"PANAHON"
Bakit kaya ka'y bilis lumipas ng panahon
Hindi natin namamalayang nag daan na ang kahapon
Lahat ng mga naganap at dinanas natin ay nag mistulang memorya na lamang
Mga memoryang imposibleng makalimutan kahit panandalian langPagkabata nati'y nawala ng ka'y bilis
Para bang pinadama lamang sa 'tin ang tikim ng buhay ng walang hinagpis
Pagkakataon na inialay sa 'tin upang magsaya at mag libang
Ito'y sapagkat ang hinaharap na 'di makatarungan ay nag-aabangNang tumanda'y napagtanto natin na ang buhay ay mabilis
Malimit na ang panahon na nagagawa pa nating bumungisngis
Ngunit sa kabila nito'y nararanasan pa rin naman natin ang ngumiti
Mayroon pa ring mga pagkakataon na nagagawa nating maramdaman at maranasan ang mga bagay na nagawa natin noon, na para bang tayo'y nakauwiSa huli, yung panahon ng pagkabata natin nanatili pa rin sa kabila ng mga pagbabago
Sa pagtanda, hindi naman tuluyang nawala yung panahong tumawa, umiyak at nalungkot tayo
Dahil sa mga pagsubok hindi naging kasing saya ng pagkabata natin ang ating pagtanda
Ngunit hindi natin maaalis ang katotohanang natamasa natin sa pagiging matanda yung mga bagay na hindi natin kailanman matatamasa sa pagiging bata
