Chapter 2: The Fatal Misstep

16 1 1
                                    

Azyle

Lagi nang umaawit.....umaawit mula kusina hanggang sa sala....Lagi lagi....lagi ng lalalala... Mahal kita mula umaga....lagi lagi...

Nagising ako sa ingay at sa papadyakpadyak ng kung sino man ang maagang nagising para mambulabog. May roommate nga pala ako. Kinukusot ko pa ang mga mata habang binubuksan ko ang pinto. Nakita ko si Riley na nakasuot ng headphone habang sinasabayan ang kanta mula sa headphone nya, sinabayan nya pa ito ng padyak habang nagluluto. Feel na feel talaga nya ang kanta.

"Good morning." Bati ko pero mukhang hindi nya narinig sa lakas ng tugtog sa headphone nya, kahit ako naririnig ko na ang kanta na nakaplay.

Kumuha ako ng tasa para magtimpla ng chocolate drink. Hindi ko alam kung napapansin ba ako ng kasama ko sa sobrang enjoy nya sa kanta at busy sa pagluluto, may ilang saglit pa na ginagawa nyang microphone ang sandok na hawak nya.

"Oh! Azyle gising kana pala! Good morning!" Bati nya ng napakalakas. Sa lakas ng boses nya aakalaing nasa malayo ang kausap nya.

"Lagi lagi....lagi lagi...lagi lagi!!!..." She sang along with the music while putting the fried rice she cooked onto the plate, then she placed the bacon and hotdog on the other plate.

"Kain naaaa!!" Ang lakas talaga ng boses nya, baka naririnig na ang ingay nya sa kabilang unit.

Sinenyasan ko syang tanggalin ang headphone nya bago kami magsimulang kumain, ginawa nya naman ito. Sa wakas hindi na kami magsisigawan para marinig nya.

Sumandok ako ng one and a half rice and then 2 pieces of bacon and one hotdog. Ang roommate ko naman ay nagtimpla muna ng kape bago kumuha ng pagkain.

"Azy, mauuna nga pala ako sayong pumasok, maaga kasi pasok namin eh." Pagpapaalam nya before she take a sip on her coffee.

Tumango nalang ako dahil hindi ako makapagsalita, timing kasing kakasubo ko palang bago sya nagsalita.

Ilang saglit pa ay tumayo na sya at nagsimulang mag asikaso. Ako nandito enjoying the food, ang sarap ng pagkakaluto nya ng fried rice. Ganito ba kapag sinabayan ng kantang Lagi by Bini? I chuckled when that thought crossed my mind.

Nagpaalam na sya sa akin habang naghuhugas ako ng pinagkainan namin at ng mga ginamit nya sa pagluto.

"Ingat!" Sigaw ko bago pa sya makalabas ng pinto. She gave me a smile at tuluyan na ngang lumabas.

Almost 8 narin bago ako matapos mag prepare ng sarili ko, 8:30 pa ang first class ko so saktong sakto lang pagdating sa school.

Naglalakad ako sa hallway at hinahanap ang Investigation department. May nakasalubong akong teacher at sa kanya ko naisipang magtanong.

"Ahm, excuse me po sir, alam nyo po ba kung saan ang investigatio-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tinuro nya ako.

"You must be the new student. I'm Cladius Morta, adviser ng Investigation department. Halika ipapakilala kita sa mga classmates mo" magkakasunod nyang sabi.

"I'm Azyle Torres po sir, pleased to meet you" inabot ko ang kamay ko sa kanya

"Pleasure is mine"

I followed him upstairs to the 2nd floor and upon entering room 203, I only saw one long table in the center with 7 chairs, three on each side of the table, and one on the center at the back. There were six students seated there, two males and one female on the left side, one male and one female on the right side, and one male seated on the center.

Ganito lang ba talaga ang bilang ng student? Pito lang ba talaga kami?

"Yes, there are only a few of you. Konti lang kasi ang may interest na mag enroll dito, and we're glad to have you as part of our department." Did I say it out loud? Para marinig nya ang iniisip ko?

The Intrigue of Azyle TorresWhere stories live. Discover now