MPG Chapter 2: I Really Missed You!

338 20 2
                                    

[| Chloe's POV |]

" What are you doing here Ms. Probinsyang Nerd?" Sabi niya na ikinakulo kagad ng dugo ko!
***

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Dali dali akong bumangon mula sa pagkakatumba ko! Hindi ako makapagsalita at
Nakatitig lang sa kanya.

Ang gwapo pala nya talaga lalo na kapag nakangiti! Teka teka nga! Hindi pwede to! Hindi siya gwapo chloe ok?
Mula sa mala anghel na mukha niyan e nagkukubli ang isang demonyong pag uugali niya!

Kaya di siya gwapo pangit siya PANGIT!

" Anong ginagawa mo dito huhh! " mataray kong sabi sa kanya ng maka recover na ako
" Woah miss! Chill! You don't need to shout! Nakakahiya sa ibang estudyante oh! " sabi nung isa ding poging kasama niya
Pero siguro kagaya din niya ito na demonyo, pare parehas silang mapuputi, matatangos ang ilong, at ang kikinis ng mukha nagkakaiba nga lang sila sa mga kulay ng mata

Narinig kong nagsimula ng magbulong bulongan ang ibang estudyante yung bulong nila e hindi talaga bulong e kasi rinig
Ko din hiyang hiya naman ako sa kanila

" Who's that nerd? Is she a new student? For sure scholar yan dito cuz wala sa itsura niya ang pagiging mayaman"

Bulong daw nung babalung nahiya ang pulbos sa kaputian, hiyang hiya din ako sa kanya for sure madami ng napatay yan
Halata naman sa tabas ng baba niya

" Ang lakas naman ng loob ng pangit na yan na sigawan ang baby Dustin ko!"

Bulong din nung matabang mukha pang tao ang palaka! At anong sabi niya? Pangit? Sige mamaya kang babae kang unang umusbong ang bilbil kesa sa hinaharap.. Pasalamat siya may kaaway pa ako dito dahil pag wala kinikilo na yan sa palengke ngayon

" Wala akong pake! At ikaw! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo? " sabi ko sabay duro ng daliri ko sa poging...
Este sa demonyong Dustin na yon
" Ikaw nga tong kung saan saan nakitingin e! Bakit namamangha ka nanaman ba? " sabi nito sa medyo nakakalokong tono na
Ngingiti ngiti pa

Waaaaaah! Bakit niya alam? Masakit man aminin pero totoo! Hindi ako kaagad nakapagsalita sa sinabi niya, pero akmang sasagot na ako ng umepal yung isa pa niyang kasama

" Alam mo pre, we better go, wala kang mapapala kung papatulan mo siya" sabi nung isa na gwapo at medyo brown ang buhok
Matangos ang ilong at mapula din ang mga labi na maninipis, Medyo seryoso nga lang ito.

Tinignan lamang ako ni Dustin mula ulo hanggang paa sabay nag smirk pa! Teka namboboso ba to? Aba mang mamanyak pa tong lokong to hah!

Agad kong pinulupot ang mga kamay ko sa dibdib ko! Kasabay nito ang pag halakhak ni Dustin ng napakalakas

" Ahahahahahahahahaha! Dont worry miss, hindi kita binobosohan! Sa tingin mo sa suot mong yan may makikita pa sayo?
Kulang nalang yata e pati banig ibalot mo sa sarili mo para magmukha ka ng suman" sabi nito sa humahalakhak na tono

" You're not my type, wag kang feeling " sabi niya sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko, napaatras naman ako kaagad
Kasabay nito ang tuluyan na niyang pag alis

Aba bastos talaga hindi na ako pinagsalita! Bakit natatakot siya! Pwe siya! Bago pa ito tuluyang makalayo ay sumigaw at humirit
Pa ang gago

" See you soon Miss PN " sabi niya kasabay nito ang pagbato ko ng libro sa kanya dahil sa pang iinsultong ginawa niya

At ayun sapul siya sa ulo, agad siyang napaupo sabay hawak sa ulo ng kamay niya, natawa nalamang ako sa nangyari
At napansin ko din ang ibang estudyante na nabigla sa ginawa ko. Kala mo huhh!

My Probinsyana GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon