" Tell Me You Want Me " Chapter Six - Dormitory Series #5

1 0 0
                                    

Dormitory Series // Tell Me You Want Me
chapter six - over reacting

jeli's pov.

" kulit mo talaga 'no? eh pano ba naman kasi apat na beses na akong niloko. " sabi ko dahilan kaya ba't siya natahimik. " apat? apat na beses? wow ah, anong klaseng kwento 'yan? " tanong niya habang tumatawa. " sa tingin mo gumawa ako ng kwento? " tanong ko sa kaniya sa seryosong pananalita. " wow, relax, seryoso mo naman. " sabi niya at inilipat ang tingin sa mga ulap.

" eh ikaw naman kasi! tinatanong mo, ta's nung sinagot ko ayaw mong maniwala. " sabi ko habang nakasimangot. " eh sino ba naman kasing maniniwala sa apat na beses na niloko? diba? what a nonsense!? " sabi niya.

" anong klase ka bang girlfriend at niloko ka ng apat na beses? " dagdag pa niya. " ewan ko, mabait, understanding, at magandang girlfriend naman ako eh... hindi ko nga alam kung pano niya nagagawa sa 'kin 'yon. " sabi ko sa kaniya.

" isa lang ibig sabihin nun, ibig sabihin nun hindi ka nya deserve, you deserve much better. hindi mo dapat sinasayang ang ganda mo at hayaan siyang abusuhin ang kabaitan mo. " sabi niya sa 'kin. " kaya nga eh, mas nagkaroon ng peace yung buhay ko nung hiniwalayan ko na siya. " sabi ko sa kaniya.

" dapat alam mo yung worth mo, don't let anybody hurts your feelings. " sabi niya sa 'kin kaya naman napaluha nalang ako. " wait, are you crying? hoy! sinasabihan lang kita, hindi kita inaaway ah! " sabi naman niya sa 'kin habang gulat na gulat at nagtataka. " nakaka-touch kasi... " sabi ko habang umiiyak, kaya napa yakap nalang ako sa kaniya. " hoy! tama na, oa mo naman, oa mo na. " sabi niya sa 'kin.

" edi 'wag! nag-eemote yung tao eh. pero thank you ah! " sabi ko sa kaniya. " for what? " tanong niya sa 'kin. " for everything, for always being here for me... kahit kanina lang kita nakilala, isipin mo naging close agad tayo. " sabi ko sa kaniya at nagpasalamat na din.
_____________

jeli's pov.

" thank you sa pag-hatid, kevin ah! " pagpapasalamat ko sa kaniya ng makarating na ako sa dormitory. " my pleasure! mag-iingat ka. " sabi niya pagkatapos ay tinapik ako sa balikat. " ikaw ang mas dapat mag-ingat, bye na! " pagpapaalam ko.

" sige... bye! bukas ulit. " pagpapaalam niya ngunit nakatayo parin siya sa harap ko. " hm... bakit, may kailangan ka pa? " tanong ko sa kaniya. " good night! " sabi niya at tumakbo na ng mabilis.

" loh, ano raw? ' good night ' cute niya. " sabi ko sa aking isipan. hay... kung ano ano nalang iniisip ko. maya-maya naman ay pumasok na ako sa loob. " oy! kinsa man 'to? " tanong ni ely sa 'kin. " wala, baging kaklase namin. " sabi ko.

" bagong kaklase? bakit may pa hatid hatid effects? " tanong naman ni gwen. " kayo! deretsohin niyo na nga lang ako, mga sira talaga. " sabi ko sa kanila. " wow... yabang ah, ano yung good night? hm... ikaw ha! " usal naman ni kie.

" ano ba kayo, friends lang kami nun. kung ano ano na naman yang pinag-iisip niyo. " sabi ko sa kanila. " baka para sa 'yo friends, pero para sa kaniya more than friends! " usal naman ni fia at sabay sabay kaming nagtawanan.

" grabe ka ha! " sabi ko sapay hampas sa kanila ng unan. " ay, ikaw nagsimula nun! " sabi naman ni kie sabay hampas ng unan sa 'kin.

" ba't niyo ko sinasali! "
" mga sira! "
" aray! oh hetong sa 'yo! "
" ayieeek, kinilig siyaaa! "
" 'wag kang umilag! "
" tama naaa! "
" tama mo mukha mo, ikaw nagsimula! "
" ito pa oh! "
" ahhhhhhhhhg!! "

" anong kaguluhan 'to? " tanong ni ate andeng, landlady namin. " ah... wala po ate, nagkukulitan lang po. " sabi naman ni ely sabay pa-cute. " ang ingay niyo. " dagdag pa ni ate andeng at umalis na sabay sara ng pinto.

" aray! " mga tsngina talaga 'ting babaeng 'to, sabing itigil na, hinagis pa talaga sa magandang pagmumukha ko. kaya naman ginantihan ko ito.

" ouch! " -kie
" oa ha! " -gwen
___________

To be continued...

Originally written by: thepenofljba

୨•୧-ljba's note:
grammatical errors and vulgar words ahead‚ small letters intended‚ work of fiction‚ read at your own risk‚ taglish.

d - i - s - c - l - a - i - m - e - r - s :

✍️ : this story is fictitious. names‚ characters‚ events‚ incidents are either from author's imagination‚ or use in fictitious manner. any resemblance of a person‚ dead or alive are purely coincidental.

" Take Me To Your Place " Dormitory Series #5Where stories live. Discover now