Azyle
One week narin simula ng huling case na sinolve namin ni Jaze. Wala naring pumupunta sa room namin para humingi ng tulong kaya bakas sa mukha ng mga kaklase ko ang pagkabagot.
"Are you free after class?" Tanong ni Kelsey sa akin habang nakikinig sa discussion ni Sir Morta.
Wala namang assignments and take home activities kaya free ako after class. "Yes, free ako. Bakit?"
Lumingon sya sa akin. "Gusto mong sumama?" Bago binalik ang atensyon kay Sir. "Manonuod kasi kami ni Freyden ng Theater mamaya."
"Sige, sama ako."
"Okay class, that's all for today." Pinatay na ni Sir ang tv. "Don't forget to bring your PE uniform tomorrow for our training." Dagdag nya habang pinapasok sa bag ang kanyang laptop.
Niligpit ko narin ang mga gamit ko. Excited naman si Kelsey at Freyden na lumabas ng room.
"Do you have any plans later?" Tanong ni Jaze na nasa gilid ko na pala at dala na ang bag.
Binitbit ko na ang bag at hinirap sya. "Kelsey invited me to watch a theater."
He gave me a smile. "Okay, ingat kayo." Nauna na s'yang lumabas.
"Azyle, tara na malapit na magsimula." Tawag sa akin ni Freyden na kanina pa nasa pintuan.
Naglakad na kami papunta sa Auditorium. Every week daw may theater play dito. Ininvite si Freyden ng roommate nyang Stage manager na manood ng play nila.
"Romeo and Juliet daw ipeperform nila." Sabi ni Freyden habang naglalakad.
"Excited na ako sa mag a-act as Romeo, sana pogi." Kelsey giggled.
Pumasok na kami sa auditorium, naabutan namin ang mga performers na nagrerehearsal habang wala pang audience. Agad naman kaming napansin ng roommate ni Freyden.
"Freyden, buti nakapunta kayo." Tinapik ng lalaking nakataper cut at may suot na hoodie ang balikat ni Freyden at nginitian kaming dalawa ni Kelsey.
"Si Kelsey at Azyle, kaklase ko." Pagpapakilala ni Freyden sa amin.
"Edward Garcia. Make yourself comfortable. In a minute, magsisimula na ang performance namin." Tinuro nya ang seats sa first row.
Umupo na kaming tatlo at pinanood ang pagprepare nila sa stage.
"Dapat pala bumili tayo ng popcorn." Sabi ni Kelsey na mukhang excited sa play.
"Bumili kana doon habang hindi pa nagsisimula." Bulong sa kanya ni Freyden.
"Ayaw ko, baka paglumabas ako bigla silang magsimula." Napasimangot si Kelsey kay Freyden.
"Paano magsisimula eh tayo palang yung audience." Kunot noong sagot ni Freyden.
Pinapanood ko lang ang ginagawang preparation ng bawat members ng production team habang nakikinig sa sagutan ng dalawang kasama ko, normal na yata sa kanila ang ganito.
Ilang minuto pa ay sinara na nila ang pulang kurtina sa stage. Pumunta narin sa backstage ang mga performer ang taging naiwan nalang ay si Edward na chinicheck kong okay na ang lahat. Isa isa naring pumapasok ang mga audience na manonood ng performance nila.
"Mapapanood natin si Ysabel my loves." Dinig kong sabi ng isang lalaki sa likuran ko. "Crush na crush ko talaga sya simula pa dati." Dugtong nya na dahilan naman ng pagtawa ng mga kasama nya.
"Ladies and gentlemen, good evening and welcome to Solstice Theater." A fine woman wearing well fitted dress gets the attention of the audience. "We are thrilled to have you join us for tonight's performance. Before we begin, we kindly ask that you silence all cell phones and refrain from flash photography during the show. Now, please sit back, relax, and enjoy the show!" Pumalakpak ang mga audience, ang ilan pa ay nagsigawan.
YOU ARE READING
The Intrigue of Azyle Torres
Mystery / ThrillerIn the heart of Solstice Paradigm Academy, a prestigious university known for its academic excellence, a series of mysterious deaths shocks the campus. Each victim, a prominent figure among students or faculty, meets a tragic end under suspicious ci...