16

212 8 0
                                    

16.

I woke up na nilalagnat na ako. Napag-isip-isip ko, bakit nga ba ako nilalagnat? Tumingin ako sa kama na maayos naman ito at tiningnan ko ang sarili ko na nakadamit naman akong maayos.

"Maybe panaginip ko lang ang nangyari," kumbinsi ko sa sarili ko.

Babangon na sana ako ay biglang kumirot ang sakit ng gitna ko. At doon muli ako napaisip. Gago, kung masakit yung pechay ko ngayon, edi may nangyari nga talaga?!

Ugauga akong maglakad pero nakakalakad pa rin. Narinig ko ang boses ni Julianne sa ibaba, itong babaeng 'to kala mo walang sariling condo, eh.

Nandoon din si Von ngunit hindi sila nag-uusap pareho. Kaya lang maingay si Julianne dahil may kausap pala siya sa phone niya. Nung napansin na ako ni Julianne maglakad paibaba ay nagpalit-palit ang tingin niya sa amin ni Von.

"Eh, kaya naman pala nilalagnat siya kasi pinagod mo," masamang tumitig si Julianne kay Von.

"Ako ang may kasalanan, don't blame on him," tumingin ako sa orasan ng bahay ko at nagulat na 2 PM na ngayon, "Gagu, ba't 'di niyo ko ginising? Hapon na pala!"

Lumapit si Julianne at inalalayan na lang ako na umupo sa sofa. "Really? Nilalagnat ka na lahat-lahat tapos naisip mo pa rin trabaho mo?"

Mga ilang oras ay pinilit ko pa ring magtrabaho kahit sa story ko lang. Nakaupo ako at ang mata lang ay nakatitig sa laptop.

Ewan ko lang, hindi kami nag-uusap ni Von tungkol sa anong nangyari. Kung ano na ba mangyayari ngayon, kung ano plano niya, at kung hanggang one night stand lang ito para sa kaniya.

May plano naman akong kausapin siya, pero uhhh. . Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko. First time lang nangyari iyon sa akin at malay ko ba kung ano mangyayari pagkatapos, sa mga movies kineme ay ending na ang mga ganinto.

Nang matapos na akong mag-type sa laptop ko ay bahagyang napatingin ako sa harapan, kung saan nandito si Von. Tahimik lang siya na parang may iniisip habang ang mga titig niya ay nandoon sa lamesa.

"Von-"

Tatapusin ko pa sana ang pananalita ko nang sumagabal si Julianne. "Uy, bibili ako sa bagong gawa riyan na resto. May gusto ba kayong dalawa?"

"Kahit 'wag na," nagsabay kaming sumagot ni Von kaya nagkatitigan kaming dalawa.

"O-kayyy!" Masayang umalis si Julianne sa tabi ko. Siguro ito na yata ang sign na mamaya na ako makipag-usap kay Von, baka sa iba pa mapunta ang pag-uusapan.

Naghanap muna ako nang malalaro sa laptop ko para kunwari may ginagawa ako. Siguro ito rin ang isip ni Von kaya nagdadalawang-isip siya na may gawin kaming kababalaghan, na magiging awkward ang sitwasyon sa amin.

Or maybe para sa akin ay magiging awkward na ito. Habang naglalaro ako ng chess sa laptop ko ay may bigla pumasok sa utak ko.

Nakalimutan ko pala na unang-una ay bakla pa rin si Von. Siguro maraming tumatakbo sa isip niya ngayon kaya siguro kahit siya hindi niya kayang mag-first move sa akin sa nangyari. Maybe he's confused.

At dahil diyan, siya na ang unang ipag-fi-first move ko, kung tumagal ito buong araw na hindi kami nag-uusap sa nangyari, it means confused talaga siya. Siya na lang ang hahayaan kong magsalita about dito.

Ang tanga ko naman dahil pinilit ko pa talaga ang bading na 'yon na mag-sex kami! Pero hindi ko naman alam na sasabay talaga siya sa trip ko!

"Hey, you okay?" Mas lalo akong namutla at biglang pinindot ang leave app sa laptop ko.

Hindi ko matingnan ang mata niya, "Yeah, I'm okay."

No, I'm not okay!

Nagkakaroon na ako rito ng second-hand embarrasing dito sa ginawa ko nung lasing ako! I was literally playing with my pussy at malay ko ba na may nangyari na pagkatapos no'n!

Bumalik si Julianne at binasag ang katahimikan sa aming dalawa ni Von. Buti na lang ay maingay siya kaya mapapa-distract ko pa ang sarili ko.

Dumating ang mga oras na hindi na kami nakapag-usap ni Von hanggang sa tapos na ang duty niya ngayon. Tiningnan ko pa si Von na naglalakad paalis sa harapan ko at hinila ko naman na ang braso ni Julianne.

Nakatayo na kami ngayon at magkalapit. "Tang ina, hindi pa kami nag-uusap ni Von sa nangyari."

"What?" Nagulanta si Julianne at napaupo na lang muli kami. "Binigyan ko kayo ng ilang oras para mag-usap dalawa, anong ginawa niyo ro'n? Naglaro ng patintero?"

Napahimas ako sa mukha ko. "Wala. Walang nangyari."

"Pero ang pinaka importante, may contraceptives ba kayong ginamit o pinutok niya ba sa loob mo yung ano?"

"Gago ka!" Napahampas ako sa kaniya. Natawa rin naman kami pareho.

"Pero, wala akong ginamit na contraceptives tapos hindi ko alam kung naiputok niya ba sa ano or what. I'm drunk, okay!"

Kahit matagal ko na kaibigan si Julianne, nahihiya pa rin akong ibanggit ito kahit sa kaniya! Ang tanga ko naman kasi! Bakit ginawa ko 'yong bagay na 'yon sa lalaking ni label walang ibinibigay?

Kita ko sa mukha ni Julianne na na-stress din siya sa ginawa ko.

My Gay WorkmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon