"ITATAGO"
Hindi ko kailan man naisip na mapupusuan kita
Kung bakit ba naman kase nabuhay ka pa, sarap mong itapon sa ibang planeta
Ang lakas ng dating mo at may pagkamisteryoso kang tao
Dahilan para mahulog ako ng malalim sa'yoTanda ko pa yung panahong sinabi mong handa kang makinig sa mga hinaing ko
Di ko na isasaad pa kung ano mismo ang sinabi mo, english kase baka manose bleed ako
Napunta ako sa puntong kahit hindi naman importante, nag papadala parin ako sa'yo ng mensahe
Worth it naman pagiging epal ko, aba napansin mo ata koPero sa kabila ng lahat ng ito, wala kong balak umamin sa'yo
Ayoko na ulit sumugal, natrauma na'ko sa huling pangyayari doon sa naunang pumasok sa puso ko
Oo, gagawin ko ang lahat mapansin mo lang at mabigyan mo lang ako ng kaunting sulyap
Ngunit hanggat maaari hindi ako aamin, ITATAGO ko ito hanggang dulo, bahala ka ng mag hagilap
