Dormitory Series // Tell Me You Want Me
chapter three - first met( back to present )
" subrang rupok mo naman kasi ate. " sabi ni nadia. " hay... basta last na s'ya, hindi na ako babalik sa kaniya. " sabi naman ni jeli. " aba dapat lang ate! " usal naman ni nadia.
___________jeli's pov.
nasa park ako ngayon naka-upo at hinihintay si calleb, it's been two years palagi niya parin akong niloloko, ayoko nang pagbigyan pa syang muli. pagod na ako sa toxic na relasyong 'to. kikitain ko sya para putulin ang relasyon ko sa kaniya at mag-fofocus nalang ako sa pag-aaral ko.
___________" love... kanina ka pa? " tanong ni calleb nang makarating siya sa park. " hindi naman, kakarating ko lang din. " sagot ni jeli habang nakatingin sa baba. " bakit? may problema ba? " tanong ni calleb. " calleb... kasi... " nagdadalawang isip pa si jeli kung sasabihin ba niya o hindi. " 'tsaka... nung anniversary natin, bakit mo pina-postpone? " dagdag pa ni calleb.
" calleb, tapusin na natin 'to. " deretsang sabi ni jeli. " h-ha? bakit? " mangutal ngutal na tanong ni calleb. " please... simula ngayon pinuputol ko na kung anong meron sa pagitan nating dalawa. " sabi ni jelisha. " te-teka? love... bakit naman? may nagawa ba ako? may masama ba akong nasabi? " sunod sunod na tanong ni calleb.
" ayoko nang makinig sa mga eksplenasyon mo, calleb! pagod na ako sa mga kasinungalingan mo! " sabi ni jelisha at unti unti nang tumulo ang luha.
" teka, love... hindi kita maintindihan, ano bang nangyari? " pagtatakang tanong ni calleb. " basta... tapusin nalang natin 'to. " sabi ni jeli pagkatapos ay tumalikod. " love... jeli... " pagpipigil ni calleb ngunit hindi na niya inabutan si jeli nang sumakay ka-agad ito ng taxi.
napahinto nalang si calleb sa gitna ng daan matapos habulin ang sinasakyang taxi ni jelisha.
_____________( makalipas ang dalawang taon )
" jelishaaaa! " tawag ni kie. " bakittt!? " tanong niya habang dala dala ang mga research paper nila. " bilisan niyo na team mo, malapit na si professor! " sabi naman ni kie.
" hala, gagi! "
" bilisan niyo na, on the way na raw si prof! "
" hala, naubos na yung marker! "
" oh, ito ito! "
" bilisan mo! "
" oh, ito nga! ito na nga oh! "" good morning class! " sambit ng professor nang bigla itong pumasok. " dalian niyo dali... " mahinang sabi ni jeli. " teka lang, ito na... " mahinang sagot naman ng kaklase niya. " tapos na. " dagdag pa nito.
" YES! " - jeli
jeli's pov.
" anong kaingayan 'yang d'yan sa likod? " tanong ng professor namin kaya naman napatakip bibig nalang ako. ay, shuta! nandito pa pala si professor, parang tanga lang bi, nakakahiya.
__________( the bell rings )
jeli's pov.
" okay, class dismissed! " sabi ni professor.
" yes! "
" tara, cantee- "" anyway, may bago kayong kaklase bukas. " usal ni professor at umalis na. " hoy, te! ba't ang laki naman ng bunganga mo kanina? " tanong ng marites kong kaklase. " ang saya ko lang kasi, thank you talaga ah! i'm so thankful na naging ka group mates kita, kasi natapos mo i copy yung report natin kanina. " sagot ko naman sa kaklase ko.
" palagi kang welcome sa 'min, leader na ganda lang ang ambag! " pagbibiro niya. " ah... basta, thankiess! " sabi ko. " oh sya, alis na muna ako. " pagpapaalam niya at umalis na.
habang dala dala ko ang paborito kong chocolate ay umupo muna ako sa may ilog ng campus namin. " kakaiba din 'tong campus eh... may apat na parks at may ilog pa, overall talaga. " usal ko sa isipan ko habang kumakain ng syokolate.
" hi... " sabi ng lalake at tumabi sa 'kin. " hello... " tanging nasabi ko. " bakit mag isa ka lang dito? " tanong sa 'kin ng lalake. " wala lang... gusto ko lang mapag-isa. " sagot ko naman at habang nakatingin sa mga alon sa ilog. " hm... madalas kaba dito sa ilog? " tanong n'ya ulit sa 'kin.
" hindi, actually, ngayon lang... andami ko kasing iniisip eh. gusto ko lang mapag-isa, ganon. " sabi ko kaya naman napa-ehem nalang s'ya. " ah... sorry sa disturbo, " sabi naman ng lalake. " ah hindi, okay lang. hindi naman kita pinagbabawalang magpunta dito eh, hindi naman kasi sa 'min 'to. " pagpipigil ko sa lalake dahil aalis na sana ito.
" hay... sya nga pala, kevin. " pagpapakilala niya sa 'kin. " jelisha, jeli nalang for short. " pagpapakilala ko din sa kaniya sabay ngiti. " i think... magkakasundo tayo‚ " sabi niya habang nakatingin sa ilog. " fave mo din ang chocolate? " tanong niya sa 'kin.
" ah... oo, simula nung elementary pa, sinabihan kasi kami ng teacher namin na kapag daw kumakain kay ng peanuts and chocolate may chance pang tumalino ka, ganon. " pagkwekwento ko sa kaniya. " sinabihan din pala kayo niyan? ako kasi hindi naniniwala sa mga ganiyan. " sabi niya sa 'kin. " kung ayaw mong maniwala, naniniwala ako eh, wala kang magagawa dun. " pagbibiro ko at nagtawanan nalang kami.
_______________To be continued...
Originally written by: thepenofljba
୨•୧-ljba's note:
grammatical errors and vulgar words ahead‚ small letters intended‚ work of fiction‚ read at your own risk‚ taglish.d - i - s - c - l - a - i - m - e - r - s :
✍️ : this story is fictitious. names‚ characters‚ events‚ incidents are either from author's imagination‚ or use in fictitious manner. any resemblance of a person‚ dead or alive are purely coincidental.
YOU ARE READING
" Take Me To Your Place " Dormitory Series #5
RomanceDormitory Series // Tell Me You Want Me originally written by: ljba synopsis... ・・・ 🗞️- ang kwento ng isang babaeng tenant na mayroong walking red flag na boyfriend, nahuli ng babae na nakipag-talik ang kaniyang boyfriend sa ibang babae dahilan...