MPG Chapter 4: First Day Of School

208 18 7
                                    

[| Third Person's POV |]

" Dustin! Kamusta? " tawag ni mark sabay tapik at akbay kay Dustin

Tiningnan at nginitian laman siya nito..

" Mukhang masaya yata araw mo ngayon huhh! " pag pupuna naman ni Mark sa mga ngiti niya
" Bakit may nakilala ka bang bagong Chix! " dagdag pa nito
" Wala" mahinahon niyang sagot sa medyo masayang tono kasabay naman nito ang paglagay niya ng yelp sa alak na
Iniinom niya
" E bakit mukhang masayang masaya ka! Kwento mo naman! " pagpipilit naman ni Mark
" Wala nga! " mahinahon paring sagot ni Dustin sa kanya kasabay nito ang pagtungga niya ng alak

Hindi na muling pinilit ni Mark si Dustin at iniba nalamang niya ang usapan

" Nga pala, where's Lucas and Tristan? Mukhang hindi mo yata sila kasama ngayon" pansin naman ni Mark na wala ang dalawa
" Mga busy yung dalawang yun!" pagsisisnungaling ni Dustin kasi ang totoo hindi naman niya talaga alam

" Si Ken may balita na ba kayo? " biglang singit ni Mark na agad na ikinawala ng mga ngiti ni Dustin
" You know what, sa tuwing binabanggit mo ang pangalan niya, lagi kong naaalala yung kawalang hiyaang ginawa niya sa
Pamilya namin, kasi kung hindi dahil sa Kanya sana kasama namin si Dad ngayon, sana hindi siya nagdurusa sa Hospital"
Pagdradrama naman ni Dustin
" Ok! Ok! Sorry, Naiintindihan ko naman kung bakit siya nagkaganon e, nasaktan lang kasi siya Dust, kaya marahil
Nagawa niya ang ganong bagay" -Mark

Hindi nalamang muli nagsalita si Dustin at patuloy na siyang uminom ng Alak ...

[| Chloe's POV |]

" Chloeeeeeee! Malelelate na tayooooooo! " sigaw ng malaking bunganga ni Stef mula sa labas ng bahay nila

E pano naman kasi hinanap ko pa salamin ko diba? Medyo malabo pa naman paningin ko! Tsaka O.A niya anong
Oras palang oh! 6:00 am e 7:30 pa start ng klase namin, wag nga ako xD

" Andyaaaaaaaan Naaaaaa! " sigaw ko din habang patakbo akong lumabas ng bahay nila
" Sakay na! " sabi niya habang nakahawak siya sa pintuan ng kotse

Nag aalangan nanaman tuloy ako sumakay kasi naman, ewww, nasususka ako!

" Hurry! " pagrereklamo niya

Agad naman na akong sumampa ng kotse at sumakay na nagdala nalang ako ng panyo para pantakip sa ilong ko!

May gaaad! Hanggang ngayon talaga diko keri suotin yung uniform nila, siya suot na niya at syempre ako hindi pa no!
Yoko nga!

Feel ko talaga kaladkarin na ako pag sinuot ko yun xD

Haaaaaaaay! Papunta palang kami sa School naalala ko nanaman yung nangyari samin ni Dustin....

****

Natulala nalamang ako at tila nanigas ang buo kong katawan mula ng mag Ki-eww-ss-yucks kami ni Dustin
Hanggang sa makita ko nalamang na tinataas baba nito ang kilay niya na parang nagsasabing gustong gusto ko
Ang nangyari

Syempre agad akong tumayo at yumuko sa sobrang hiya ko,

" First kiss mo? " tanong agad niya habang nakaupo sa lapag na ikinamula kaagad ng mukha ko

Hindi ako agad nakasagot dahil sa sobrang kahihiyan jusko, ano nalang kaya iniisip sakin ng mga tao! Na malandi ako
Na hindi ako naturuan ng magandang asal ng mga magulang ko T.T

Sa sobrang hiya ko napatakbo nalamang ako papalayo habang nakatakip ang mukha, siguro kahit anong oras pwede
Ng tumulo luha ko, nakita ko pa mukha nung ungas na yun! Nakangisi pa halatang madami ng babaeng nahalikan
At isa ako sa mga naging biktima niya T.T

My Probinsyana GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon