Dormitory Series // Tell Me You Want Me
chapter seven — LAROjeli’s pov.
“ hindi kaba sasama sa 'min? ” tanong ni gwen dahil lalabas sana ito para kumain. “ hindi na muna, ” sabi ko. “ loh, anong meron? ” tanong ni kie “ eh... may tutor kasi ako eh... ” sabi ko sa kanila. “ wow! kailan ka pa nagka-tutor sis? ” tanong naman ni fia.
“ wala, ngayon nga una kong tutor eh, ” usal ko. “ talaga? sino naman tutor mo? ” tanong ni ely. “ si kevin. ” sabi ko dahilan kaya gulat na gulat sila. “ wow, gulat na gulat? anong klaseng reaksyon 'yan. ” usal ko. “ si kevin? yung transfer? ” tanong ulit ni ely.
“ oo. ” sagot ko sa kaniya. “ oh my goodness! ” oa naman nitong si fia. “ bakit ganiyan kayo maka-react? ” pagtataka ko. “ wala lang, kaya pala may pa-hatid hatid pa. ” pangungulit ni kie. “ tumigil nga kayo! ” usal ko.
“ yieee, kinikilig... ” pangungulit pa sa 'kin ni gwen. “ hala sige, kulitin niyo ko, ika-cancel ko yung libro. ” pananakot ko sa kanila at tinawanan lang ako. “ ay, joke lang! alam mo namang love na love ka namin dibaaa? ” paglalambing sa 'kin ni kie. “ hay... ewan ko sa inyo. ” napa-buntog hininga na lang ako.
“ oh sige, bye na may orientation na naman kami! ” pagpapaalam ni ely at umalis na. “ hoy, teka! akala ko ba kakain tayo sa labas!? ” tanong ni gwen “ postpone nalang natin, sasusunod nalang kapag free na si jeli. ” pahabol ni ely.
“ hay... ito talagang mga babaeng 'to. ” pagmamaktol ni fia. “ oh sya, mauna na kami, uuwi nalang muna kami ni kie sa dorm. ” sabi ni gwen. “ okay sige, mag-iingat kayo. ” pagpapaalam ko at umalis na sila.
_________calleb’s pov.
“ bakit mo naisipang lumipat ng school, bro? ” tanong sa 'kin ni sky, bagong kaibigan ko nang makalipat na ako ng pag-aaral dito sa DCEU. “ ano... lumipat na kasi kami ng bahay, ta's naisipan ni mom na dito nalang kasi malapit lang sa bahay namin. ” pagkwekwento ko kay sky.
“ ganon ba, bro? eh matanong ko lang, anong sports mo? ” tanong niya sa 'kin. “ badminton, bakit? ” tanong ko kay sky. “ wala, bukas kasi may try-out sa badminton, baka gusto mong sumali? ” tanong ni sky. “ sige ba, ” pagsang-ayon ko.
habang naglalakad kami ni sky hindi ko inaasahang makita ang ex-girlfriend kong si jelisha, napalingon nalang ako nang may nakita ko siyang may kasamang iba. nag-iba naman ang pag-iisip ko at sa tingin ko'y bagong boyfriend niya at 'yon.
“ bro! ” tawag ni sky dahil natulala nalang ako. “ ah, oh bro. ” tanging nasabi ko. “ anong meron? ” tanong niya sa 'kin, “ wala, bro, halikana? ” pag-iiba ko ng usapan sabay tayo at umalis na papuntang building namin.
__________jeli’s pov.
“ oh, ito ganiyan lang 'yan. ” sabi ni kevin sabay ngiti. “ ah... so yung one d'yan... 'yan na yung magiging final answer? ” tanong ko sa kaniya. “ yup! kailangan mo lang i-divide 'yan sa given number. ” sagot niya sa 'kin kaya naman napatango nalang ako, dahil hindi ko inaasahang alam ko na kung paano i-solve yung math namin.
napakadali lang naman pala, tama nga siya kailangan lang talaga ng pagintindi, siguro kung hindi dahil sa kaniya... nganga parin ako sa mathematics ngayon! “ ano? okay na ba? ” tanong niya sa 'kin “ syempre naman, sino ba namang hindi magiging okay kung alam mo na kung pano sagutan yung pinaka-hindi ko kaiintindiha na subject. ” ani ko.
“ walang thank you? ” pagloloko niya. “ sira! limang beses na nga akong nag-thank you eh. ” sagot ko sa kaniya. “ oh siya, halikana? total tapos naman na tayo, ihahatid na kita sa dorm mo. ” sabi niya pagkatapos ay tumayo sabay hawak sa kamay ko. “ okay sige. ” sabi ko at tumango lang.
___________To be continued...
Originally written by: thepenofljba
୨•୧—ljba’s note:
grammatical errors and vulgar words ahead‚ small letters intended‚ work of fiction‚ read at your own risk‚ taglish.d – i – s – c – l – a – i – m – e – r – s :
✍️ : this story is fictitious. names‚ characters‚ events‚ incidents are either from author’s imagination‚ or use in fictitious manner. any resemblance of a person‚ dead or alive are purely coincidental.
YOU ARE READING
" Take Me To Your Place " Dormitory Series #5
RomanceDormitory Series // Tell Me You Want Me originally written by: ljba synopsis... ・・・ 🗞️- ang kwento ng isang babaeng tenant na mayroong walking red flag na boyfriend, nahuli ng babae na nakipag-talik ang kaniyang boyfriend sa ibang babae dahilan...