#05

4 1 0
                                    

"TENEDOR DE LIBRO"

Wikang Filipino'y matagal na nakagapos noon
Mga mananakop ay nag bigay ng ibang obligasyon
Diniktahan tayo't 'di binigyan ng pagkakataon
Upang mag salita't ihayag ang ating sariling desisyon

Kanila tayong hinawakan sa leeg ng pagkahigpit-higpit
Mga kamay nila'y tila isang kadenang nagbabaga't ito'y nagdudulot ng sakit
Ang kanilang paa'y maiwawangis mo sa isang daras
Tila ba sa bawat pag-apak nito sa ating likuran ay bumabaon ang bawat talas

Sa umpisa'y wala ni isang sumubok
Sumubok na ipaglaban ang karapatan, sapagkat wika nila'y ang ganti ng kalaban ay malakas na taguk-tok
Pinangunahan ng takot
Na baka maging isa sila sa mga nawalan ng buhay sa kadahilanang isinantabi ng mga ito ang panghihilakbot

Mga kababayan nati'y naging sunod-sunuran at kabalighuan
Kanilang hinayaan ang sarili na madiktahan ng mga nasa karukrukan
Bawat kababayan nati'y napuno ng pangangamba
Pangangamba na bumoses upang tanggalin ang sinipeta na patuloy sa kanilang umaangkla

Subalit sa kabila ng pagpapahirap at panganib
Mayroon pa ring 'di nag dalawang-isip na maghimagsik
Kanilang ginamit ang sariling wika upang ipadinig
Ang mga salitang pilit nananatili sa kanilang bibig dahil sa bikig

Naghanap sila ng daan palabas ng kulungan
Isang pasilyong mag hahatid sa kanila ng kahiyangan
Ang pagsisimula nila ng rebulosyon
Ang nag silbing tenedor de libro, upang buksan ang pag-iisip ng bawat kababayan natin sa loob ng nasyon

Poetry Where stories live. Discover now