21

945 100 91
                                    

Alice's Pov

Kahit na anong tanggi ko sa katotohanan ay walang mag babago, alam ko sa sarili ko na sa bawat pag daan ng oras at araw ay humihina na ako.

Sa paraang hindi kona kinakaya ang pisikal na sakit pagkat sumasabay ang aking emosyon.

Sa pag kakataong ito, wala akong ibang masisi kundi ang sarili ko, napaka daming tanong, napaka daming pag kukulang, at napaka laki ng aking pag sisisi.

(flashback)

Sobrang dilim, ang katahimikan ay sadyang nakaka bingi, ngunit sa kabila ng tahimik na kapaligiran ay sya ring pag usbong ng nakakatakot na pakiramdam.

Paunti-unti ay lumalakas ang mga salitang hindi naririnig ng kung sino man. Tanging nag lalaro ito sa aking isipan

"Ano pa bang balak mo sa buhay mo? tapusin mo na yan!"

Mabilis kong niyakap ang aking binti habang naka suksok sa dulong pader ng basement

"Mamatay karin sa kamay ng iyong ina."

Kusang tinakpan ng aking kamay ang dalawa kong tenga at umaasang mawawala ang mga boses.

"Hindi ka magiging sapat sa mundong ito!"

"Aaaarrghhhh!"

sigaw ko at pinalo ko ang tenga gamit ang mga kamay na naka takip dito. Wala akong ibang ginawa kundi ang saktan ang sarili upang mawala ang mga boses na umiikot sa aking utak.

"Arrrghhhh tama na! tama na! arrghhh!" sigaw ko habang sinasabunutan ang aking sarili.

Kusang nahiga ang aking katawan ay dinampot ko ang bubog sa sahig. Parang isang baliw na tao. Walang pake sa lalim at sakit na nararamdaman dulot ng pag hiwa sa aking mga balat. Sa braso, Sa aking hita, At sa aking mga kamay.

"Ayoko na! ayoko na! ayoko na! arrrghhhh!" sigaw ko hanggang sa kusang tumahimik ang kapaligiran.

Ang mga boses na aking naririnig ay tila isang bula ng itoy mawala.

Sa pag agos ng aking luha ay kasabay nito ang dugong lumalabas sa aking mga sugat.

Sugat na kung saan ay naka hanap ako ng kapayapaan.

(end of flashback)

Sa pag daloy ng mga alaala ay kasabay ng aking panghihina.

Dumating ang isang doctor kaya naman mabilis kong tinuyo ang aking mga luha.

Tinurukan nila ako ng gamot at binigyan ng panibagong IV fluid.

Abala ang lahat ngunit sa puntong ito ay wala akong alam sa lahat ng nangyari sa akin.

Kaya naman ay sinubukan kong ipatawag si Danica ngunit nasa meeting room daw ang dalaga.

lumipas ang ilang oras at may pumasok na isang doctor upang pakainin ako.

ngunit laking gulat ko ng makita ang ityura ng babaeng doctor. si Risa.

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko ngunit hindi sya nag salita at sinenyasan akong tumahimik.

Inangat nya ang uluhang banda ng aking hinihigaan at ng maayos nya ang lahat ay paunti-unti unti nya akong sinusubuan.

Kusang bumigat ang puso ko ng makita ang matamlay na mata ni Risa. Dama ako ang pagod na nararamdaman nya kaya naman ay inabot ko ang kanyang kamay at mariing pinisil ito.

Mabilis na nag tagpo ang mga mata namin at nakita ko kung paano manubig ang kanyang mga mata.

Sa sandaling katahimikan na iyon ay kahit papa ano ay naibsang ang sakit na aming nadarama.

ILLICIT AFFAIR Where stories live. Discover now