#04

2 1 0
                                    

"KAKATWA"

May isang babaeng 'di malaman ang katauhan
Babaeng kilala ng nakararami ngunit ito' y base lamang sa kaniyang pangalan
Akala nila'y lubos na nila itong kilala, dahil lamang sa maliit na oras na kanila itong nakakasama
Saad nila'y, "Ah siya ba? Magiliw na tao yan", kadalasang paglalarawan sa kaniya ng mga taong kulang sa nalalaman

Iba't-ibang pagpapakahulugan at paglalarawan ang ibinibigay sa kaniya
May nag sasabi na siya ay mabait, saad naman ng iba ay masungit, depende sa unang impresyon nila
Pagdating sa larangan ng pag-aaral ay iniisip ng iba na siya ay matalino
Pamilya, kaibigan, at ilang guro niya'y nagnanais na marinig kung ano nga ba ang kinabukasan niyang pagpapalano

Ngunit hindi sapat ang unang impresyon at mga maliliit na impormasyon
Maging ang maikling panahon, upang makabuo ng isang linya ng koneksyon
May mga bagay pa rin tungkol sa kaniya na 'di nalalaman ng iba
'Di naman ito mga bagay na makakapag-palaki ng kanilang mga mata, kundi mga bagay na makakatulong sa kanila upang makilala pa siya

Mabait siya oo
Ngunit ang ugaling ito'y para lamang sa mga piling tao
Hindi siya maarte at 'di rin mapili
Ito'y sapagkat nasanay siya sa buhay na kapos sa pera kahit pambili

Hindi rin siya matalino, may mga bagay pa rin na nahihirapan siyang intindihin kahit papaano
'Di siya tulad ng ibang kasing-edad niya na nakakaintindi ultimo ng mga problemang matematikang komplikado
Bukod sa mga ito, hindi rin talaga siya mahilig makipaghalubilo
Ngunit sa kadahilanang gusto niyang may mabago, ginagawa niya ang kaniyang makakaya upang makasanayan ang pakikipagkapuwa-tao

Mahirap sabihin na simple siya
Sapagkat may ibang bagay na hirap siyang ipakita sa iba
Basta ang alam niya lang ay iba't-ibang bersyon niya ang inihahayag niya sa harap ng mga tao
Basta, ang masasabi ko lang, KAKATWA ang personalidad na mayroon ako

Poetry Where stories live. Discover now