" Tell Me You Want Me " Chapter Four - Dormitory Series #5

1 0 0
                                    

Dormitory Series // Tell Me You Want Me
chapter four — transfer

jeli’s pov.

“ hay... super thankful ko talaga dahil natapos na namin yung report kahapon‚ ” sabi ko sabay tawa. “ eh kasi naman leader, kung ginawa pa natin 'yon sa mas maaga pa na panahon, hindi sana tayo nag-cramming. ” sabi naman ng kaklase ko.

“ itigil niyo na nga 'yan, ang importante okay na ang lahat, focus nalang ulit tayo sa filming. ” sabi naman ng isa ko pang kaklase “ thank you talaga, gaile haaa! the best ka talaga! ” pamumuri ko sa ka-grupo kong si gaile na siyang tumapos sa report namin kahapon. she's so kind hindi na ako mag-tataka kung bakit ang daming nagkaka-crush sa kaniya eh, ang ganda pa!

“ guys! papunta na si prof! ”
“ hala, teka! ”
“ yung lip tint ko be akin na, baka kunin ni prof! ”
“ ito na, ay kulang pa sa pink! ”
“ akin na nga! ”
“ aray naman, ”
“ ayan na si professor! ”

“ so, good morning class! please settle down. ” sabi ni prof at pumasok na sa room namin. “ so today, i would like to introduce your new classmate, mr. morten! ” pagpapakilala ni sir at pumasok na ang bagong transfer sa loob ng room namin. laking gulat ko nang makita ko sa kevin, ang lalakeng nakilala ko dun sa may ilog.

“ kevin?... ” mahinang sabi ko “ uhm... hi everyone! i’m kevin morten, nineteen, from dwello ville. ” pagpapakilala ni kevin. “ let's welcome, kevin morten! ” sabi ni professor

“ welcome kevin! ”
“ welcome, you're so pogi naman kevin! ”
“ kevin you're so pretty! ”
“ hoy, tanga! lalake 'yan ”
“ tama na kaka-english be ”
“ kahit na, p'wede naman maging pretty ang lalake, shunga! ”
“ welcome, my furniture husband! ”
“ anong furniture, future sis, future! ”

grabe ba, mukhang dito magsisismula pagiging maingay ng room namin ah, parang mga junior high school lang, kulang nalang mag-rabulan sila para kay kevin, mga sira talaga, sabik na sabik 'yan!
___________

jeli’s pov.

“ you can sit next to ms. hidalgo, mr. morten! ” sabi ni professor kaya naman nanlaki nalang ang mata ko sa gulat nang malaman kong umupo siya sa tabi ko, wow ah! anong meron sis? wala sis, okay lang... kahapon pa naman kami nagkakilala eh.

“ sige po, professor, thank you po! ” pagpapasalamat ni kevin kay professor, “ my pleasure! ” sagot naman ni prof. “ hi, i didn't expect na magiging classmate pa kita. ” pagbati niya sa 'kin nang naka-upo na sya sa aking tabing upuan. “ hello! ako nga din eh, wait, akala ko ba you're older than me? why you're here, eh kung ganon dapat hindi tayo same room. ” mahinahong sabi ko dahil nag-ddiscuss na si professor.

“ yes, i told you na i'm older than you, but it doesn't mean magka-iba na tayo ng grade-school, i'm doing this kasi nag re-take ako. ” sabi niya sa 'kin. “ anong ibig mong sabihin? ” tanong ko ulit sa kaniya. “ well, pasado naman ako pero nung elementary ko kasi... nahinto ako sa pag-aaral kasi pumunta kami ng US ni dad, ta's pagbalik ko dito pina-balik ako sa pag-aaral kung saan ako nahinto dati. ” kwento niya sa 'kin. “ ah, talaga? ” napalakas naman ang sabi ko kaya tumahimik agad kaming dalawa.

“ anong kaingayan 'yan!? ” tanong ni professor at tumingin sa 'ming dalawa ni kevin. “ yes, mr. morten and ms. hidalgo? can you solve this given problem? ” sabi naman ni professor kaya naman napatayo nalang kaming dalawa ni kevin at lumakad sa harap habang nakayuko.

“ take this. ” sabi ni prof at binigyan kami parehi ng white board marker. “ gagi, anong answer? ” tanong ko kay kevin. “ i don't know, just solved it. ” tanging sinabi niya at sa tagal kong nag-isip isip hindi ko inakala na tapos na pala siya. “ wow! pano niya na kuha yung sagot? grabe ah. sana talaga tumahimik nalang ako kanina eh.

“ tapos kana? ” tanong ko sa kaniya. “ uh-huh, kaya mo yan, fighting! ” —kevin “ sira talaga 'tong lalakeng 'to 'di man lang ako tinulungan, hindi gentlemen. ” sumbat ko sa isipan ko habang nakasimangot. “ ano na ms. hidalgo? may hihintayin pa ba kam- ” hindi na natuloy ni professor ang sinabi niya nang bigla nalang tumunog ang bell, kaya naman YES! i survived!.
__________

To be continued...

Originally written by: thepenofljba

୨•୧—ljba’s note:
                  grammatical errors and vulgar words ahead‚ small letters intended‚ work of fiction‚ read at your own risk‚ taglish.

d – i – s – c – l – a – i – m – e – r – s :

✍️ : this story is fictitious. names‚ characters‚ events‚ incidents are either from author’s imagination‚ or use in fictitious manner.  any resemblance of a person‚ dead or alive are purely coincidental.

" Take Me To Your Place " Dormitory Series #5Where stories live. Discover now