" Tell Me You Want Me " Chapter Five - Dormitory Series #5

1 0 0
                                    

Dormitory Series // Tell Me You Want Me
chapter five— tutor

jeli’s pov.

( bell rings )

“ okay, better luck next time ms. hidalgo, class dismissed. see you around class and good bye! ” pagpapaalam ni professor at umalis na. “ hay... buti nalang talaga. ” mahinang sabi ko habang naglalakad papunta sa upuan ko. “ hoy, ikaw! ” tawag ko kay kevin.

“ hm?... ” tumingin siya sa 'kin at tumango. “ ba't 'di mo 'ko tinulungan kanina? 'lang hiya naman 'to oh, buti nalang nag-ring yung bell. ” sabi ko at tumawag nalang. “ napaka dali nga lang nung sa 'yo eh. ” sabi niya. “ wow ah, ang yabang, bakit kasing talino mo ba ako? ” sabi ko sa kaniya, yabang naman nito.

“ hindi, alam mo kung anong kulang? pag-aaralan mo, para malaman mo kung pano, pag na gets mo 'yon, surething magiging basic nalang din 'yon para sa 'yo. ” sabi niya sa 'kin. “ tara, canteen tayo? ” dagdag pa niya. “ sige, pero pano? kahit anong aral ko di ko parin ma gets yung mathematics. ” sabi ko at sumimangot nalang.

“ gusto mo itutor kita? ” tanong niya sa 'kin kaya napa-wow nalang ako dahil ito ang unang beses na may nag-offer sa akin. “ loh, totoo? ” panigurado ko. “ oo nga, alam ko naman na kaya mo eh... ” sagot niya sa 'kin. “ halaaaa!! really? sigeeee! ” napatalon nalang ako sa tuwa dahil sa wakas magkakaroon na ako ng chance para matutunan yung mathematics namin.

“ thank you, kevin ah! ” pagpapasalamat ko at habang nagtatatalon ako ay aksidente ko syang nayakap. “ ah... sorry, nadala lang ako... thank you talagaaa! ” paghingi ko ng tawad at nagtatatalon parin ako.

“ oh sya, tama na... bili na tayo, libre kita. ” sabi niya sa 'kin kaya naman napa tango nalang ako dahil sino ba namang tatanggi sa libre? so ano? let's go agad! “ thank you dito! ” pagpapasalamat ko at sabay naming kinain ang ice cream na binili namin.
__________

jeli’s pov.

tapos na ang last period namin kaya naman nandito ako ngayon sa may ilog, gustong gusto ko kasi dito kapag gabi eh, walang nag-iingay at mahangin pa kaya nakaka-pag-isip isip din ako.

“ sabi na nga ba eh. ” rinig kong nagsalita sa may likuran ko kaya napatayo ako at lumingon. “ kevin? anong ginagawa mo dito? ” tanong ko kay kevin nang makita kong sya pala 'yon. “ hinahanap ka, sasabayan sana kitang umuwi tapos sabi ni gaile dumeretso ka daw dito. ” sagot niya sa 'kin.

“ eh bakit mo pa ako pinuntahan dito? gabi na ah. ” tanong ko ulit sa kaniya. “ tsk! kaya nga ako nandito eh kasi, gabi na, sa tingin mo hahayaan kitang umuwi mag-isa? ” sagot niya sa 'kin sabay ngiti. “ sira ka ba, kapag may nangyari sa 'kin madadamay ka pa, ikaw, di ka talaga nag-iisip. ” sumbat ko sa kaniya.

“ hmm... basta, kung gusto mong mag stay pa dito? sige, sasamahan kita. ” sabi naman niya. “ matagal pa ako dito. 'wag mo na akong hintayin. ” sabi ko naman sa kaniya. “ nope! baka kasi bukas niyan wala an akong i-tu-tutor. ” pagbibiro niya.

“ ah? jokie hahaha, nakakatawa 'yon? ” usal ko. “ sungit, gusto mo naman. ” pangungulit niya. “ ah talaga? syempre. ” sinabayan ko naman siya dahilan kaya kaming dalawa napatawa.
______________

jeli’s pov.

habang naglalakad kami ni kevin sa may bus station, bigla ko nalang nakita ang ex kong si calleb, hindi ko sya masyadong mafamiliar pero nang lumingon sya ay nakita ko ka-agad na siya 'yon kaya nagpatuloy nalang ako ng lakad kasama si kevin.

“ oh, teka! ba't ka nagmamadali? ” tanong niya sa 'kin “ basta... 'wag kana mag tanong. ” sagot ko naman sa kaniya at tumakbo ng mabilis. nang tumakbo ako ay hinawakan ko ang kamay ni kevin at humarurot na. pagkatapos naming tumakbo ng pagkabilis bilis ay huminto na kami at humihingal malapit sa may park, kaya naisipan namin na magpahinga muna dun.

“ huh huh huh... bakit ka tumakbo?  may utang kabang di nababayaran? ” hinihingal na tanong ni kevin. “ huh... wala 'no! ” sagot ko sa kaniya. “ eh bakit ka nga tumakbo, dinamay mo pa ako. ” pagmamaktol niya. “ eh kasi... nakita ko yung ex ko. ” sabi ko sa kaniya habang hinihingal parin kami. “ ex mo? eh ba't mo tinakbuhan? ” tanong niya ulit sa 'kin.
___________

To be continued...

Originally written by: thepenofljba

୨•୧—ljba’s note:
                  grammatical errors and vulgar words ahead‚ small letters intended‚ work of fiction‚ read at your own risk‚ taglish.

d – i – s – c – l – a – i – m – e – r – s :

✍️ : this story is fictitious. names‚ characters‚ events‚ incidents are either from author’s imagination‚ or use in fictitious manner.  any resemblance of a person‚ dead or alive are purely coincidental.

" Take Me To Your Place " Dormitory Series #5Where stories live. Discover now