von na may kayakap na lalaki. Lumunok ako at parang nabunutan ako nito ng tinik.

I replied the email, "Tapos na ang trabaho mo. Thank you. Ibibigay ko na lang ang sweldo mo sa bangko mo."

Nag-power off agad ako ng phone ko. Ang sabi ng Doctor sa akin ay 'wag akong ma-stress kaya mas better na lang na 'wag ko muna gamitin ang phone ko. Baka kung ano pa ma-click ko riyan at lalo pa akong ma-stress.

Pagkalabas ko ng kuwarto ko ay tsaka roon naman nagpakita ang dalawang maid sa akin. Yung isa dumiretso sa kuwarto para maglinis at ang isa naman ay tinulungan akong bumaba sa hagdanan.

Hindi ako ang nag-hire ng mga maid na ito, sila Aveline at Julianne lang. Hindi ko rin naman masisisi ang dalawang iyon dahil may panahon talagang wala silang dalawa sa tabi ko.

Tanghali rumating ang dalawa sa bahay ko. Si Julianne na bagong engage ay agad na flinex ang kaniyang singsing sa amin. Naghalukipkip lang ako at pinagtuon ang pansin sa laptop ko.

"May update na kay Von. Kakabigay lang ng mga details ang empleyado ko," unbothered kong binanggit out of nowhere. Biglang natigilan kumilos ang dalawa at lumapit sa akin.

"So, anong sabi ng empleyado mo?" Nakaupo ako kanina sa chair ko ngunit mas parang gusto ko pa na sa sofa na lang dahil mas malambot ito. Lumipat ako sa ibang pwesto.

"Angeli, speak. Anong nasabi sa'yo ng employee mo? At natahimik ka riyan," nag-urirat ang dalawa at umupo rin sa tabi ko.

"Ang sabi nila ay nasa ibang bansa na si Von. May kayakap na lalaki. May pinakita pa na mga photos ang empleyado ko. Which means, ititigil ko na ang kahahanap sa kaniya, at mananahimik na lang ako."

Ayon ang plano ko. Ayon ang plan A, B, C, at D ko. Ayan lang. Kitang-kita naman na sa photos na more than friends si Von pati ang kasama niya, kaya ano pa ang ipipilit ko? Months na ang lumipas na hindi kami nag-uusap.

Hinanap ko rin si Von sa buong internet na possible na nandoon siya, pero wala siya roon. Kahit nga possible na dump account ay wala siya.

Ayoko na makigulo pa sa buhay ni Von kung halatang masaya naman siya sa ibang bansa. Panggulo lang ako roon kung may gawin pa akong iba at ayoko nang gano'n.

My Gay WorkmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon