31

1K 82 42
                                    

Risa's Pov:

Sa aking pag lapag sa pinas ay kaagad akong sinundo ng maraming body guard ni Danica.

Sinubukan kong alamin kung bakit ngunit hindi nag bigay ng kahit na impormasyon ang mga ito sa akin.

"Ms.Risa, you have to stay here for awhile."

"Bakit dito? diba dapat sa condo unit ako ni Danica?" Agad silang napayuko at hirap na hirap silang mag salita.

"Our number one priority right now was your safety. we cannot disclose any details as of now." 

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngunit wala akong magawa kundi ang sumunod sa mga pinag uutos nila.

Lumipas ang dalawang araw at dumating sa villa si Danica kung saan ako na nanatili.

Nakita ko ang kanyang hirap na pag lalakad at halatang may iniindang sakit ngunit pilit rin niya itong pinapasa walang bahala.

"Anong nangyare sayo?"

"Wag mo nang pansinin natisod lang ako"

"Gaga natisod ka pero sa tagiliran ang hawak."

"Eh sa masakit balakang ko eh, sige na mag eensayo kapa." aniya ngunit hindi ako gumalaw.

"Umamin ka nga sakin? ano ba talaga ang nagyayare? bakit hindi ako sa condo unit dinala tas andami pang mga body guard ano toh?" tanong ko at napa buntong hininga naman siya.

"We have to relocate you for your safety, I even moved Alice to Italy dahil ang pamilya niya tinutugis siya matapos nitong malaman na hindi talaga namatay si Alice."

"Paano nila nalaman na buhay pa si Alice?"

"May naka pasok na spy cam sa PGB, at nalaman nila kung saan tinatago si Alice."

"Paano ang magiging plano mo diyan?"

"Huwag mo ng alalahanin ang plano ko, ang kailangan mong gawin ngayon ay mag ensayo dahil sa susunod na buwan ay ipapadala na kita sa Italy."

Naging abala ako sa pag eensayo at tinuon ang buong atensyon duon, sa kabilang banda naman ay hindi ko maiwasang isipin lahat ng sakripisyo ni Danica para sa amin ni Alice.

Alam kong kahit na nahihirapan na siya ay patuloy padin siyang gumagawa ng paraan upang maging ligtas kami pareho ni Alice.






Danica's POV

kakaibang tensyon ang bumabalot sa akin at sa taong kaharap ko ngayon.

Ang kaniyang mukha na puro pasa at ang damit niyang nababalot ng dugo, pati narin ang kamay niyang duguan at nanginginig.

Nakaupo ako ngayon sa aking swivel chair habang nasa harapan ko naman ang isang taong hindi ko inakalang hihingi ng tulong sa akin.

Seimen leal Guo

"What are you doing here?" Tanong ko at nakita ko ang pag luhod ng lalaki sa aking harapan.

"Use me, I want to see the downfall of my mother, I can also give you all the information you needed, just please use me. I want to be free from her wrath." tila pigil na pigil itong lumuha.

"I'm not a good person Sir, I kill people and torture them. And your mother is not an exception." I said to warn him

"And I'm willing to help you kill a monster. I cannot atone her anymore." and suddenly his tears burst.

"I've been dealing with a monster and I can't take it anymore. Alice and I just wanted to live a normal life, and it hurts me to think that I can't even protect her."

sa kaniyang pag iyak ay hindi ko magawang ilabas ang aking luha pagkat may parte sa akin na huwag siyang pakitaan ng kahinaan.

Agad ko siyang pinaasikaso sa aking tauhan.

Aking pinakain at dinamitan, binigyan ng matutuluyan at pinadalhan ko narin ng psychiatrist. Ayukong gamitin siya habang hindi maayos ang takbo ng utak niya. Pagkat sa sitwasyon niya ngayon ay maaring gumawa siya ng
pabigla-biglang desisyon.






Alice's Pov:

Kakatapos ko lamang uminom ng aking gamot at pumasok si David sa aking silid upang ibigay ang isang envelope, kasalukuyan kaming nasa italya pagkat nalaman kong nakapasok ng Belgium ang tauhan ng aking ina-inahan.

"Ate, yung kapatid mong si Seimen Guo ay lumapit kay ate Dani." kinabahan naman ako

"B-bakit daw?"

"Humingi siya ng tulong kay ate."

"Pwedi kobang makausap si Danica ngayon?"

agad naman ibinigay ni David ang kaniyang telepono kaya naman agad kong tinawagan ang numero ni Danica at ilang sigundo lamang at sumagot na ito.

"Hello." anito at halata sa boses nito ang pagod.

"Ako toh si Alice, Kamusta ka?"

"I'm okay po, bat ka tumawag? baka mag selos ang fiance mo patayin ako nun, marunong pa naman na siyang umasinta gamit ang baril."  natawa naman ako.

"Baliw, gusto kolang sana itanong kung anong nangyare kay kuya Seimen?"

"Ahhh, he was under my custody right now. Based on the reports ginamit ng nanay niya ang katawan nito para kumita."

Agad akong nalungkot sa sinapit ng aking kapatid.

"Sana okay lang siya." sabi ko

"Don't worry I'll make sure his safe." sa sinabing ito ni Danica ay agad na napanatag ang puso ko.

naging abala ako sa mga nag daang araw at muli kong inipon ang lakas ko.

Ako ngayon ay nasa loob ng unit sa Italy at naka rinig ako ng malakas ng pag putok ng baril, naging alerto ang lahat ng tauhan na meron ako at nagulat na lamang ako nang bumukas ang pinto, pumasok si David at mabilis akong inabutan ng baril.

"Ate nakapasok na sa italya ang mga tauhan ng nanay mo, kailangan na natin umalis dito!" naging alerto ang lahat at pati narin ako ay kumasa ng aking baril at pinaputukan ang lalaking sumubok na lumapit sa akin.

Mabilis ang aming kilos ngunit sa aming pag takbo ay nalalagasan kami ng tauhan.

Hinila na ako ni David ngunit bumagsak na lamang siya sa sahig.

"David!" sigaw ko ngunit nasa sahig na sya.

"A-ate takbo, ka-kaya ko na ito!" aniya kaya naman kahit na ayaw ko siyang iwan ay tumakbo parin ako lumusot ako sa mga iskinita at natatanaw ko ang pag habol sa akin ng mga tauhan ni asawa ni papa.

Nakita ko ang pag subok nilang barilin ako ngunit naka ligtas ako ng mag tago ako sa pader  ngunit hindi ko inasahan na sa pag lingon ko ay nanduon na ang isa sa tauhan ng ina-inahan ko.

Hindi na ako nakapag pumiglas ng takpan nila ang mukha ko ng panyo na puno ng chloroform at nawalan na ako ng malay.

















A/N: malapit ng matapos ito, malapit narin matapos ang buhay ni ano



Anyway please vote and share your thoughts

ILLICIT AFFAIR Where stories live. Discover now