21

156 6 0
                                    

21.

Pinaupo ako ni Julianne at siya rin ay natataranta sa nangyayari. Paikot-ikot siya at kinakagat niya ang kuko niya sa frustrated.

Until, lumabas na lang muli si Julianne sa harapan ko na walang pasabi. Bumalik siya ng mga ilang oras at sa ilang oras na iyon ay tulala akong nag-iisip. Ni hindi ko rin magawa ang trabaho ko dahil na-di-distract ako.

Pumasok muli si Julianne na may red envelope na dala. Party invitation ito at sa sunday din gaganapin. Mas lalo akong naguluhan sa binigay niya sa akin at nilapag ko ito sa lamesa ko.

"Gaga, anong gagawin ko riyan? Kasama ko ang mga anak ko sa sunday. 'Di ba nga dahil babalik na si Aveline rito."

Bumuntong-hininga si Julianne sa akin. "Maiintindihan ni Aveline ang sitwasyon mo at ako na ang bahala sa anak mo. Matalino sila katulad mo kaya maiintindihan din nila na hindi ka sasama sa kanila sa sunday."

"Please, Angeli. Ang dami mo na ginawang tama sa akin kaya ako naman ang gagawa sa'yo. Sa sunday, magsusuot ka ng magandang dress. I-se-seduce mo si Doctor Xandre."

"Hell nah! Na-reject na nga ako ni Doctor Xandre, 'di ba? Bakit ko pa ipipilit pa rin?"

"Kahit sa party lang iyon ay i-seduce mo siya. Nandoon din si Von sa party kaya alam ko makikita niya ang gagawin mo. Throughout the party, makipag-seduce ka lang kay Doctor Xandre. . ."

"Siguraduhin mo lang na after the party ay makikita mo si Von na nakatingin siya sa'yo na kasama mo si Doctor Xandre na umalis sa party. Ipaisip mo kay Von na hindi ka rin talunan, dahil siya ang nang-iwan, at hindi ikaw."

Natapos ang buong araw na nagmarka pa rin sa utak ko ang sinabi ni Julianne. I mean, totoo naman ang sinabi ni Julianne. Dapat hindi ako ang talunan dito. Dapat hindi ako ang nagtatago.

Dapat si Von ang magpaumanhin sa akin dahil biglaan na lang siyang nawala sa'kin matapos may mangyari sa amin. Siguro kahit man lang text ay matatanggap ko pa sa kaniya, pero wala ni isa.

Hanggang sa tinanggap ko na lang ang plano ni Julianne. Baka sakaling dito ay kahit papaano, gagaan na ang pakiramdam ko. Na for once ay kikilos na ako para sa sarili ko.

Aveline: Ako na bahala sa outfit-sa lahat. I-update mo na lang ako sa mangyayari @Angeli Esquivel

Ang suot ko ay La Robe Saudade Voile Maxi Dress. Black dress ito at alam ko naman na mamahalin ito kaysa pa sa buhay ko kaya hindi ko na lang tiningnan pa kung magkano.

Ang mga accessories even bag na idadala ko sa party ay hiram sa akin ni Aveline. Fairy God Mother ko kasi talaga 'to nung past life. Pagkapasok ko pa lang doon sa party ay nilusot ko na ang kamay ko at itali ito sa braso niya.

Hindi nag-react si Doctor Xandre sa ginawa ko. Ay, buti naman kung gano'n! Kapag talaga bigla siyang nagulat at itulak na lang ako agad, tatakbo na ako pabalik sa bahay ko.

Marami na agad ang mga nasa party at iisipin mo talagang time is valuable to them. Hindi muna kami dumiretso sa mga upuan namin, ang ginawa namin ay nakipag-greet sa mga nandoon.

Ilang minuto pa na pakikipag-usap ay natanaw ko si Von na kasama nga ang celebrity. Pansin kong nagbago ang reaksyon niya nung nakita niya akong kasama si Doctor Xandre. So, he finally saw me.

"Good evening, Doctor Xandre," nakipag-greet si Von una sa kaniya at nag-shake hands ang dalawa. Sumunod naman ay sa akin niya ginawa muli ito, "Good evening, Miss Esquivel."

Nag-shake hands kami habang ang kaniyang mata ay mas matalim pa sa karayom, "Soon-to-be Misis."

Humalakhak kaming dalawa ni Doctor Xandre sa sinabi ko. Masaya akong buti na lang ay sumasabay sa akin si Doctor Xandre sa ginagawa ko. Kung hindi, iiyak ako nito.

Matapos naming makipag-greet ni Doctor Xandre ay pumunta na kami sa upuan namin. Unti lang ang kinain ko ngunit mukhang napasobra yata ako sa inom kong alak.

May mga kung anong games pa ang pinaggagawa sa party at mas lalo akong na-bored kaya nakaisip ako ng idea. Alam kong matagal-tagal pa naman ang party kaya nag-explore muna ako.

Malaki ang area sa party at lumabas ako roon. Sinundan ko ang isang lalaki kung saan siya pupunta. Uyy, malay natin na yung itong lalaki pala na ito ang the one ko at hindi si Von at Doctor Xandre!

Mas na-excite ako nung naisip ko yon. Nakita kong pumasok ang lalaki sa isang kuwarto ay sinundan ko rin siya. Habang hindi pa nakasarado ang pinto ay nakapasok na ako roon.

Madilim ang kuwartong pinasukan ng lalaki pero red ang background nito. Naglakad pa ako kaunti at medyo nasisilayan doon na nakita kong naghuhubad siya ng damit niya sa itaas.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na hawakan ang kamay ng lalaki kaya napatigil siya. Kita ko sa body language niya na nagulat siya ngunit hindi ko makita ang mukha niya sa dilim nito.

Hmmm, sino ka kaya mystery guy?

My Gay WorkmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon