MPG Chapter 12:

165 5 9
                                        

[| Anna's POV |]

" Mauna na ako " pag papaalam ko kay Richard, ang yumao kong asawa

Agad akong tumungo sa sasakyan ko at dali dali pinaandar ito. Tumingin ako sa orasan ko, 8 na pala ng gabi

Nabalitaan ko na din ang tungkol sa trabaho ni Chloe, masaya ako dahil lumaki at pinalaki siyang ganyan. Isang batang may paninindigan at kahit papaano ay kayang tumayo sa kanyang sariling mga paa.

I hope na sana maging ganyan din si Stef.

Ilang minuto din ang lumipas ng aking pagmamaneho ng may matanaw ako isang pagewang gewang na sasakyan sa di kalayuan, kaya't mas minabuti kong bagalan ang pagmamaneho ko upang makaiwas sa posibleng mangyaring aksidente.

Hindi din nagtagal ay umayos ang pagmamaneho nito ngunit isang habang papalapit ako dito ay muli nanamang hindi umaayos ang takbo nito. Lasing siguro ang nagmamaneho.

Hindi na dapat ito nagmamaneho kung alam niyang di niya kaya.

Iniikot ko ang sasakyan ko upang bumalik ngunit. Bago ko tuluyang maiikot ang sasakyan isang malakas na kung ano ang bumangga sa sasakyan ko dahilan kung bakit ako nauntog at napasigaw ng malakas

" Aaaaaah" sigaw ko bago ako tuluyang mawalan ng malay

[| Chloe's POV |]

Pshh! Bwiset talaga tong Dustin nato kahit kelan nalang talaga! Papapiliin pako siya rin pala magdedesisyon!

*** FLASHBACK ***

" Mamili ka! " galit na sabi ni Dustin
" Yang gagong yan, o ako, ang trabaho't sweldo mo? " dagdag pa nito sa galit at seryosong tono.

Mga ilang minuto na din ang lumipas at hindi pa ako nagsasalita, pano naman kasi ang hirap mamili diba? Gusto ko kay kevin pero paano na ang trabaho't sweldo ko?

Ilang minuto padin ng buo na ang desisyon ko bahala na! Tumingin ako kay dustin *Puppy Eyes*

" Sorry pe-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla nalamang ako nitong hilain
" Hindi pwede! Sa akin ka sasama! " sabi niya habang hila hila niya ako.

Wala na akong nagawa kundi magpatangay nalamang. Tumingin naman ako kay Kevin bago pa kami tuluyang makalayo. Ngumiti lamang sakin ito at tila ba mababasa mo sa mga mata nito na ayos lang.

*** END OF FLASHBACK ***

Diba? Papapiliin ka pero sa huli siya din pala masusunod! Pshh! Para san pa yung binigay niyang pagkakataon pumili!

" Babe? May iniisip ka ba? " pagbasag ni Mokong sa katahimikang bumabalot saming dalawa dito sa loob pshh! Babe? Ewww!
" Meron!" mataray kong sabi sa kanya
" Meron ka nanaman ba? Bakit lagi kang masungit? " muli nitong pang aasar
" Naiirita kasi ako sa tuwing nakikita kita! Manahimik ka na nga lang, hindi ako makapag concentrate sayo! " muli kong pagtataray

" Ano ba kasi yang iniisp mo? "

" Gusto mong malaman? "

Bigla naman napalitan ang pagmumukha nito ng pagtataka

" Iniisip ko kasi.., " pag uumpisa ko kasabay nun ang unti unti kong paglapit sa kanya " Kung paano ka PAPATAYIN! " sigaw ko sabay sakal sa kanya dahil nanaman ng pag init ng ulo niya.

My Probinsyana GirlfriendMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon