MPG Chapter 13:

233 11 2
                                    

[| Laureen POV |]

" Then investigate her. Ayokong may humahadlang sa daraanan ng anak ko. Alamin mo kung ano ang ikinabubuhay ng pamilya niya at kung saang eskwelahan siya nag aaral " seryoso kong sabi sa private assistant ko na si John

" Yes Ma'am, may mga ilan lamang akong nalakap tungkol sa kanya " sagot nito

Tumingin naman ako dito ng seryoso at  naghihintay pa ng mga susunod nitong sasabihin

" Siya po ay nag aaral sa mismong eskwelahan niyo Ma'am " pagpapatuloy nito

Ilang minuto din akong tumahimik sa balita niyang iyon. Nag aaral ang batang iyon sa mismong eskwelahan kung gayun ay may kaya ito ngunit hindi sapat sa akin yun

" Ipagpatuloy mo ang pag iimbestiga sakanya " pagtatapos ko at tuluyan na itong lumabas sa opisina ko

Bilang ina, ayokong may humadlang o pwedeng makasira sa pangalan ng mga Costales. Lahat ng pwedeng humarang ay kailangan tanggalin.

Si Dustin lang naman ang tanging anak ko na mag mamana lahat ng Ari ariang naipundar namin ng kanyang ama, at ayokong mawala lamang iyon dahil sa mga basurang pumapaligid sa kanya kung meron man.....

[| Alex's POV |]

Bwiset talaga yang Chloe na yan kahit kelan!!! Ng dahil sa kanya parang hangin nalang ako kay Dustin Grr!!

" Hello? " bungad ko buhay ng sagutin na ng plastick kong kaibigan ang telepono. Yes, She's plastic dahil alam naman nating lahat na wala ng natitirang totoo at tunay dito sa mundo. That's why, lahat ng kaibigan ko or should i say Bitch Friend ko e plinaplastic ko lang.

" Why? " sagot niya
" You know what to do, nakaready na ba lahat ng plano? " tanong ko
" Of Course yes, ako pa ba? Pag dating sa kamalditahan sisiguraduhin kong hindi ito papalpak " sabi niya na halatang nakangiti ito sa tono ng pananalita niya

" Good! Siguraduhin mo lang "

" I'm 100% sure na gagana ang plano nating yun "

" Okay, so see you in school nalang "

Pagtatapos ko sabay baba na ng phone. Tinignan ko ang orasan ko pshh!! Masyado pang maaga para sa recess.

Kahit medyo tinatamad pa ako ay naligo't nag ayos na ako ng sarili ko. I can't wait to see her na halos lamunin ng lupa sa kahihiyan.

Hindi pa nangyayari e nakikita ko na ang mangyayari mamaya. Para nadin akong baliw na tumatawa mag isa. Ngayon ipapakilala ko sa kanya kung sino ang kinakabangga niya.

*** SCHOOL ***

" Ngayon ko lang nalaman na bago na pala ang oras ng pasok ngayon " bati sakin ni isa sa mga bitchfriend ko buhat ng magkita na kaming tatlo dito sa Cafeteria.

" Tss! Sinasadya ko lang pumasok ng gantong oras dahil wala ako sa mood mag aral ngayon " sabi ko sa kanya sa medyo malditang tono

" As always! "

" Shut Up! " sabi ko naman dito " By the way, ayos na ba ang plano? Set na ba lahat? " dagdag ko pa
" Yes Ma'am, at ang gagawin mo nalang ngayon ay mag hintay na dumating siya" napangiti naman ako sa sinabi niyang yun

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Probinsyana GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon