Chapter 6: The Joker Mask

2 0 0
                                    

Someone's Pov

"Nakatakas ang dalawang estudyante boss, nasa clinic sila ngayon. Tinulungan sila ng transferee sa Investigation department."

"Now, she's slowly getting on our way. Start making a destruction."

"Copy Boss."

Azyle's Pov

Umiinom ako ng favorite kong hot chocolate habang nakaupo sa sofa. Sabado ngayon pero maaga akong nagising dahil hinihintay ko ang update ni Sir Morta.

Bumabagabag sa isip ko kung bakit dalawa lang ang estudyanteng na-rescue namin, ang sabi sa akin ni Riley tatlo daw ang nawawala. Saan napunta ang isa? Or nagkamali kaya sya? Pero bakit tatlong plato ang nakita ko kahapon?

"Ang lalim na naman ng iniisip mo." sabi ni Riley habang kumakaway sa harapan ko.

"Kasi bakit dalawa lang yung estudyanteng nakita natin kahapon? Diba sabi mo tatlo sila?" Magkasunod na tanong ko.

"Baka nagkamali lang ako."

"No, there were three plates I saw there yesterday, which means tatlo silang nandoon. Something isn't right." Mapahawak ako sa baba ko.

Tring tring

My attention was caught when my phone rang. I looked at it and saw Sir Morta's name on the screen and answered it immediately.

He informed me that the two students we rescued last night can now undergo the interview.

"Okay, Sir. Thank you po. I'm on my way." I ended the call and headed straight to my room to change clothes. I wore high-waisted jeans paired with a basic white t-shirt.

Hindi ko na sinama si Riley papunta sa Clinic, sapat na ginawa nyang pagtulong sa akin kahapon.

"Azyle, kumusta?" Salubong ni Sir Morta sa akin.

"Okay lang po Sir. Nasaan po sila."

"Halika ihahatid kita sa room nila." Nauna na syang maglakad at sumunod naman ako.

We entered room 207. I saw a girl with long hair lying on the hospital bed. I smiled at her and she smiled back at me.

"How are you feeling?" I asked before sitting in a chair next to her bed.

She sat up and leaned against the hospital bed's headboard, grimacing slightly, still in pain. "Medyo okay na, thank you sa pagligtas sa amin."

I smiled at her. "Pwede na ba kitang mainterview?" Tanong ko.

"Oo." Mahinhin s'yang tumango.

Nilabas ko ang dala dala kong maliit na notebook at ballpen.

"Ako nga pala si Azyle Torres, from Investigation department." Pagpapakilala ko at inabot ang kamay.

Inabot naman nya yun at nakipagkamay. "Allison Flores, from Chemistry department."

"Natatandaan mo ba kung anong itsura ng mga nagdala sa inyo doon?" Tanong ko

Nag isip sya saglit. "Hindi eh, nakasuot sila ng pare parehong maskara."

"Anong klaseng maskara?" Sunod kong tanong.

"Pangjoker"

Kumunot ang noo ko at sinulat yun sa notebook ko.

"Tatlo kayong dinala doon tama?" Ito na ang kagabi pang katanungan sa isip ko.

"Oo."

"Pero bakit dalawa lang kayong inabutan namin doon?"

Yumuko sya. "Kinuha nila sya, hindi ko alam kung saan nila sya dinala." Malungkot ang tono ng boses nya.

The Intrigue of Azyle TorresWhere stories live. Discover now